FIFTH STRUM: Lost Soul

19 5 0
                                    


"Cause this angel has flown away from me...

Leaving me in drunken misery...

I should have clipped her wings and made her mine

For all eternity."



"I was born! To tell you I love you! Yeah!" rock and roll friends!

Sigaw pa ni Zion na ngayon ay lasing sa harap ng condo niyang tinutuluyan ko. Mukhang sanay pa ang utak niya na pagnalalasing ay dito uuwi.

Tinawagan ko na si Eunice para kaladkarin ang asawa niya. Isang araw palang pagkatapos nila ikasal at heto si Zion lasing na lasing dahil may mga kaibigan daw sila na hindi nakaattend ng kasal niya kaya ang ending nagpainom siya.

Tungkol naman sa honeymoon nila, sa makalawa pa sila aalis papunta Hawaii para sa kanilang two weeks honeymoon dahil may kailangan pa silang tapusin ni Eunice sa Pilipinas.

Tinignan ko ang orasan, ala una na ng madaling araw, siguradong yari siya bukas sa asawa niya pagnagkamalay tao na siya. Napapailing nalang ako, kung ganito magiging asawa mo di ka kaya sakitan ng ulo?

Nakahiga si Zion sa sofa, nakadapa, narinig ko na ang malakas nyang paghilik. Napatampal nalang ako sa aking noo ng maisip ko kung paano pa makakauwi si Zion at Eunice. Mukhang dito sila mananatili.

Pero sino nga ba ako para tumanggi e kay Zion itong pad na to?

Tumunog ang doorbell tanda na may tao sa labas. Niluwa ng pinto si Eunice na hindi maganda ang aura pero bigla naman nagbigay ng tipid na ngiti nang makita niya ang pagkamot ko ng ulo. Iiling-iling naman siya habang tinitignan ang asawa na ngayon ay mahimbing sa sofa.

"Pasensya na Shane ah?" paghihingi pa ng paumanhin ni Eunice sakin.

"Wala namang kaso yon, kaso buti nalang at hindi naaksidente ito pag-uwi. Juskong lalaki, kakakasal lang e gusto atang gawin kang biyuda agad." Lumapit si Eunice sa asawa at inalog ito para gisingin pero walang epekto dahil hindi talaga magising si Zion, kaya nag-offer agad ako na dito nalang sila dahil basically, sakanila naman talaga itong pad na to.

"Eunice, buti pa dito na kayo matulog, nandon naman sa kabilang kwarto ang mga gamit ko, ang kwarto ni Zion ay hindi ko naman ginamit." Pag-aaya ko pa sakanya na agad namang sinang-ayunan. Inakay naming dalawa si Zion papunta sa kwarto at hiniga namin ito sa kama niya.

Binuksan ni Eunice ang cabinet ni Zion at buti nalang ay may ilang mga damit pa na hindi naaalis si Zion dito. Nagpaalam na ko kay Eunice para hindi ko na sila maabala at paniguradong bukas ay mahabang sermunan ang mangyayari sakanila.

Bumalik na ako sa kwarto na ginagamit ko para ipagpatuloy ang ginagawa ko. I am writing a novel. This is one of my bucket list in life, gusto ko ulit makapagpublish ng book. Hindi ko na kasi ito magawa dahil naging busy ako sa teaching career ko noon pero ngayong nasa akin na lahat ng oras ko ay sinimulan ko na ulit at nagbabakasakaling maipublish ng dati kong publisher ang ginagawa kong storya ngayon.

Kinaumagahan, nakarinig ako ng mga tao sa labas ng kwarto. Bakit maingay? Nagsink-in tuloy sa isip ko ang nangyari kaninang madaling araw. Bago ko pa man mabuksan ang pinto ay narinig kong umiiyak si Eunice.

"Tsk... Kabago-bago palang iyakan agad." Bulong ko sa sarili at napailing nalang ako. Hindi na muna ako lalabas dahil ang awkward naman na makita nila ako sa ganoong sitwasyon.

"Tama si Shane e! Paano kung naaksidente ka kagabi? Manong nagchat ka sakin susunduin naman kita! Asawa mo ko Zion! Asawa mo na ako Zion! Gusto mo ba kong gawing biyuda agad?" sigaw pa ni Eunice. Pagkatapos niya magsalita ay wala akong narinig na kahit na anong ingay. Bumilang ako ng ilang minuto bago ako lumabas ng kwarto at nakita ko si Zion, nakaluhod sa harap ni Eunice na nakaupo sa sofa, nakasubsob ito kay Eunice habang nakaakap sa bewang.

The Story After Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon