REWIND 1: She will be loved

14 3 3
                                    

"Sailing takes me away to where I've always heard it could be

Just a dream and the wind to carry me
And soon I will be free"





"You're awake now."

Nasaan ako?

Bumangon ako sa pagkakahiga ngunit hindi ko pa tuluyang naiangat ang kalahati ng aking katawan ay nakaramdam ako ng panlalata at pananakit ng buong katawan. Tinignan ko ang aking braso na may nakakabit na dextrose.

"Sir wag niyo muna po pilitin. Okay lang po ba talaga kayo? Tawagin ko po si Doc." Nagmamadali ang babae na lumabas ng kwarto. Nasaan ba ako? Bakit halos lahat ng nasa paligid ko ay kulay puti?

Nakalabas na ang babae, naiwan ako mag isa rito. Nauuhaw ako.

Ramdam ko ang pangangalay ng katawan ko. Ilang araw na ba ako rito? Bakit ako napunta rito?

Bumukas ang pinto, nakita ko ulit ang babae kanina kasama ang isang matandang lalaki at isang lalaki na hindi ko kilala.

"Thanks God, gising kana! Pinag-alala mo kami Liam!" kahit na ito ay lalaki, nakita ko ang pangingilid ng luha nya.

Teka, sino ba ito? Bakit ako inakap nito? Bakla ba to?

Tinulak ko siya pagkaraan ay tinitigan ko siya. May kahawig siya pero di ko matandaan kung sino.

"What's wrong Li?" pagtatanong pa niya sa akin.

"Sino ka ba?" dahil sa tatlong salita na sinabi ko ay nagkagulo silang lahat.

Bigla ay hinawakan ako ng doktor pagkaraan ay may kung ano siyang itinurok sa akin pagkatapos noon ay inantok ako bigla hanggang sa wala na kong naaninaw sa kanila.

Nasaan ako?

Tumingin ako sa paligid, napapaligiran ako ng mapuputing buhangin at kulay asul na dagat. Hindi gaano kaganda ang kulay ng langit, mukhang uulan. Naglakad ako nang naglakad hanggang makita ko ang isang parang barko? Naglakad ako upang makita ito ng buo at nakita ko na ito ay isa ngang barko ngunit napalilibutan na ng kalawang, lalapit pa sana ako sa barko nang makarinig ako ng sigaw.

Noong una ay hindi ko ito pinansin, ngunit nang marinig ko ang sunod nitong sinabi ay naalarma na ako.

"Wag kayong lalapit! Sasaksakin ko kayo!"

Nakita ko mula dito ang grupo ng mga lalaki na nakatalikod sa akin na mukhang may pinagkukumpulan. Lalo akong naging kuryoso noong mayroon na silang pinagpiyestahan at nakita ko ang babae na pilit nilang hinahawakan dahil ito ay nagpupumiglas.

Dali-dali akong tumakbo para tulungan ito, ngunit habang palapit ay nakita ko kung gaano sila karami, hindi pa naman ako ganoon katanga upang sumugod mag isa kaya tumawag muna ako sa aking pinsan upang humingi ng backup.

Noong alam ko ng mayroong susunod sa akin ay dali-dali na kong pumunta sa kanila.

"Bibitiwan nyo ang babae o papatayin ko kayo." Hindi ko alam bakit ito ang lumabas sa bibig ko pero bahala na napasubo na ako.

Tumawa ang mga lalaki, ang isa ay tinulak pa ako.

"Sa nipis mong iyan? Kinakapal ng dila mo? Hoy totoy, inom ka munang gatas." may isa pang bumatok sa akin kaya't sa gigil ko ay sinuntok ko ang isa.

"Bakit ba napakatagal ni Zion?" Hingal na hingal na ako, ang lalaki ng mga to di ko kaya mag-isa bakit ba kasi napasubo ako. Tss.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now