REWIND 6: When History Repeat Itself

15 3 72
                                    



"You are quite rude woman. I don't like it when someone is staring at me like what you are doing."

Hayy... Akala ko iba siya sa iba. Pero mula ata kaninang dumating kami hanggang sa iniwan na kami ni Zion ay nakatitig pa rin siya sa akin. Wala kasi akong choice kung hindi pumayag sa kondisyon ni Zion na magsama ng isang tao para tignan ako. Sabi nang kaya ko e, pero no choice naman ako... Mas okay na ito kaysa isama ako ni Zion hanggang sa honeymoon niya ng kanyang asawa.

Pumayag ako sa desisyon niya kapalit ng isang bagay... Ako ang bahala kung saan ko gusto mag-stay at gumawa ng mga gagawin ko.

"Uhmm... ano..." nakita ko na hindi siya komportable, tingin siya ng tingin sa paligid. Marahil iniisip niya kung saan kami pupuntang dalawa.

"We are going to Tagaytay, then afterwards is Batangas, probably one week to nine days perhaps? Then if I finished my schedule there, we will go to Zambales," sabi ko sa kanya pero nakita ko sa salamin kung paano siya napanganga nang magsalita ako. Ano problema nito?

"Woah! First time kita marinig na magsalita ng mahaba, ang galing!" pagkaraan ay pumalakpak pa ito! Napailing nalang ako bigla pagkaraan ay naisip ko, tangina. Kaibigan nga ito ni Zion, malakas mang-inis.

After a while, nanahimik siya, naglagay siya ng earphones sa kanyang tenga. Mas mainam. Ayoko kasi nang sobrang daldal. Dahil madaling araw kami umalis, walang traffic kaya mabilis ang naging biyahe namin pero yun nga lang ang hindi ko inaasahan ay biglang umulan... wala namang kaso yon sa akin pero biglang nanikip ang dibdib ko nang may ilaw mula sa sasakyan na taliwas nang direksiyon kaysa sa amin. Sa sobrang liwanag ay nasilaw ako at bigla kong naalala yung panahon na... naaksidente kaming dalawa kaya kaysa magpatuloy ay tinapakan ko ang preno na naging sanhi nang malakas na tunog dahil sa basang daan.

Napasubsob ako bigla sa manibela ko, dahil nagflashback sa akin yung bagay na kinatatakutan ko.

Ang makitang mamatay sa harap ko ang taong mahal ko.

Si Trisha na umiiyak... Naghihirap, nasasaktan... Kung paano sa isang iglap, sa isang pagkakamali ko, namatay ang pinakamamahal ko... sa harap ko mismo.

"Liam? Are you okay? Liam? May nararamdaman ka ba? Liam?"

Biglang bumalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang malakas na pag-alog sa akin ng babaeng katabi ko, naramdaman kong lumapit ang kanyang katawan sa akin. Ang akala ko ay aakapin niya ako ngunit lumagpas ang kanyang kamay. Napatingin ako kung ano ang kinuha niya, pagkaraan ay nakita ko ang bote ng tubig sa tabi ko na binuksan niya at inabot niya sa akin.

Paghawak ko sa bote ay muntik pa itong mahulog dahil hindi ko makontrol ang panginginig ng katawan ko.

Nang maubos ko ang tubig, medyo kumalma na ako, at naalala ko bigla na ngayon nalang pala ulit ako nagmaneho muli pagkatapos namin maaksidente ng asawa ko.

Masyado siyang madaldal, binabawi ko na... Hindi na ako komportable sa kanya.

Lumayo ako sa kanya pagkaraan ay tumayo ako sa isang spot dito sa labas ng Starbucks Tagaytay para manigarilyo. Yari ako kay Zion nito. Pero hindi naman siguro magsusumbong ang kasama ko no?

Papasikat na ang araw, malamig ang simoy nang hangin. Habang nakatayo dito at nakatanaw sa papasikat na araw, nakarinig ako nang nagsalita sa tabi ko.

"Kala ko ba di kana maninigarilyo?" Tumingin ako sa katabi ko at nakita ang nakangiting mukha ng asawa ko. Miss na miss na talaga kita.

Kasabay nang pagsikat ng araw ay hinulog ko sa sahig ang sigarilyo ko at pagkaraan ay inapakan ito. Pagtingin ko sa tabi ko ay wala na ang imahe ng asawa ko.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now