Kabanata 46

92 10 0
                                    

“Seniorita! Seniorita! Gumising ho kayo! Senyorita Nicolasa!” dinig kong sigaw ng isang katulong.

Dahandahan kong minulat ang aking mata, kinusot kusot ko pa ito ng bahagya bago bumangon.

Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito.

“Ano  ho iyon aling Lucing?” antok na tanong ko.

“S-si A-andeng ho…..” hindi mapakaling sabi niya.
.
Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya.

“Maari bang ika’y kumalma? Kinakabahan ako sa ikinikilos mo. Sabihin mo… ano ang nangyari kay Andeng?” mahinahong tanong ko.

Ewan ko pero parang kinutuban na ako sa nangyari, pero hindi naman siguro mangyayarisa kanya yun.

“K-kasi po, ma-may nakakita kay Andeng… na pa-palutang luting ang katawan sa ilog sa---” hindi ko na hinayaang matapos pa ang sasabihin niya . Pag karinig ko ay agad akong tumakbo papalabasng hacienda.

Nakita ko si Mang Ambo na nilalakad ang kabayo. Hindi na ako nag paalam na sasakay, sa halip ay sumampa ako agada gad sa kabayo at pinatakbo ito patungo sa ilog na tambayan ko.

Pagdating ko don ay nandoon sila ni Mang Berting at ang ibang mga tao sa hacienda.

Lahat sila ay napatingin sa akin. Bumaba ako sa kabayo at lumapit sa kay Mang Berting na umiiyak habang yakap yakap ang katawan ni Andeng.

“Mang Berting” bahagyang tawag ko sa kanya.

Tumingin sya sakin habang nag pipigil ng galit.

“Umalis kana rito, pakiusap binibini, hindi ko ibig na makipagtalo sa iyo.” Madiing ani ni Mang Berting.

“Dalhin ho natin sa pagamutan si Andeng.” Suhestisyon ko.

“Patay na siya wala ka ng magagawa, kaya pakiusap umalis kana!” galit na sigaw niya.

Agad naman akong nagitla dahil don. Kahit pinapaalis niya na ako ay lumapit pa den ako at pinulsuhan si Andeng. Napapikit ako sa pagkadismaya, wala na talaga si Andeng. Hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha galing sa aking mga mata.

Ibang klase , pati si Andeng dinamay nila, bakit siya pa?alamo ko sa sarili kona hindi to aksedinte, pinapatay talaga siya’

Pinagmasdan ko ang malamig na bangkay ni Andeng, maputla ang buong mukha niya, nangingitim na ang ga kuko niya, maputla din ang labi niya. May mga pasa siya sa magkabilang braso, at may latay ang leeg niya.

Isang senyales na hindi lang siya nilunod, sinakal pa siya. Punit ang iilang bahagi ng kanyang blusa at palda. Bitas din ang kanyang suot na tsenilas.

“Hindi sana to nangyari kung hindi siya nakialam sa kaso mo.  Ilang beses ko siyang pinigilan ngunit sadyang matigas ang kanyang ulo.
Kung totoosin ay dapat kitang sisihin sa nangyari sa anak ko. Ngunit alam ko rin naman na hindi mo din ginusto ito.” Mayhinanakit na sambit ni Mang Berting habang pinipigilang lumuha.

Napabuntong hinanga ako.

Kung sabagay tama siya, kung di dahil sakin malamang hanggang ngayon ay buhay pa si Andeng.’

“Ayos lang ho Mang Berting kung ako ang inyong sisihin, ako ang nagkasala ngunit siya pa ang nadamay, patawarin niyo ho ako.”

“Hindi ikaw ang pumatay sa anak ko, kaya’t wala kang dapat na ihingi ng tawad, magbabayad ang mga taong lumapas tangan sa pagkatao ng anak ko!” biglang galit na usal niya.

Ilang minute kaming natahimik, hanggang sa dumating ang mga guardia civil na ipinatawag ko, pinadala ko sa morgue ang bangkay ni Andeng.

“Ang ilog na dati’y kay puti at kasing linaw ng dyamante kung umagos, ngayon ay nahahaluan na ng pulang tinta dahil sa hindi makatarungang hustisya.” Matalinhagang ani ni Mang Berting

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now