Eighth Strum: Roller Coaster Ride

19 4 25
                                    

"Ngayong gabi

Madilim dito

Walang ilaw

Brownout sa aking mundo

Sa init naiinip

Sa dilim nangangapa

Naalala tuloy kita"

"Rise and shine!"

Literal na rise and shine ata ang masasabi ko ngayon. Ano bang nangyari? Ano ang nakain ni Liam at ganito sya kabait sa akin ngayon? Pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto, nakita ko si Liam na nagluluto ulit habang naka huba't baro. Kanin nalang kulang solve na.

Nagawi ang kanyang paningin sa akin siguro dahil na rin sa ingay na ginawa ng pinto pagbukas ko. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na tila ba walang nangyari sa amin na bangayan noong mga nakaraang araw.

"Come! Let's eat Sha!" Napakulnok na naman ako nang makita ko ang ngiting ngiti niyang labi at matang nakatingin sa akin ngayon. At tinawag niya akong Sha? Okay?

Kahit antok pa rin ang diwa ko kanina, nawala ito sa sistema ko dahil sa mga kinikilos niya ngayon. Dali-dali akong lumakad pappunta sa hapag upang hindi na siya maghintay ng matagal at baka toyoin na naman siya.

Uhmmm... paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi ako kumakain ng purong gulay? Napatingin ako sa mga nakahain at kahit pa siya ang naghanda ay hindi ako natutuwa.

"What's wrong?" Bigla akong napatingin sakanya noong sinabi niya kung ano ang problema. Ang kaninang ngiting ngiti niyang mukha ay napapalitan ng normal niyang itsura. Dahil sa pagkapanic ko, pinili ko umupo agad at ngumiti sa kanya. Ayokong topakin siya dahil nakita ko siya kung gaano siya toyoin noong mga nakaraang araw.

"Nothing, inaantok pa kasi ako pero tara? Let's eat na?" lumunok muna ulit ako bago ko hawakan ang kutsara ko at tinidor. Kaunti lang ang kinuha kong lumpiang gulay, buti nalang at may isda. Narinig ko ang pag-usad ng bangko ni Liam at nakita ko siyang tumayo at pumunta sa may kitchen area. Nagtimpla siya ng kape... para sa aming dalawa.

Ano ba itong palabas mo Liam?

Pagkalapag niya ng kape sa harapan naming dalawa, inangat niya ang lalagyan ng gulay na kanyang niluto at napanganga na lang ako nang ibuhos niya ang gulay sa plato ko.

Hindi ako kumakain ng gulay pero ayokong magsayang ng pagkain dahil maraming batang nagugutom. Pero paano ko matatakasan ito?

Tinignan ko si Liam at nakita ko ang tuwang-tuwa niyang mukha. Ang tagal kong pinangarap na makita siyang ganito ulit. Ayokong masayang dahil lamang sa maarte ako sa ulam.

Kahit di ko kaya, kinain ko ang ulam na hinanda niya.

--

"Sha? Can you do me a favor? Please go here muna." habang nagwawalis ako ng bahay, narinig ko si Liam na tinawag ako. Nandoon siya sa lagi niyang tinatambayan... Sa teresa.

Papalabas palang ako ng bahay ay nakita kong hindi gaano kaganda ang panahon. Makulimlim... Mataas din ang mga alon sa dagat kaya rinig na rinig mo ang malalakas na hampas nito sa dalampasigan.

As usal, walang katao-tao sa paligid. Pagdating ko sa kinalulugaran ni Liam ay nakita kong nakakalat ang mga papel sa lamesa. Mayroon ding mga lapis at ballpen. Mayroong laptop na kulay abo sa lamesa at may nakabukas na application na mukhang para sa paggawa ng kanta.

Liam is wearing black hoodie jacket and white shorts. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad niyang tinanggal ang headphones na nakakabit sa kanyang tainga at tumingin na naman sa akin ng may matamis na ngiti sa labi. Kung ganito ka ng ganito Liam rurupok ako, baka ikaw na ang maging next jowa ko. Charot. Assumera na naman ako.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now