Eleventh Strum: Ferris Wheel

24 4 91
                                    

"What am I supposed to do when the best part of me was always you,
And what am I supposed to say when I'm all choked up and you're OK
I'm falling to pieces, yeah
I'm falling to pieces"

"Gago ka. Umalis ka dito, nagdidilim ang paningin ko sayo."

Dapat ay ididilat ko na ang mga mata ko pero dahil sa narinig kong ito ay hindi ko ito ginawa. Nakahiga ako sa isang malambot na kama at naaamoy ko ang alcohol sa paligid. Walang umiimik, ngunit nakakarinig ako ng mga yabag sa paligid.

Nang lumipas ang ilan pang mga minuto at wala pa rin akong narinig, napagpasyahan ko na dumilat na... Nanlalabo pa ang aking paningin, maliwanag ang paligid. Narinig ko sa aking kanan ang isang sigaw...

"Thanks God! Gising ka na!" pagkaraan ay nagulat ako dahil sumubsob sa akin ang isang lalaki. Hindi pa rin ako makaaninaw. Nalaman ko lamang na si Zion ang umakap sa akin pagkaraan pa ng ilang segundo. Hinang-hina ako, hindi ko magalaw ang katawan ko, pilit kong inilingon ang aking ulo sa kanan ng makarinig ako ng mahinang hikbi. Nakita ko si Liam. Umiiyak na naman si Liam, nakatingin lang siya sa akin habang tahimik na umiiyak sa gilid.

"Anong gusto mo? May masakit pa ba sayo? Ano?" Masyadong aligaga ang itsura ni Zion ngayon, teka bakit parang stressed ang itsura ni Zion ngayon kaysa kaninang bago ako mawalan ng malay?

Umiling na lamang ako uupang sabihin na walang masakit sa akin.

"Shane..." napahinto ako bigla dahil sa narinig ko.

Tinawag akong Shane ni ... Liam.

"Tangina naman Li, kahit ngayon lang makinig ka sa akin. Umuwi kana habang hindi pa nagdidilim ulit ang paningin ko sayo. Pasensyahan tayo kung may magawa man ako sayo. Wag kang lalapit kay Shane." Ramdam ko ang panggigigil ni Zion ngayon kay Liam. Kung hindi ko sila kilalang dalawa ay sasabihin kong magkaaway sila dahil sa tono ng pananalita ni Zion kay Liam ngayon.

Binalak na lumapit pa rin ni Liam sa akin ngunit nagulat ako ng biglang tumayo si Zion at itinulak si Liam.

Bakit ganito na lamang ang galit ni Zion kay Liam ngayon? Parang ilang oras lang ako nakatulog pero nagbago ang pakikitungo nito kay Liam.

Aamba na sana ng suntok si Zion kay Liam kaya ang lakas na naipon ko ay ginamit ko na lamang sa pagsasalita. Napapagod ako lalo sa nakikita ko sa kanila.

"Umalis ka muna... Liam."

Naibaba ni Zion ang kanyang nakaamba na kamao nang marinig ang sinabi ko.

Tinitigan lamang ako ni Liam, pagkaraan ay bumulong at tumalikod na sa amin.

"Sorry, napagod ka na rin pala sa akin."

Kasabay ng pagsarado ng pintuan ng kwarto ang pagtahimik ng lugar na kinaroroonan namin.

Halos kalahating araw din mula noong gumising ako bago ako ma-discharge sa hospital. Doon ko nalaman na tatlong araw pala akong tulog sa lakas ng binigay sa aking gamot.

Kung hindi raw ako nabigyan agad ng first aid noong hinimatay ako, malamang kasama ko na raw ang daddy ko ngayon. I am allergic to shrimp. Yung tipong pag nakakain ako noon, hindi lang rashes ang makikita mo, nabo-blocked din ang air pathway ko.

Walang sinabi sa akin si Zion kung ano ang nangyari pagkatapos. Basta ang sinabi niya kailangan kong magpahinga malayo sa pinsan nya.

Ano kaya ang nangyari mula noong nakatulog ako?

Bakit galit si Zion kay Liam?

Bakit Shane na ang tawag sa akin ni Liam?

Pero isa lang ang alam ko.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now