Kabanata 16

129 5 10
                                    

 
1 WEEK LATER…

A/N: Third person’s POINT OF VIEW PO TO :)

Maagang nagising si Nicolai dahil  tatlong mag kakasunod na katok sa kanyang pintuan.

Inis na bumangon sya sa kanyang kama , upang alamin kung sino ito.Napakamot  sya sa kanyang ulo dahil sa inis.

‘Sino ba naman ang mambubulabog sa natutulog na dyosa ng ganito ka aga! Naku! Siguradohin nya lang na worth it ang pag aaksaya nya sa oras ko , kundi tatadyakan ko talaga sya!’

Agad nya ng binuksan ang pintuan habang kinukusot -kusot pa ang kanyang mata , ng ma himasmasan na sya ay gulat syang na patingin sa tao’ng tumambad sa kanyang harapan.

Ngumiti muna ang binata at hinubad ang suot nitong sombrero at itinapat iyon sa dibdib niya bilang paggalang.

“Magandang umaga Binibining Nicolasa” ani ng binata.

“Magandang umaga din sa iyo Ginoong Leo …. Ano ang maipag lilingkod ko sa iyo?” pabalik na bati ni Nicolai sa kay Leo.

“Ako’y naparito upang ika’y yayain sana na mamasyal sa pamilihan” nahihiyang ani ng binata.

Sandaling natahimik si Nicolai ng dahil sa sinabi ng binata.

‘Ano nanaman kaya ang trip ng magkapatid na to? Una yung paasa’ng si Leonardo baka ito pa fall rin tong mokong na to masakit kaya ma fall nabubuset nako!’

A-ayos lang naman kung  ikay hindi papaya-------”

“Hinde!” pag putol nya sasabihin ng binata , kaya napakamot na lang  si Leo sa kanyang batok dahil sa kahihiyan.

Simula pa lang ay ibig ng makilala ni Leo si Nicolasa upang makipagkaibigan sa dalaga , ngunit palagi siya’ng na uunahan ng kanyang kapatid kaya’t ipinagsasawalang bahala nya na lang ito .Kaya ng malaman nya’ng ibig din na ipasyal ng kanyang kapatid ang kanyang kasintahan ,ay hindi niya na inaksaya ang pagkakataong makasama ang dalaga.

“A-ang ibig kong sabihin ay….. si-sige papayag ako’ng mamasyal tayo—”

Hindi na natapos ni Nicolai ang kanyang sasabihin ng bigla na lamang syang yakapin ng binata.
Nang ma pagtanto ni Leo na isang kapusukan ang kanyang ginawa ay tarantang napabitiw sya sa pagkakayakap nya sa dalaga.

“Pa-paumanhin sa-saaki’ng inasal.”

“Ayos lang iyon sa akin.”

Ipagpaumanhin mo ang aki’ng inasal, hindi ko sinasadya, ako’y nadala lamang ng aki’ng damdamin.”

“Walang problema sa akin’ ang iyong ginawa Ginoong Leo.” Nakangiting tugon ni Nicolai.

Paranamang nabunutan ng malaking tinik si Leo sa  tugun ng dalaga, kaya  napag pasyahan nya nang antayin ang dalaga sa ibaba upang makapag ayos ito sa lakad nila.

Itinapat nya ang kanyang sombrero sa kanyang dibdib at lumakad na pababa ng hagdan.

Samantalang isinara na ni Nicolai ang pintuan sa kwarto nya at sumandal panandalian sa likod ng pintuan.

‘Bakit ganito? Pag si Leo ang katapat ko hindi ko maramdaman ang nararamdaman ko pag si Leonardo kaharap ko’

Napa buntong hininga na lang s’ya at tumayo at kumuha ng damit sa loob ng cabinet ni Nicolasa para makapag bihis .

Habang nag bibihis si Nicolai di n’ya maiwasang hindi maisip si Leonardo.

‘Ano nanaman kaya ang ginagawa ng Leonardo’ng yun ? panigurado masaya na s’ya kay Cassandra. Wheyt a menet kapeng mainit yung Cassandrang yun ang sumampal sakin ng nakaraan nang bagong dating palang ako ditto sa panahong to, pero hayaan na wala pa naman syang nagagawang masama para bigyan ng sampal bwaahhaha’

A Chance To Love Again    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon