SIXTEENTH STRUM: IF THE WORLD WAS ENDING

17 3 34
                                    

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo

Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo

Hindi sinasadya

Na hanapin pa ang lugar ko

Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?"

"Ikaw?! Bakit ka tumakbo? Ikaw ba ang naglagay ng litrato sa bag niya?" nanggigil ngayon si Zion kay Suzette. Matapos kasing tumakbo ito palabas ng condo, sinundan niya ito agad at siya ang unang nakaabot sa babae kaya hinawakan niya ito agad nang mahigpit upang hindi na makawala pa.

May mga ilang tumitingin dito sa paligid pero walang nagtangkang lumapit, dito namin kasi inabutan si Suzette malapit sa elevator. Hindi man nagsasalita si Suzette ay patuloy pa rin siyang pumipiglas upang makawala kay Zion.

"Sumagot ka! Bakit mo yon ginawa!?" bulyaw ulit ni Zion sa kanya pero nagulat ako nang sumigaw si Suzette sa kanya.

"Wala akong ginagawa! Bakit ba ayaw mo akong pakawalan!" pero hindi ito pinakinggan ni Zion kaya't gamit ang isa pa niyang kamay, hinawakan din niya si Suzette sa kabilang braso.

"Sa presinto kana magpaliwanag!" ngayon ay hinahaltak naman ni Zion si Suzette papasok sa elevator.

Dahil sa tindi ng determinasyon ni Suzette na wag sumama kay Zion, naupo ito sa sahig dahilan para mawalan ng balanse si Zion at nakawala si Suzette sa kanya. Akmang hahablutin ko si Suzette upang hindi makatakbo ngunit bigla itong kumapit sa aking binti at humingi ng tulong sa akin.

"Ate! Ate! Alam kong pogi yung kaibigan mo pero ayokong sumama kung sa presinto niya ako dadalhin! Ano bang nagawa ko!" pagsusumamo ni Suzette sa akin.

Eh? Parang may mali.

"Ikaw ba ang naglagay ng picture sa bag ko?" lumuhod ako para maging kapantay niya. Hindi niya inalis ang tingin sa aking mata.

"Anong picture? Ate kagabi pa ako wala sa bahay hehe. Tumakas ako para pumunta kay pangga." Nakita ko naman ang pamumula ng kanyang pisngi noong sinabi niya ito. Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi kaya't para makasigurado ay tinanong ko muli siya na kinatawa ko naman ang naging sagot.

"Eh bakit ka tumakbo noong nakita mo kami?!" pagtataray kong tanong sa kanya upang masindak ang babaeng nakaakap pa rin ngayon sa akin.

"Ate... may pogi kasi!" jusko, Suzette! Napahawak nalang ako sa aking sintido dahill sa narinig pero hindi pa rin ako kumbinsido kaya't tinanong ko muli siya.

"Nagsasabi ka ba ng totoo? Bakit ka tumakbo yung totoo! Pag nalaman kong hindi yon ang dahilan kukunin ko lahat ng album mo sa kwarto mo at susunugin ko!" pagbabanta ko sa kanya na kanyang kinalaki ng mata pagkaraan ay nataranta para siya ay magsalita.

"Magsasabi na ako ng totoo! Wag mo gagalawin yung mga album ko ate!" sigaw pa niya habang piangdaop ang kanyang mga palad.

"Speak!" sigaw sa kanya ni Zion na nakaharang sa may elevator na mukhang ginawa niya ito para walang maging kawala si Suzette.

"Meron kasi..." yumuko si Suzette pagkaraan ay bumulong ngunit hindi ko marinig ang kanyang sinasabi.

"Mayroong ano Suzette! Speak!" galit na galit na talaga si Zion sa kanya dahil makikita mo ang mga litid niya sa leeg na galit na galit!

Yumuko pa ako ng kaunti para malaman ang kanyang binubulong na kinabigla ko naman kung ano ang kasunod ng kanyang sinasabi.

"Meron po kasi akong period... binilan ako ni pangga ng jacket para di makita sa shorts ko 'te." Mahinang bulong pa niya kaya noong narinig ko ay napatampal na lamang ako sa aking noo at sinabayan ko ng tawa.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now