FOURTEENTH STRUM: THE REASON

15 3 53
                                    

CHAPTER 14

"Even if there is pain now

Everything would be all right

For as long as the world still turns

There will be night and day

Can you hear me

There's a rainbow always after the rain"

--

"What are we doing here?" tanong ko kay Liam.

Nagulat nalang ako kanina noong sinabi niyang bababa raw kami sa Maynila. Wala akong ideya kunga bakit. Nandito kami ngayon sa Mall of Asia.

Bigla bang gusto mong magshopping?

Habang naghahanap ng parking, nakikita ko na napakaraming tao dito.

"Bakit tayo nagpunta rito?" ulit ko ng tanong ko sa kanya ngunit hanggang ngayon ay ngiti lang ang ibinibigay niya. Pagkatapos niya maiparada ang sasakyan, nagsuot siya ng sombrero at isinuot rin niya ang kanyang salamin sa mata. Sa twing suot niya ito, gustong-gusto ko siyang kurutin... mukha siyang baby... ko.

Ang harot mo talaga Shane!

Simula noong tinanggap niya sa sarili niya na wala na talaga si Trisha, ang daming nagbago sa kanya, nakikita ko na ngayon ang taong inidolo ko limang taon na ang nakalilipas. Kahit na hindi talaga siya palangiti, mararamdaman mo na masaya siya. Ang mga mata niya... napakadaldal ng mga mata niya. Sa twing nakatingin siya sa akin, nalulunod ako sa ibinibigay niyang emosyon sa akin.

Nagulat ako nang suotan din niya ako ng sombrero, iniayos din niya ang buhok ko pagkaraan ay ipinasuot din ang shades na mukhang dala-dala niya palagi.

"I don't know if this is uncomfortable but this is for your protection. Hindi ko alam kung may media sa paligid, kahit na..." hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sinasabi at dinampian ko nalang ang kanyang labi upang siya ay manahimik.

"I know... it's okay." Nakita ko kung paano namula ang kanyang mukha, natahimik din siya kaya napalaki ang ngisi ko na kinabusangot niya.

"I want to kiss you but when you are the one who is making the first move... natutulala ako." Binigyan niya rin ako ng malapad na ngiti pagkaraan ay dinampian din ang aking labi.

Hindi ako makapaniwala...

Although, wala kaming label hanggang ngayon... hindi naman kami nagmamadali. Mula noong isinaboy niya ang abo ni Trisha sa dagat, pinakawalan na rin niya ang kahapon na nagbibigay sa kanya ng sakit. Unti-unti rin nagiging maayos na ang kanyang pakiramdam. Pinili naming mag-stay sa Batangas dahil mas malapit mula roon ang bahay ni Doc Mendez at mas maayos na rin iyon para malayo si Liam sa mata ng media lalo na ngayon at magbabalik na siya.

Pinag-usapan namin na kung maaari hanggat wala pa ang announcement ng release date ng album niya ay iiwas muna siya sa media, although mayroon siyang ilang mga photoshoot at commercial na ginawa nitong mga nakaraang linggo.

Paglabas namin ng sasakyan, naglipana sa paligid ang mga kulay pula, puti at gintong disenyo sa paligid. Malapit na pala ang pasko.

Dahil masyado akong natuwa sa itsura ng paligid, nagulat nalang ako nang nakalapit na pala sa akin si Liam. Nalaman ko nalang nang hawakan niya ang kamay ko pagkaraan ay inakap ako.

"Let's go?" hinila niya na ako at nagpaubaya nalang ako kung saan niya man ako dadalhin.

--

"Wow!" feeling ko bata ulit ako dahil sa nakikita ko!

Ang daming libro! Ginawa nilang Christmas tree yung mga libro sa sobrang dami! Sa sobrang galak ko nga, nabitawan ko na ang kamay ni Liam. Nagulat nalang ako nang may biglang humiklat sa akin at pagtingin ko ay nakita ko ang mga mata ni Liam na nag-aalala.

The Story After Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon