Kabanata 52

98 6 0
                                    

“Okay ka lang nak?” tanong ni dad na nakatingin sakin mula sa rear mirror.

“Im fine dad” agarang sagot ko at agad ngumiti ng pilit.

Hindi niya na ako tinanong pa ng kung ano-ano, sa halip ay itinuon niya na lang ang kanyang atensyon sa pag dri-drive. Kasalukuyan na kaming bumabyahe patungong San Agustin.

Tulog lahat ng pinasan kong maiingay at makukulit. Itinuon ko lang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Tahimik na pinag mamasdan ang paligid. Ilang sandali pa’y may na daanan kami isang lugar na sobrang pamilyar sa pakiramdam.

Sa hindi malamang dahilan ay agad na kumirot ang ulo ko. Pasemple ko itong hinilot upang hindi ma halata ni Dad na may masakit sa akin, ayoko na mag alala siya.

Ilang minuto kong tiniiis ang sakit ng ulo ko, at sa wakas ay nakarating na rin kami sa bahay nil ani Lola at Lolo.

“Uyy gising na! andito na tayo!” gising ko sa mga pinsan ko.

At ang magagaling na luko-luko ay agad na nag si agawan ng gamit at nag paunahan sap ag labas. Nasa panghuling upuan ako ng van kaya ako ang pinakahuling lumabas.

Pag labas ko ay kita agad ng dalawang mata ko ang isang napakalaking mansion. Pag apak pa lang ng isang paa ko sa damuhan ay may kakaibang pakiramdam ang bumalot sa Sistema ko, parang nadito ang sagot na hinahanap hanap ko, parang andito ang kalahati ng kataohan ko.

“Ate!!!” buong galak na salubbong sakin ni Marielle at patakbng lumapit sakin at yinakap ako ng mahigpit.

“Marielle! Na miss kita sobra!”  masayang ani ko sa kanya.

“Ako den ate, I miss u so much, grabe hindi kita nakita sa loob ng limang buwan.” Sabi din niya at kumalas na sa pagkakayakap sakin.

“So? Shall we?” aya ko sa kanya papasok sa mansion.

Tumango naman siya ng nakangiti at ipinalibot ang isang braso niya sa bewang ko. Nakangiti kaming pumasok sa loob ng mansion, at pag tapat naming sa pintuan ay unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa labi at unti unting napaupo ako sa mismong harapan ng pintoan.

Agad akong napahawak sa ulo ko dahil bigla na lang may lumitaw na mga tao na hindi malilinaw ang itsura.

“Ate? Ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong ni Marielle habang hinahagod ang buhok ko.

Tumango ako at kumapit sa kanya para maitayo ko ang sarili ko.

“A-ayos lang ako, wala to. Tara na!” pilit na pinapasaya ko ang sarili ko para hindi nya mahalata.

“Sigurado ka ah! kung may masakit sayo magsabi ka lang.”

Sa halip na sagutin siya ay ngumiti lang ako sa kanya at pumasok na kami sa loob ng mansion.
Pag bukas ng pinto ay isang malamig na hangin ang yumakap sakin. Lahat ng bagay na naririto ay parang pamilyar, sadyang napaka-pamilyar sa pakiramdam. Sa hindi malamang dahilan ay biglang binalot ng lungkot ang puso ko. Parang may isang napakalungkot na pangyayari na hindi ko ma, ala-ala.

“Ate!”

Napahinto ako sap ag iisip ng biglang sumigaw si Marielle.

“Gi kuyawan man pod ko nimo oy!” gulat na reklamo ko sa kanya.
Translation: Ginulat mo naman ako!

“Kanina pa kita tinatawag! Kanina pa pod ko salita ng salita diri, tapos wala ra ka namati.” Singhal niya.
Trans: Kanina pa kita tinatawag! Kanina pa din ako salita ng salita dito, tapos hindi ka rina naman pala nakikinig.

“Sorry” nakayukong sagot ko.

“Oh sya! Halikana kanina pa tayo inaantay sa hapag.”aya niya sakin at inirapan ako.

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now