REWIND 8: ON THE OTHER SIDE

12 4 3
                                    

Nakabalik na muli ako sa plot ko. Merry Christmas, everyone! (Expect misspelled words and wrong grammar in this chapter, rekta publish ito, namiss ko lang talaga si Liam)

"Ano? Hindi pa ba sapat ang suntok ko kanina para pumunta ka pa rito?" bulyaw sa akin ni Zion. Walang lumalabas na salita sa aking bibig. Gusto kong humingi ng sorry sa kanya pero hindi ko magawa. Nasa labas kami ng Emergency Room dahil pinalabas kami kanina ng mga nurse nang dumating ako at nagsisigaw si Zion nang makita ako. Nakita ko kung paano suntukin ni Zion ang pader ng ER dahil nagkakagulo ang mga nurse at doctor sa pwesto na pinag iwanan niya kay Shane.

May buhay na namang nasa peligro dahil sa akin.

Naalala ko kung paano unti-unting bumagsak kanina si Shane, kung paano... tinignan ako ng mga mata niya kanina habang pilit nilalabanan ang sakit na nararamdaman niya... kung paano manamlay ang kanyang mga braso nang buhatin siya ni Zion palayo sa akin... Kung paano... naririnig ko ngayon ang mga nasa paligid ko dahil sa kakaibang tunog galing sa makina na ikinabit sa kanya para tulungan siyang mabuhay.

Gustuhin ko man maupo dahil nangangalay na ako ay hindi ko magawa... dahil ako ang may kasalanan nito. Tinignan ko ang pinsan kong nakahawak sa pintuan ng ER, deretso siyang nakatingin sa pwesto ni Shane. Wala siyang sinabi na kung ano pagkatapos niya akong sigawan kanina, pero may isang oras na ata kami dito ay hindi niya ko nagawang tignan na pagkatapos noon.

May gusto ka ba sa kanya?

Napapitlag ako nang umatras ng ilang hakbang si Zion, yon pala ay lalabas ang isang doctor sa pintuan.

"Who's the relative of the patient?" tanong sa amin. Sasagot na sana ako pero naalala ko...

Hindi niya nga pala ako kaano-ano.

"Doc, she's my bestfriend." Sagot ni Zion sa kanya.

"Are you Mr. Lopez?" isang malamig na tanong sa kanya ng doctor na nasa harapan namin. Nakita ko naman ang paniningkit ng mata ni Zion na tila ba iniisip niya kung kilala niya ba ang taong nasa harap niya o hindi.

"Ow, sorry. I am Dr. Danilo Medina." Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Zion pagkaraan ay parang namutla siya lalo.

"Ho..." may gusto sana siyang sabihin dito ngunit pinili nalang niyang tumahimik.

Sino kaya ito?

"She's stable now. Pero muntik na siya, her allergy is very severe, bakit niya naisipan na magtake noon? Naniniwala akong alam niya ang tungkol doon pero I don't know why..." walang sinabi si Zion tungkol sa komento ng doctor sa halip ay nagpasalamat nalang ito doon. Narinig ko pa ang sinabi nito na sa susunod ay magkwentuhan silang dalawa kung hindi ito busy sa trabaho.

Gusto ko man tanungin si Zion pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Siguro, ito nalang din ang paraan niya para hindi ako masaktan.

Inilipat na sa isang private room si Shane, pero hindi ako makalapit sa kanya dahil nandon parati si Zion. Dalawang araw na ang nakalipas, pabalik-balik ako dito pero hindi ako makatyempo, parating nandito si Zion. Napansin ko rin na sa loob ng dalawang araw ay walang pumupuntang kaanak nito. Pagsapit ng ika-tatlong araw, pinasya ko ng suwayin si Zion, pumasok na ako sa kwarto. May sinasabi si Zion pero mas nakatuon ang pansin ko sa babaeng nakahiga ngayon sa hospital bed.

Shane.

Gusto kong hawakan ang kamay niya. Gusto kong ako ang mag-alaga sa kanya... Gusto kong manatili sa tabi niya ngayong kailangan niya, pero natatakot akong... masaktan ulit siya.

Humakbang ako papalapit sa kanya para mahawakan sana kahit saglit ang kamay niya at makapag-usal ng aking patawad pero ang sumalubong sa aking ay isang sampal galing kay Zion.

The Story After Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon