Kabanata 18

127 4 19
                                    

Ang pag mamahal ang pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat, ang pag pag mamahal ay may kakayahang makapag pahilom sa bawat kalungkutan.Sabi nila masaya daw ang mag mahal , masaya daw kapag punong puno ka ng pagmamahal.

Pero bakit ganito? Bakit nasasaktan ako? Bakit taliwas ang mga sinabi nila sa nararanasan ko?.Nasaan na ang sabi nila na masaya daw ang mag mahal.Nasaan na ang sinabi nila na ang pagmamahal ay kayang  magpahilom ng kalungkotan.

Para sakin …. Ay may ibat ibang klase ng pag mamahal. Katulad ng pag mamahal mo sa pamilya mo , pagmamahal sa kapwa mo , pag mamahal sa kaibigan mo ,pagmamahal mo sa sarili mo at higit sa lahat ang pagmamahal mo sa taong mananakit sayo.

Sabi nila walang kasaganahan kung walang kahirapan , walang kasiyahan kung walang kalungkutan . Pero bakit sa pagmamahal kailangan mong masaktan?. Hindi naman sa sinasabi ko na kailangan  na pagnagmahal ka di kana masasaktan , alam naman nating lahat na kailangan din nating masaktan paminsan minsan , para matuto tayo at handang magparaya para sa ikabubuti nya hindi ba?.

Tama nga ang sinabi nila na kapag nag mahal ka ay nagdudulot ito ng kasiyahan sa buong Sistema mo.Yung tipong pag nakita mo sya bumibilis ang tibok ng puso mo.At kung minuminuto hahanap hanapin mo, yung tipong di na sya maalis sa isipan mo.

Pero kapag nasaktan ka….. ang mga ganyang pakiramdam ay unting unting nawawala , lalo nap- ag nalaman mong may mahal na syang iba.

Kung dati ang bilis bilis ng tibok ng puso mo pag nakikita mo sya pero ngayon ay iba na , imbes na matutuwa ka na nakita mo sya ay mas masasaktan ka lang pala.

“Maayos na ba ang iyong pakiramdam?” tanong ng lalaking katabi ko.

Andito kami ngayon nakaupo sa gilid ng daungan habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Ang buhay parang dagat minsan ay maalon , at kung minsan naman ay kalmado.

Napatingin ako sa katabi ko na kasalukuyang nakatingin din sa akin. Nang mapatingin ako sa mukha nya  ay di ko maiwasang hindi s’ya ma alala.

Ngumiti ako ng pilit na hindi pinapahalatang nasasaktan parin ako sa nasaksihan ko kanina.

“Ayos nako Leon …… salamat pala kanina sa pag hila kanina sakin” pilit na ngiting ani ko .

Tumingin s’ya sakin ng diretso sa mata at tiningnan ako ng seryoso.

Kung ika’y nasasaktan parin hanggang ngayon ng dahil sa iyong nasaksihan sa pagitan ni Kuya at binibining Cassandra , ay huwag mong pigilang lumuha ang iyong mga mata.Kung pipigilan mo lamang ang sakit ay mas lalo ka lamang masasaktan.Mas mabuting ilabas mo ang iyong hinanakit , kesa dibdibin mo ito.”

"Hindi....... ano ka ba , malakas kaya ako . Di ako iiyak noh , at tsaka ano ngaba ang karapatan ko para masaktan. Sus wala yun" pilit na pag papalakas ko pa sa sarili ko habang nanginginig ang boses ko.

"Alam kong nasasaktan ka ... kaya hayaan mo lang ang sarili mo na ilabas lahat ng hinanakit mo.Andito lang naman ako sa tabi mo, sasamahan kita sa oras ng kalungkutan at kasiyahan mo."

Nang dahil sa sinabi ni Leon ay agad nanamang nangilid ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.Linabas ko na talaga ang lahat ng sakit at kalungkotan na aking nararamdaman.

Kung maari lang sana na maibalik ang  dating puro bangayan lang kami ni Leonardo.Yung tipong ang aga aga ay mambwibwisit na agad sya.Na miss ko yung ganong tratohan naming dalawa.

Sa totoo lang gusto ko s’yang pag susuntokin at pag mumuramurahin ng dahil sa sakit , pero na isip ko .Ano ng aba ang karapatan ko para magalit sa kanya? , ano ba naman ang karapatan ko para masaktan.

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now