Kabanata 19

127 5 5
                                    


Bumitaw ako mula sa pag kakayakap nya , at sinampal siya ng wala sa oras.

“Hah! , karapatan? , ikaw may karapatan sakin?” galit na  sigaw ko sa kanya, bahagya pa syang nagulat dahil sa inaasta ko ngayon.

Pinahid ko muna ang luha na patuloy lang umaagos ng dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko ngayon.

Ang kapal kapal ng mukha nya para sabihin na mas may karapatan sya sa akin’

Leonrado… karapatan ?, ang alin? Na may karapatan ka saakin?.Hah! ano ba kita?, para lang  masabi mon a may karapatan ka sa akin.” Seryosong ani ko pa habang lumuluha , tiningnan ko sya ng may hinanakit na nararamdaman. “Ano!? hah! Sumagot ka!”  bahagya ko pa syang itinulak tulak dahil sa galit nanararamdaman ko.

“Nicola…. Tama na” malumanay na ani ni Leo , pero sa halip na makinig ay isang masamang tingin lang ang ipinukol ko sa kanya.

Ginoong Leonardo sagot!” nanggigigil na ani ko pa.
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata bago magsalita.

Gusto mo ba talaga malaman ang kasagutan sa iyong katanungan?” seryosong sabi nya , at dahang dahang lumapit sakin.

“Oo!.. oo Ginoong Leonardo! , dahil gulong gulo nako!. Alam mo ….. ayos na sana kanina eh! , gumaan na ang pakiramdam ko sa pagdamay sa akin ni Leon , pero nang dumating ka ay mas lalo lang akong nasaktan eh!, tapos ng walang ano anoy sasabihin mon a mas may karapatan ka!, alam mo … paasa ka eh!. Isa kang malaking punyetang paasa". Diko na talagamapigilan ang sarili kong mapamura, kahit sabihin man nila na hindi ito ka ibig-ibig na kilos ng isang binibini sa panahon nila.

“Leo….hali kana iuwi mo na ako sa aming bahay at baka kung ano pa ang magawa  ko sa kapatid mong ipinaglihi sa yelo.” Seryosong ani ko , at agad namang sumunod si Leo at inilalayan ako papasok sa kalesa, sumonod naman ang kalesang sinasakyan ni Leon at naiwan si Leonardo na tulalang nakatayo.

“Karapatan your face!’

Habang tumatakbo papalayo ang kalesa ay hindi ko maiwasang hindi masaktan sa sinabi nya.

Dahil sa mga pinag sasabi nya mas lalo nya lang akong binibigyan ng pag asa kahit sa totoo naman ay wala naman talaga.’

Huwag kanang lumuha..hindi maganda sa isang dilag ang lumuluha” seryosong ani ni Leo at hiniwakan ako sa mag kabilang pisngi at pinahid ang mga luha ko na di ko man lang namalayan na umaagos.

******

Kinabukasan.

“Nicola!”

Agad akong nagising ng dahil sa magkakasunod na katok sa pintuan ko.

Kahapon ng hinatid ako ni Leo ay nag pasalamat pa siya dahil sap ag payag ko na sumama sa kanya, tinanong pa siya ni Don Pedro kung sinunod bad aw ni Leo ang hinabilin nito , ako na ang sumagot at dali daling pumasok sa aking silid kagabi at pag dating kosa loob ay agad na akong humilata sa kama at umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog nako.

“Nicola!” tawag nanaman sa akin.

Teka lang!” sagot ko at dahan dahang bumangon at pumunta sa pintoan para pag buksan kung sino man ang nangbubulabog sa umaga ko.

Pag bukas ko sa pintoan ay agad tumambad sa harapan ko ang gulat na mukha ni Gloria.

“Nicola!!!! Ano ang nangyari sa iyo?...bakit namamaga ang iyong mga mata?” gulat na ani nya , at dahil sa pag  sigaw nya ay dali daling napapunta si Ina at Josefa at Don Pedro para alamin kung ano ang nangyari sa akin.

Aba’t oo nga anak.. ano ang nangyari sa iyo, bakit namamaga ang iyong mga mata?” alalang  ani ni Ina at bahagyang lumapit sakin at tiningnan ito ng malapitan.

“Umiyak ka ba kagabi?” malumanay na ani ni Don Pedro.

Kung sasabihin kong oo malamang matotodas si Leo kaya kailangan kong magisip ng paraan tama tama”

Hindi po ama, puyat lamang siguro ako kaya’t malamang sa malamang namaga ang aking mata.” Pagsisinungaling ko.

Tiningnan nila ako ng maigi , upang kilatisin kung nag sasabi ba ko ng totoo.

Ngumiti ako at agad nag iwas ng tingin.

“Mukhang ika’y nasisinungaling lamang” panghuhuli sa akin ni Gloria , pinandilatan ko naman siya ng mata pero sa halip na makisama ay tinawanan nya lang ako.

“Syang tunay!” pag sang-ayon naman ni Josefa at nag apir pa silang dalawa ni Gloria.

Tong dalawang to sarap ibunggo’

Nag sasabi ako ng totoo”pag dedepensa ko.

“Kung gayon ay titigan mo nga ako ng mata sa mata at kung ika’y iiwas ay iisa lang ang pahiwatig nito” pang aasar pa ni Gloria.

O sya! , baka kung saan pa mapunta ang pag aasaran nyong magkapatid, ang mabuti pa ay mag ayos na kayo at ng sag anon ay umabot tayo sa paunang misa” pag aawat ni Ina at tumungo na sa kanyang silid , si Don Pedro naman ay bahagyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo ganon din ang ginawa nya kina Josefa at Gloria.

Sinundan naming ng tingin si Don Pedro hanggang sa makapasok na ito sa kanilang silid.At pag tingin ko kay Josefa at Gloria ay bahagya na silang nakangisi habang nakatingin sa akin.

Ano nanaman kaya ang plinaplano nyong dalawa’

Tinaasan ko sila ng kilay dahil sa kahinahinalang mga tingin nila.

“At anong meron sa mga ganyang klase ng tingin aber?” tanong ko sa kanila.

“Wala ka bang na aalala kung anong meron sa araw na ito?” mapanuksong ani ni Gloria.

Taka naman akong napatingin sa kanya.

Anong meron? Bakit di ako informed?’

“Wala …bakit ano bang meron?” takang tanong ko sa kanya.

“Nakalimot kana ba?, kung dati ay hindi ka mag kamayaw sa tuwing sasapit ang petsang ito” gulat na tanong ni Josefa.

Inis akong napakamot sa aking ulo dahil hindi ko talaga mawari kung ano ba ang meron sa petsang ito.

Totoo hindi ko talaga alam kung anong meron sa araw na ito’’ naiusal ko na lang “At kung ano man iyon…. Malalaman ko rin iyon”. Dagdag ko pa.

Narinig ko pa na may sinasabi si Gloria pero agad ko ng isinarado ang pintuan.

Pag sara ko ng pinto ay agad akong sumandal sa likod nito, at dahang dahang napaupo sa sahig habang pinipilit na makalimutan ang nangyari kahapon.

Ohhhh Chilll muna next chap pa bwahaha

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now