Kabanata 22

118 5 6
                                    

A Chance To Love Again
Written by Nicollyte.

Nakayokong tumalikod na sya sa amin ni Leon , tumingin ako kay Leon at nag paalam , para habulin ang kuya nya , agad naman syang tumango at ngumiti.

Ginoong Leonardo!” tawag ko sa kanya , ngunit hindi  nya ako nilingon.

Peste! Hindi naman ito ang nababasa at nakikita ko sa mga palabas na ang babae ang nag hahabol sa lalaki’

“Ginoong Leonardo ano ba!” tawag ko pa sa kanya at nang maabotan ko sya ay agad ko syang iniharap sa akin.

Layuan mo ako” walang emosyong ani ni Leonardo.

Bakit naman kita lalayuan?” takang tanong ko sa kanya.

Hindi ibig ni Cassandra na makita tayong dalawa na nag uusap.”

Bahagya akong napaatras dahil sa sakit na agad nanatanggap ko.

Nakalimutan ko si Cassandra pala’
Mapakla akong napangiti , bago nagsalita.

“Oo nga pala… baka, mapaghinalaan pa tayo, ngunit hayaan mo na ,ako ang magpapaliwanag kay Cassandra kung makita nya man tayo sa ganitong sitwasyon ,wala naman sigurong malisya dahil mag KAIBIGAN tayo hindi ba?” saad ko pa .

Mag kaibigan ba tayo?.... wala kasi akong maalala na nagging magkaibigan tayo.” Malamig na tugon nya.

Para naman akong tinusok ng ilang libo dahil sa sinabi nya.

Ah! nakalimutan ko, hindi pala tayo nagging magkaibigan noh! …. Masyado ata akong assumera na magkaibigan tayo”plastic na ani ko.
Tumingin sya sa akin ng walang emosyon, at tsaka umayos ng tindig at taas noong tinignan ako.

“May sasabihin ka pa ba? BINIBINING NATIONAL?” pagdiin nya sa apelyedo ko.

Agad naman akong nag angat ng tingin at tiningnan sya sa mata.

“Ang tungkol pala don sa sinabi ko kay Leon------” di nya na ako pinatapos dahil nag salita na sya.

Kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Leon ay labas ako roon,huwag kang mag alala hindi ako hahadlang sa inyong pag-iibigan.

Ngunit------” di naman ako natapos sasabihin ko ng magsalita nanaman sya.

“Kung iyong inaalala na mag susumbong ako…. Ay natitiyak ko sa iyo na hindi ako magsusumbong kahit kanino” ani nya pa.

Mag sasalita pa sana ulit ako ng inunahan nya nanaman ako.

Hindi ko kailangan ang iyong dahilan, dahil kung tutuusin ay hindi kita kaibigan, hindi kita kalaban at lalong lalo hindi kita kasintahan…wala akong pakialam sa iyo dahil wala ka namang halaga sa akin.” Malamig na ani nya , at saka hinubad ang suot nitong sumbrero at itinapat iyon sa dibdib nya bilang pag galang.

Pinagmasdan ko sya habang unti unting lumalayo sa akin.Di ko maiwasan na masaktan dahil sa huling katagang binitawan nya , na nag paulit ulit na rumehestro sa isip ko.

*wala akong pakialam a iyo dahil wala ka namang halaga sa akin.*

*wala akong pakialam sa iyo dahil wala ka namang halaga sa akin*

*wala akong pakialam sa iyo dahil wala ka namang halaga sa akin*

*wala akong pakialam sa iiyp dahil wala ka namang halaga sa akin*

Ganyan ang mga salitang nag paulit ulit na naririnig ko sa aking isipan , na nag dudulot ng sakit sa aking puso.

Lumakad nako papunta kila ina, tinanong pa nila ako kung maayos lang ba ang aking pakiramdam , sumagot naman ako na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi.

Masyado ko nang dinamdam ang masakit na salita na lumabas sa bibig ng taong mahal ko.

Papalubog na ang araw ng makauwi kami sa aming tahanan. Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ng mga tagapagsilbi.

Tinananong ako ni Andeng kung ayos lang ba ako, pero ngumiti lang ako at tumango,bawat kilos ko ay parang tamad ako. Sinabi pa ni ina kung bakit ba daw ang tamlay ko e hindi naman ako ganon nang pumunta kami sa simbahan.

Andito kami ni Andeng sa loob ng aking silid , habang titnutulongan nya akong mag ayos ng aking sarili para mamaya.

Nakaupo ako ngayon sa silya habang  inaayos ni Andeng ang aking buhok.

Ayos ka lang ba ho binibini?” tanong pa ni Andeng habang sinisuguro na mahigpit ang pagkakatali rito.

Oo naman” nakangiting tugon ko.

Ngunit kanina ko pa ho nahahalata na mukhang ika’y mayroong problema.”

Naku! Wala akong problema na dinadala…maayos lang ako”

Maari niyo naman ho’ng ikwento sa akin, at nagbabakasakaling makapag bigay ako sa iyo ng payo.” Pilit na pangungumbinsi ni Andeng.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang mag kwento sa kanya.

Nagpakawala ako ng marahas na buntong hinanga tsaka nag salita.

“Ano ang iyong gagawin Andeng kung…..mayroon kang taong napupusuan ngunit hindi ka niya magawang mahalin pabalik?” tanong ko pa sa kanya.

Kung ako man ang nasa sitwasyon na iyan…..” napahawak pa sya sa ilalim ng kanyang baba at tumingala habang nag iisip.

“Gagawin ko ang lahat upang mapasaakin sya.” Kumpyansang ani ni Andeng.

Ngunit papaano kung mayroon na syang kasintahan, tapos pinapakitaan ka nya ng pag asa na animo’y pareho kayo ng nararamdaman sa isa’t isa , ano sa tingin mo ang kanyang tunay nanararamdaman para  sa iyo?”.

Sa tingin ko ay naguguluhan sya sa sigaw ng kanyang damdamin, ngunit hindi ibig sabihin nito ay mayroon na siyang nararamdaman para sa iyo.Marahil ganon lang talaga ang paraan nya ng pakikipag kaibigan sa iyo , ngunit hindi ko natitiyak nag anon nga. Dahil minsan maari kang dumungaw sa ideya ng positibo o negatibo, minsan maari din na positibo,na mayroon nga siyang nararamdaman sa iyo , ngunit siya ay hindi nakakasiguro.Negatibo naman ay kung yun ay hanggang kaibigan lang talaga ang tingin nya sa iyo . Hindi natin nababasa kung ano ang tumatakbo sa isip ng tao binibini, na kahit na ano mang oras ay may kakayahan syang magbago ng pansarili nyang desisyon.Parang puso ,meron nan gang nauna at siya ang iyong iniibig ,ngunit darating at darating ang panahon na  isang araw gigising ka na lamang sa mundong ito na hindi mon a sya mahal , na iba na ang titinitibok ng iyong puso at hindi na ang taong una mong minahal.Tao lamang tayo binibini , tayo ay alipin lamang ng pagibig.” Mahabang saad nya.

Sa pag kakataong to ay para akong nabigyan ng pag asa na ‘BAKA’ mayron ngang nararamdaman si Leonardo sa akin pero may nag sasabing ‘WALA’ dahil talagag]ng assumera lang ako.

Nang matapos na akong makapagbihis ay agad na akong lumabas sa aking kwarto.Paglabas ko ay may napansin akong isang sobre sa labas ng pintuan ng kwarto ni Gloria.

Dahil sa kyuryosidad ay agad akong lumapit at tsaka pinulot ito.

Tiningnan ko kung sino ang nagpadala nito, ngunit walang nakasaad kung saan nanggaling ang sulat.Binuksan ko na ito at binasa kung ano ang nakasaad sa loob nito.

Itutuloy natin ang plano…kaunting tiis na lamang ay makukuha mon a ang iyong matagal nang inaasam asam.
---CB

Ganon na lamang ang gulat ko nang malaman kung ano ang nakasaad dito.Narinig ko na bumukas ang pintuan kaya dali dali kong tinago ang sulat sa likod ko.

Ganon na lamang ang pagtataka ko ng makita kung sino ang taong lumabas sa pintuan ng kwarto ni Gloria.

“Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko.

Nag -usap lamang kami ng iyong ate Gloria Nicolasa kaya wala kang dapat na ipag alala.” Saad nya pa at ngumiti ng plastic.

Hindi naman ako nag aalala binibining Cassandra , ang tinanong ko lang naman ay kung ano ang sadya mo dito.”

aman…nakipagkamustahan lang sa iyong kapatid , at tsaka sabay kaming pupunta sa pagdiriwang ngayon.” Ani pa nya . Tumango ako at tinalikuran sya.

Okay!!!!! Baye baye muna tulog muna ako nyt lyters!

A Chance To Love Again    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon