Kabanata 39

88 7 0
                                    

D.N.E

Maaga akong nagising ngayon, natapos na ako sa pag wawalis ng buong kumbento, tapos na rin akong mag saing at mag handa ng agahan.

Kasalukuyan akong ng pupunas ng mga mowebles, at habang nag pupunas ay kumakanta kanta pa ako.

“Ohhhoooohhh! Ako’y dyooooooooosa!.”

Winalis ko na ang mga na ipon kong alikabok , at inilagay ito   basurahan. Kinuha ko ang isang lalagyan ng pagkain na ibibigay ko mamaya kay Leonardo pag dumating na siya dito sa kumbento.

Lumbas ako sa pintoan ng nakangiting naka tingin sa lalagyan ng pag kain.

Nakatayo lang ako sa labas, masyado pang maaga iilang tao pa lang ang nakikita kong nag lalakad patungo sa kani-kanilang trabaho.

Ilang minuto na akong nag aantay at parang tangang nakangiti sa kawalan habang kumakanta ng dyosa ni Yumi Lacsamana.

Napagdesisyonan kong silipin ang kalsada, baka sakaling nag lalakad na siya patungo rito. Binuksan ko ang kural (Gate) at dumungaw habang bitbit ko parin ang lalagyan ng pagkain.

Nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay may biglang humablot sa bit-bit ko.

“Yung pagkain ni Leonardo!!!! hoy! Gumising pa ako ng maaga para lang maluto yan langya!” nanlulumong sigaw ko sa humablot ng pagkain ni Leonardo.

Natigilan lang ako sa pag aamok ng mapagtanto ko na lahat ng tao ay napahinto at napatingin sakin. Agad akong ngumiti ng pagkalawak para lang itago ang pagpapakahiya ko.

Napayuko ako at napatingin sa paanan ko. May isang papel akong nakitang nakalukot, kaya kunot noong pinulot ko ito at binuksan.

Ninakaw mo ang puso ko. Tumingin ka sa kaliwang poste.

Kaya ginawa ko naman ang nakasaad sa sulat. Pagtingin ko sa kaliwang bahagi na may nag iisang poste ay nakita ko si Leonardo na nakasuot ng garbino.

Gwapong gwapo ako sa jowa ko mga bes!

Ang lakas ng dating niya sa suot niya, abogadong-abogado talaga.

Dumagdag pa ang ka gwapohan niya, at pormal na pormal ang tindig at postura niya. 

“Magandang umaga aking binibini”  agad na bati niya at ito parin ako nakatulala sa harap niya. Inalis niya ang kanyang sombrero at itinapat iyon sa dibdib niya at bahagyang yumuko.

“M-magandang umaga din sa iyo aking ginoo”  nauutal na bati ko sa kanya pabalik.

“Ang aga mo naman atang magising aking binibini” nakangiting ani niya at bahagyang lumapit sakin.

Magkaharap na kami ngayong dalawa.

“Maaga akong nagising dahil ipinagluto kita, kaso ninakaw kanina.” Nakangusong tugon ko sa kanya.

At bahagya siya tumawa at niyakap ako.

“Ako’y napadaan lamang dito upang dalawin ka” sabi niya habang nakayakap parin saakin.

Kumalas na ako mula sapag kakayakap niya at hinawakan siya sa mag kabilang balikat. Tinignan ko siya ng direkta sa mata, pansin ko na parang malungkot ang mga mata niya. Sabi nga nila , maaring magsinungaling ang bibig pero hindi ang mata.

“May problema ka ba?” prankang tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at umiling.

“Wala… aalis na ako at baka mahuli ako sa aming pagdinig sa korte.”

Tumango lang ako.
Tumalikod na siya at mabagal na nag lakad papalayo.Inobserbahan ko ang mga galaw niya, para siyang binag sakan ng langit at lupa , pero sa halip na isipinyon ay isinawalang bahala ko na lang.

A Chance To Love Again    Where stories live. Discover now