Kabanata 49

108 9 0
                                    

Madiing napapikit ako ng mga mata ko nung marinig ko ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.

Pero ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdaman na kahit na anong senyales na tinamaan ako ng bala sa katawan.

Taka akong nagmulat ng mga mata ko, at laking gulat ko kung sino ang taong natamaan ng bala na dapat ay sa akin.

“Gloria!” gulat na sigaw ko.
Nakatayo siya sa harapan ko habang nakabuka ang dalawang kamay, na animo’y handang saluin ang bala para lang ma protektahan ako. Nakatayo siya habang unti-unting umaagos ang dugo palabas sa bibig niya. Nakangiti lang siya sa akin na para bang ayos lang ang lahat. Unti unting bumagsak ang katawan ni Gloria sa lupa.

“Gloria! Gloria! Wag kang mamamatay pakiusap!” umiiyak na pakiusap ko habang todo ang pagpupumiglas ko sa bangko kung san ako nakatali.

Napatingin ako kay Josefa na gulat din ang reaksyon. Nanginginig na nabitawan niya ang baril at umiling -iling.

“Hindi…hindi! Hindi ko siya pinatay! Hindi ko magagawang pumatay.” Kinakabahang sabi niya sa sarili niya.

Naguguluhang inoobserbahan ko si Josefa, para siyang baliw na hindi mapakali.

Ilang sandal pa siya nagpa balik balik ng lakad nung biglang…

“Senyorita Josefa! Andito ho ang mga tauhan ng hacienda ninyo! At may mga dala ng sulo ng apoy at mga itak!.” Humahangos na paalam sa kanya ng isang bata niya.

“Umalis na tayo rito bago pa nila tayo maabutan rito! Bitbitin niyo ang walang silbing kapatid kong iyan!” utos niya sa mga tauhan niya.

Agad namang sumunod ang mga tauhan niya at kinalag ang tali sakin sa bangko. Kinaladkad nila ako palabas. Walang buhay akong nagpakaladkad sa kanila habang hinahabol ng tingin ang walang buhay na katawan ni Gloria.

‘May buhay nanamang nawala para lang masolba at maibigay ang hustisya na nararapat para kay Nicolasa.’

Paglabas naming sa kweba ay namataan ko ang kumpol ng tao na patakbo na susulong sa kinaroroonan naming.

“Ayon sila! Sugurin niyo sila mga kasama at siguraduhing ligtas ang ating Binibini!” sigaw ni Mang berting sa mga kasamahan niya at patakbo silang sumugod papunta sa kinaroroonan namin.

Sa pilitang itinayo ako ng tauhan ni Josefa. At patakbong hatak hatak nila ako. Bahagya ng lumiliwanag ang paligid. Ibig sabihin ay  mauubos na ang  buhangin sa hourglass ni Nicolasa.

“Bilisan niyo!.” Sigaw ni Josefa habang inaalalayan ng isa pa niyang tauhan na may hawak na palaso.

Tumakbo kami sa masukal na kagubatan at sinusubukang lumayo sa mga tauhan ng hacienda.

“Aray! Ano ba!?” reklamo ko sa isa nung higpitan niya ang paghawak sa braso ko.

Nakalabas na kami sa masukal na kagubatan at doon bumungad sa amin ang malawak na talampas. Kung saan makikita ang nag iisang puno. Ang tagpuan namin ni Leonardo.

“Ayon sila!.” Rinig kong sigaw ng kung sino.

Agad na nagsiliparan ang sibat sa  kalangitan. Kaya nataranta ang panig nil ani Josefa , nagpapalitan na sila ng sibat at palaso. Kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang makatakas.

Tumakbo ako sa isang tambak ng damo, ng biglang may humablot sa buhok ko.

“Aray!” napaigik ako sa sakit.

“At saan ka naman pupunta!? Hindi pa ako tapos sa iyo! Dito kita tatapusin.” Madiing sabi ni Josefa at mas hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok ko. At idiniin sa sentido ko ang baril.

A Chance To Love Again    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon