REWIND 2: DAPIT-HAPON

19 3 10
                                    

"Sa dapit-hapon ng aking buhay, hinding hindi kita iiwan."

"Nasaan si Trisha?!" lahat na ata ng pwede kong ibalibag dito ay nagawa kong nang ibalibag. Tumakbo agad ako rito pagkaraan kong magising sa kakahuyan. Wala na ang kasama kong babae, mag-isa nalang ako.

"Li, calm down please." Tinitigan ko nang masama si Zion sa sinabi niya, paano ako kakalma? Ilang buwan na ba akong nandito pero wala si Trisha! Ilang araw mula noong tinanggal ko yung singsing, hindi ko na siya nakita. Lahat ata ng sulok ng pinaglalagian ko, napuntahan ko pero wala siya.

"Ipakita ninyo sa akin ang asawa ko! Ano ba?" sinipa ko ang pinto ng kwarto pero wala pa ring imik si Zion. Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang mama ko at dalawang doctor na pamilyar sa akin. Akmang lalapit sa akin ang isang doctor pero lumayo ako. Patutulugin na naman nila ako. Ayokong matulog, ang kailangan ko si Trisha!

"Kailangan mo kumalma anak, pag okay kana papakita ko na sa'yo si Trisha." Mahinang sambit ng nanay ko. Umatras muli ako at umiling nang makita kong hawak na naman ng isang doctor yung injection na para sa akin.

"Ma, ayoko nang matulog." Nakita ko kung paano maiyak ang mama ko at kung paano siya inakap ng pinsan ko. Ano bang nangyayari?

"Sige, hindi kana nila patutulugin pero kailangan mo ipakita sa amin sa loob ng tatlong araw na macocontrol mo ang sarili mo." Sagot sa akin ng isang babaeng doctor na kasama nila.

"Kapag ba nagawa ko iyon... Ipakikita nyo na sa akin si Trisha?" Ano bang mahirap sa hiling ko? Bakit hindi nila magawa? Umuwi na ba si Trisha sa kanila? Nakita na ba siya ng daddy niya? Bigla ay kinabahan na ako nang maisip ko iyon. Ginawa ko ang sinabi nila, para makita ko si Trisha, kailangan ko silang sundin.

--

Habang hinihintay ko matapos ang tatlong araw, inabala ko nalang ang sarili ko na magsulat at tumugtog ng gitara. Medyo naging maayos naman ang pakiramdam ko dahil hindi ko na nakikita ang babaeng nakakatakot. Buti nalang nawala na siya.

Gustuhin ko man malaman ang nangyari sa akin, hindi ko talaga maalala pa ng buo. Hindi sa akin binigay ni mama ang cellphone ko, wala ring internet connection at mukhang Malabo talaga ako makabalita sa nangyayari dahil nasa Singapore pala ako.

Nakupo ako ngayon dito sa isang bench habang hawak ang gitara ko, mukhang nakita naman nila na sumusunod ako sa gusto nila dahil ngayon ay wala akong nurse na katabi.

Tinignan ko ang paligid, napakaraming puno, malamig ang simoy ng hangin, kapag nakita ko si Trisha, sasabihin ko sa kanyang magbakasyon kami dito. Gusto niya kasi sa mga dalampasigan at sa mga lugar na mapuno at kakaunti lamang ang tao. Pareho kasi kaming nagtatago. Ako sa mga taong gustong makalapit sa akin dahil musikero ako, at siya naman ay sa mga magulang niyang gusto siyang ipakasal sa taong ayaw niya.

Nangiti naman ako nang maalala ko ang kwentong iyon. Nakita ko noon kung paano matakot si Zion dahil nalaman niyang anak na isang diplomat si Trisha pero wala siyang magawa, mahal niya ako kaya itinago rin niya ang nalaman niya. Noong una talaga, trip lang. Masaya siya kasama, pero noong makilala ko na siya nang husto... nahulog ako.

Naalala ko tuloy yung kantang gustong gusto niya, noong una nga tinanong pa niya ako kung artista daw ba ako dahil lagi akong nakasuot ng hood at shades noon.

Sinimulan kong tugtugin ang isa sa kantang gustong gusto niya.

"Sa pagkumpas ng iyong kamay

Aking landas, ginagabay

Nag-iisang tiyak sa isang libong duda

Silong sa iyak at pagluluksa"

"Can you be my girlfriend?" tanong ko sa kanya habang nandito kami ulit sa Batangas kung saan una kaming nagkitang dalawa. Ang bilis ng panahon, halos apat na buwan na pala ang lumipas mula nang makilala ko siya.

The Story After Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon