REWIND 5: MY IMMORTAL

16 3 82
                                    


"I'm so tired of being here

Suppressed by all my childish fears

And if you have to leave

I wish that you would just leave

'Cause your presence still lingers here

And it won't leave me alone"

"Welcome back, ma!" binigyan ako ng isang mahigpit na yakap ng aking mama pagkita palang niya sa akin sa airport. Umuwi siya sa Pilipinas dahil kasal na ni Zion bukas.

Yes, isasakal na ang pinsan ko bukas.

Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang nung nagbigay siya ng singsing at nagpainom sa bar. Sa loob ng ilang buwang preparasyon nakita ko naman na kumalma na si Eunice at hindi na ito nagagalit lagi. Siguro ay tama si Zion nang sabihin niya sa akin nab aka nakaramdam ito ng insecurity sa katawan. Hanggang ngayon wala pa rin siyang binabanggit kung sino ang babaeng dahilan ng pagwawala ni Eunice.

Medyo nag away pa kaming dalawa ni Zion dahil ayokong pumayag na maging isa sa groom's men niya hanggang sa napapayag niya ako dahil sa mga pangkokonsensiya niya.

Dito muna ako tutuloy sa lumang bahay namin dahil ang kaibigan daw ni Zion ay gagamitin ulit ang condo niya. Nang sabihin niya iyon ay hindi ko maiwasan na alalahanin ang babaeng iyon. Kamusta na kaya siya?

Tinignan ko ang listahan ng mga abay nila at wala akong nakitang pangalang Shane, siguro ay isa lamang siya sa aattend ng kasal. Pagkatapos namin siyang ihatid noon, doon ko nalaman na siya pala ang tinutukoy ng pinsan ko na tutuloy sa condo niya. Noong una ay kala ko ay siya ang pinagseselosan ni Eunice pero nang sabihin niya na hindi ito yon ay napalagay ang loob ko bigla.

"Hi tita! Welcome home!" pagbukas palang namin ng sasakyan ni Zion ay dinig ko na ang hiyaw ng gago na agad namang kinatawa ni mama.

Habang nasa daan, hindi maiiwasan na magkaroon ng kwentuhan hanggang sa mapunta ang tanong ni mama kay Zion na nakapagpaseryoso ng usapan.

"Ikaw ba ay seryoso na talaga? Wala ng atrasan yan ah. Hindi yan parang kanin na pag mainit ay iluluwa mo na." nakita ko ang simmpleng pag ngiti ni Zion at sinagot naman niya ng pabiro pero parang may laman.

"Pwede pa ba magbackout tita? Baka may pumugot ng ulo ko pag di ako sumulpot bukas! HAHAHA!" narinig ko ang pagtawa ni mama pero hndi ko narinig ang sa kanya.

Paghatid ni Zion sa amin sa bahay, nagpaalam na ito agad para dumiretso sa resort na inarkila niya para sa mga bisita niyang tiga-malayong lugar. Mabuti nalang at dumating si mama kung hindi ay malamang isa ako sa mga nandoon dahil ayaw ni Zion na walang tumitingin sa akin kahit pa nakita naman niya na wala akong gaawin sa aking sarili na masama.

Maaga kaming nagpahinga kahit na gusto ko pang makahuntahan si mama ay pinigilan ko na ang aking sarili dahil alam kong pagod din siya. Kaya kinabukasan sa araw ng kasal ni Zion, nagpaalam ako sa kanya na hindi muna pupunta sa resort at dederetso na lamang ako sa simbahan kasama si mama.

Habang nag aayos, hindi mawala sa isip ko ang kasal ko noon.

Nakaramdam agad ako ng lungkot sa buong katawan ko.

I hate this.

Hindi man lang kita nabigyan ng maayos na kasal, Trisha.

Nakatingin ako sa salamin ngunit tumulo ang aking luha dahil sa nakita ko ang lalagyan niya na nasa likuran ko lamang kaya nahagip ito ng repleksiyon ng salamin.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now