REWIND 7: "YOU"

11 2 1
                                    

"Cause it's you

Who fills the emptiness in me

It changes ev'rything, you see

When I know I've got you with me"

"Mahal, ikaw ba talaga yan?" kinusot ko ang mga mata ko para tignan kung mawawala ang babaeng nasa harap ko pero hindi ito nawala. Nginitian niya ako pagkaraan ay lumapit sa akin para hawakan ang aking mukha.

"Miss na miss na kita." Napakalamyos pa rin ng kanyang boses, hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking mukha pagkaraan ay hinagkan ko ito. Ito ata ang araw na hinihiling kong dumating muli sa akin. Ang makita at mahawakan siya.

"Tara tulog na tayo?" pag-aaya niya sa akin pero umiling ako.

Ayokong matulog.

Alam ko kasing paggising ko, wala na ulit siya sa tabi ko.

"Magpahinga ka na mahal, lulutuan mo pa ako bukas ng paborito kong almusal, 'di ba?"

Kahit ayaw kong sundin ang sinasabi niya, kusang lumapit ang katawan ko papunta sa kanya at pagkaraan ay pareho kaming humiga sa kama.

Pagdilat ng aking mga mata, agad akong tumayo at dumiretso sa banyo para maglinis ng mukha pagkaraan ay pumunta ako sa kusina upang magluto ng agahan naming dalawa. Baliw na nga ata ako.

Pero still, pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko, nagbabaka sakaling makasama ko ulit siyang kumain.

Wala sa loob ko ay binati ko pa rin si Trisha, "Rise and shine!" Tumingin ako sa bintana ng kusina at napangiti dahil nakita ko na napakaganda ng pagsikat ng araw ngayon, tila ba hindi umulan ng malakas kahapon.

"Come! Let's eat, Sha!" pero bigla akong napatigil sa aking ginawa nang magawi ang aking tingin sa babaeng nagbukas ng pinto sa isang kwarto dito sa bahay. Tumingin siya sa kaliwa at kanan niya na tila ba hinahanap kung sino ang kausap ko pero nang makita niyang walang kahit na ano ay napatitig siya sa akin.

Naisip niya kayang nabbaliw na ako dito?

Pero hindi siya nagtanong. Lumapit lamang siya at umupo sa pwestong inilaan ko para sa kanya.

Nakita ko kung paano niya titigan ang mga nakahain sa lamesa at medyo napabuka ang kanyang bibig habang nakatitig sa mga niluto ko.

"What's wrong?" tanong ko sa kanya na agad naman niyang kinagulat at iniayos niya ang kanyang itsura bago tumingin sa akin at ngumiti.

"nothing, inaantok pa kasi ako pero tara na? Let's eat na?" tanong niya sa akin pagkaraan ay nagsandok ng maraming kanin pero kaunting ulam.

Iisipin ko nalang na ikaw ang kasabay kong kumain, mahal.

Dali-dali akong tumayo at pagkaraaan ay nagtimpla ako ng kape para sa kanya.

Alam kong magiging weird ang tingin sa akin ng kasama ko, pero mas okay na siguro itong ginagawa ko kesa tuluyang masira ang ulo ko kaiisip na wala ka na talaga, Trisha.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko dito sa teresa, napansin ko ang kasama ko dito sa bahay na kasing tangkad pala siya ng asawa ko, ang pagkakaiba nga lang nila ay ang kanilang buhok. Ang kanya kasi ay maikli ngunit ang kay Trisha ay mahaba.

"Sha, can you do me a favor?" Please go here muna." Agad naman niyang binitiwan ang walis na hawak niya pagkaraan ay mabilis na pumunta sa kinaroroonan ko.

"Ano yon Liam...." napatingin ako bigla sa kanya, tama ba iyong narinig ko? Bakit naging kaboses niya si Trisha? Pero agad niyang binawi ang sinabi niya pagkaraan ay nagsorry sa akin. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko kung paano niya kinagat ang kanyang labi pagkaraan ay mukhang napapikit dahil sa sinabi niya kanina.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now