THIRD STRUM: When Your Imagination Become Reality

18 4 0
                                    



"Bilanggo... sa rehas na gawa ng puso mo."

Pagkatapos akong ipakilala ni Zion at maglitanya ng mga salitang hindi ko inasahan, pinaupo niya ako sa couch katabi niya. Aware naman siya na bukod sa kanya ay wala na akong kaibigan dito. Yon nga lang hindi maiiwasan na umalis siya para makihalubilo sa mga nandito sa party niya. 

Bumabaha ng alak dito, pulos hard drinks pero dahil tropa ko si Zion alam niyang hindi ko papatulan yon basta-basta kaya may beer siyang nilapag sa tapat ko. May mga lalaking arkitekto na nakatingin sakin, kahit hindi nila sinasadya alam kong iniisip nila na kung bakit ako nandito e wala naman na kami ng boss nila. 

May mga babae rin na arkitekto na nandito, parang CJ ang pangalan noong isa. Hindi naman kami close pero nginingitian niya naman ako. I find it boring kasi wala akong makajamming dito.

 May isang naglakas loob na lumapit sakin pero biglang sumulpot si Zion sa harap ko para sabihing "No Architect Zamora, mag-aaway tayo." At ang boses ni Zion na yon ay nakakatakot. 

E bakit pinapunta pa niya ako dito? May pasabi-sabi pa syang magsimula na kong magmove on ngayon tapos yung lalapit naman sakin e haharangan niya. Tss.

Tumayo ako at lumapit kay Zion, balak ko lumabas...

 Sayang naman ang outfit ko kung hindi ko ipaparada sa labas diba? Kinalabit ko si Zion na agad namang tumingin sakin, hinawakan niya ako sa kaliwang balikat ko. 

"Is there a problem?" Luminga pa siya na mukhang hinahanap yung Zamora na sinita niya. Agad namang akong umiling at pagkuwan ay nagpaalam sa kanya. 

"Zi, labas muna ko? Sabi mo magstart na ko mag move on, e ikaw tong parang tatay ko makaharang ng lumalapit sakin." Pagbibiro ko pa sakanya. Huminga naman siya ng malalim, naisip niya rin siguro na sa party na ito, wala naman talaga kaming mutual friend bukod sa kaibigan niyang si Adi na wala naman dito ngayon.

  "Tara? Kwentuhan muna tayo saglit sa labas tapos sige pababayaan na kita." Inakbayan niya ko sa balikat para hindi kami mabunggo ng mga bisita niyang napakahaharot. Pumwesto kami sa bar counter, tinawag niya ang bartender. "Yes Sir Lopez?" pagkasabi sa kanya.

  "Mukhang kilalang kilala ka dito ah?" sabay lagok sa bote ng beer na hawak ko mula pa kanina. "Ah, madalas kasi kami dito magcelebrate."

Pagkatapos niyang sagutin ang tanong ko ay lumingon sya sa bartender. "Hey, yung drinks nito put it on my tab? Okay?" Sumenyas naman ng okay sign ang bartender at umalis sa harap namin.

"Kailan ang kasal?" pagsisimula ko ng tanong sa kanya? Hangga't maaari sana hanggang makakaiwas ako, siya lang ang gusto kong tanungin, ayokong mabura ang makeup ko.

"September 15. Holiday yan kaya wag mong sabihin na hindi ka makakapunta, maniwala ka pakikidnap kita." Lumagok na rin si Zion ng beer na hawak niya. Tinitigan ko si Zion, bakas sa mukha niya ang pagiging masaya. 

Oo, lagi siyang nakatawa dati pa pero ngayon nagsusumigaw ang aura niya na para bang nagsasabi ng oo! Inlove ako! Masayang masaya ako!

Naalala ko bigla si Denise. Akala ko siya yung babae na makakatuluyan nitong katabi ko pero hindi parin pala. Itanong ko kaya sakanya? Ikakasal naman na siya diba? Wala naman sigurong masama?

"Uhm..." pagsisimula ko. 

Nalingon naman sa gawi ko si Zion, bahagya niyang kiniling ang ulo niya, binigyan niya ko ng isa pang matamis na ngiti. Ito ang nakakatuwa kay Zion sa totoo lang. Maloko siya aaminin ko yon, pero pag maraming tao lang. Kapag dalawa nalang kayo, makikita mo ang ibang Zion na hindi mo nakikita araw-araw.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now