OUTRO: The End of the Beginning

16 3 4
                                    


"Ba't 'di man lang nagpaalam?
Oh, 'di lang ikaw 'yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat?"

"Now... I can't love you now... because, I need time to heal. It's unfair to you, Shane. It's unfair to you that I will say I love you if I can't free myself from my past... Hindi ko man mahiling na mahantay mo ako hanggang gumaling ako, dahil ayoko maging unfair sayo... Kung dumating ang oras na okay na ako at may iba ka ng gusto..."

Ito ata ang isang bagay na gusto ko ulit gawin, ang halikan siya. I hold her hand while kissing her passionately... Ayoko na siyang bitiwan, pero kailangan... Hindi pa rin ito ang tamang oras, Liam... Bakit ka ba nagmamadali? Pero langit na nga ata ang nagpasya na bigyan ako ng kasiyahan pagkatapos ng ilang taon kong pagdurusa nang marinig ko ang sinabi niya.

"No matter what happen... I am here for you. Kaya kong maghintay... pero mas masayang hawakan ang kamay mo habang unti-unti nilalabanan mo ang sakit ng nakaraan mo."

Tinignan ko siya sa kanyang mga mata...

Napagpasiyahan ko ang isang bagay na mabigat para sa akin...

Pero dahil gusto kong makasama siya, dapat kong gawin...

Hinawakan ko pa nang mas mahigpit ang kamay niya. Pagkaraan ay binuhay ko na ang makina ng sasakyan at umalis na kami sa pinangyarihan.

--

I hope this is the last day...

Sinama ko si Shane kung saan ako namalagi ng halos dalawang linggo. Oras na para malaman niya ang nangyari sa akin noon. Gusto kong sa akin niya mismo marinig. Gusto kong magsimula kami ng may buong tiwala kami sa isa't isa.

Para namang gago si Zion, kunwari pang nagulat nang makitang kasama ko si Shane ngayon dito at mas nagulat daw siya nang magkita kami sa alumni noon. Papasa talagang artista tong pinsan ko na ito.

Habang iginagala ni Shane ang kanyang mata sa paligid, marahil ay namamangha din salugar na ito, nakita kong ngingiti-ngiti si Zion sa akin na tila nang-iinis. Aambahan ko sana siya ng suntok ngunit biglang nagsalita si Shane kung ano ang ginagawa namin dito.

Pagkaraan ng ilang sandali, wala ng kausap si Doc. Mendez at dito na nagsimula ang pagbubukas ng isang pinto na nilagyan ko ng ilang kandado dahil ayokong buksan.

Pinaliwanag ni tito kung ano ang mangyayari, tahimik na nakikinig at nakatingin si Shane sa kanya, huminga ako nang malalim pagkaraan ay nagsalita na rin.

"Shane... I would like to thank you for being with me here today. It means a lot to me. Pero sana, lahat nang marinig mo ngayon... Sana... wag mo kong iwan. Pinili kong isama ka ngayon dito para malaman mo ang nangyari sa akin noon. Gusto kong magsimula tayo na kilalanin mo ako, kung ano ako... noon at ngayon. Kung ang lahat ng maririnig mo mamaya ay magiging dahilan para hindi mo ko mahintay, okay lang sa akin. Ang importante ngayon, malaman mo ang istorya ko... Ginusto kong gumaling para sa sarili ko, pero may parte rin na gusto kong gumaling dahil din sa iyo."

Binigyan niya ako ng isang ngiti pagkaraan ay naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko.

I started to narrate what was happened years ago...

"Galing kami sa beach... Inabutan kami ng bagyo doon, noong tumila na ang ulan napagdesisyunan naming, umuwi na." naalala ko pa ang tunog ng kanyang halakhak noon, it's unbelievable but I can see flowers that time... Sa twing nakikita ko siya ay para akong nasa isang bukid na puno ng bulaklak, at ang sentro ay siya.

"Kumakanta kami sa kotse, tumatawa, nagkukwentuhan... sa gitna ng daan, umulan ulit nang malakas... Nagdahan-dahan naman ako dahil kasama ko ang taong mahal ko. Ayokong mapahamak siya pero."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now