FOURTH STRUM: Closing the Book of the Other Artist

20 6 0
                                    

"You look happier... you do. 

My friends told me one day I'll be feel it too.

And until then I'll smile to hide the truth

But I know I was happier with you."

Ganito ba ang nararamdaman ng ikakasal?

Nanginginig ako habang nilalagyan ng make-up ng baklang nasa harapan ko ngayon. Nangangalay na ko dahil kanina pa ako nakatingala sa kanya. Sa sobrang likot ko nga ay feeling ko sinasadya na niyang hilahin ang buhok ko. Pero bakit nga ba napunta ako sa sitwasyong ito?

First of all, kasal na ngayon ni Zion pero nagkaroon ng problema...

Nandito ako para maging substitute.

Oo, ang pukanginang si Zion ginawa akong substitute...

Flashback...

12 hours before the wedding preparation.

Nandito ulit ako sa condo ni Zion. Dahil wala namang akong regular na trabaho ay pinili kong lumuwas ng gabi para mahaba ang pahinga ko. Agad kong isinampay sa closet ang mga damit na dala ko, halos wala ng damit dito si Zion dahil isang araw mula ngayon ay doon na sila titira ni Eunice sa bahay na ipinagawa niya.

Pinili kong manood nalang muna ng tv habang iniisip kung ano ang gusto kong kainin. Umorder nalang ako sa grabfood ng mga pagkain na bigla kong naisip. Habang kumakain at nanonood ay hindi ko maiwasan na isipin ang mangyayari bukas.

Magkikita na ulit kami.

Magiging okay naman ako diba?

Kung hindi... better luck next time ulit. Hindi ko naman minamadali ang pagmomove on, baka kung ipilit ko ay lalong mapurnada pa. Natapos akong manood ng tv ng halos alas onse na ng gabi. Pagkatapos ko maghalfbath at maglagay ng kung ano-ano sa mukha ay biglang nagvibrate ang cellphone ko.

Architect Zion Pogi Calling...

"Tsk... Tsk..." hindi ko pa pala napapalitan ang inilagay niya mula noong pinakealaman niya ang phone ko.

"O?" tamad kong sagot sakanya. Buti talaga hindi nagagalit sakin to.

"I need your help." Seryosong sabi niya. Tunog palang ng boses niya alam ko ng may mali. Kasi sa ugali ni Zion ay hindi siya seryosong tao lagi.

"I need you to be a substitute tomorrow, to my wedding." OMG

Kung may nakakakita ng facial expression ko ngayon, naniniwala akong makukumbinsi ko silang may narinig akong nakakatakot. Ako? Substitute? Bakit? Anong nangyari? Umatras ba si Eunice? Bakit kailangang ako?

Bakit hindi nalang niya icancel ang kasal? Gago ba siya?

"Bakit ako?" pagtatanong ko pa sa kanya.

"Dahil ikaw ang gusto ko." seryosong sagot nya pa sakin.

"Gago ka ba?" tanong ko ulit sakanya. Pero ngayon ay nanginginig ako... sa takot at kaba.

"Gusto mo bang masira ang kasal ko?" pagtatanong pa niya ulit sakin. Lumunok ako ng madiin bago siya sinagot.

"Parang mas okay kung Oo?" narinig ko bigla ang pagmumura niya sa kabilang linya. Is he serious?

"Ano ba kasing nangyari? Bakit ako? Nasaan ba ang dapat na nasa puwesto na yan?" dagdag na tanong ko sakanya.

"Sinugod kasi sa hospital kanina, may dengue pala. Kanina ko lang nalaman. Shit." Huh? E bakit kailangan pa ituloy ang kasal? May reason naman pala!

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now