THIRTEENTH STRUM: Sunset

15 4 85
                                    

""Paalam na kahapon

Kailangan na ako ng ngayon

Alaala mo'y ikakahon

Ngunit kailan ma'y hindi kayang itapon"

Warning: Read at your own risk.

"I don't want to lose you too, Shane."

"I don't want to lose you too, Shane."

"I don't want to lose you too, Shane."

"I don't want to lose you too, Shane."

Paulit-ulit na tumutugtog sa utak ko ang mga salitang ito ni Liam.

Ang kaninang sakit na naramdaman ko nang sabihin niyang hindi niya ako kayang mahalin versus ang pakiramdam ko ngayon habang hawak niya ang kamay ko at tinititigan ako.

Kumalma na siya, nandito pa rin kami sa parking lot. Noong sinabi niya ang mga katagang iyon ay nabigla talga ako ng sobra. Hindi ako nakaimik, sino ba naman ang makapagsasalita? Ang tagal kong inaasam ang pagkakataon na sabihin niya ang pangalan ko, ang tagal ko ng gustong ako ang makita ng mga mata niya at ng puso niya... Matagal... matagal na talaga akong may gusto sa kanya.

Hindi ako makatitig ngayon kay Liam pagkat ngayon ay nakatitig siya sa akin habang hawak ang aking mga kamay nang sobrang higpit. Pero, akala ko ba hindi niya ako pwede magustuhan? Ano naman itong arte niya ngayon?

Kusa akong bumitiw sa kanyang pagkakahawak, siniksik ko ang aking sarili sa tabi ng pintuan ng sasakyan. "What is wrong Shane?" ito na naman ang kabog sa dibdib ko. Shane, napakarupok mo... Tinawag ka lang sa pangalan mo sobra naman magwala ang puso mo!

Ayoko na mag assume, tutal naman nasaktan na ako kanina, ano ba naman ang isa pang sampal ng katotohanan?

"Bakit? Akala ko ba, hindi mo ako kayang mahalin? Ano ito ngayon Liam? Pagod na ako..." hindi pa man ako nakatatapos magsalita ay inunahan na naman niya ako sa pagsasalita.

Itong si Liam, bastos din e.

"I said that I can't love you... yes... I can't love you now... but I like you..."

Nakatitig ako ngayon habang nag-eexplain siya.

Okay, slap me now. Nag-aassume ako diba?

Tama diba?

Nag-aassume ako?

Pero nawala lahat ng mga bula sa aking isip nang marinig ko na naman ang aking pangalan na sinabi niya.

"I like you, Shane."

Nasaan ang puso ko? Bakit hindi ko maramdaman? Nasa talampakan ko na ata ang puso ko kasi nahulog.

"Alam ko, sinabi kong hindi kita kayang mahalin ngayon... pero, nakalipas ang dalawang linggo pagkatapos mong maaksidente, ikaw ang iniisip ko... Para akong tanga, iniisip ko kung nakakain ka na ba? Nakainom ng gamot? Okay ka bang mag-isa?" please... kung joke lang talaga ito. Gisingin niyo na ako.

Ang Liam na idolo ko noon, Liam na amo ko ngayon, ang Liam na mahal ko... gusto rin ako.

"Pero bakit?" tinignan ko ulit si Liam... Gusto ko makita ang facial expression niya pagkarinig ng tanong ko, gusto ko makita kung anong pagbabago ang mangyayari sa kanya, pagkatapos ko siyang tanungin...

"Bakit... sinabi mong hindi mo ko kayang mahalin?" tunong hinanakit ang boses ko sa pagtatanong ko nito sa kanya. Siguro ay mas okay na ito kaysa umasa na naman ako sa maling akala.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now