FIFTEENTH STRUM: ISTORYA

13 3 41
                                    


"Tell me something, boy

Aren't you tired tryin' to fill that void?

Or do you need more?

Ain't it hard keeping it so hardcore?"

Marupok na kung marupok pero label nalang naman ang kulang sa aming dalawa diba?

Because of what he said... I feel contented.

"Mahal din kita... Liam." pagkaraan kong sabihin ito, kusang pumikit ang mga mata ko para damhin ang igagawad niyang halik sa akin. Ilang beses ko nang naramdaman ang halik na ito, pero ang mga nauna ay halos nagpaparamdam lang sa akin ng sakit dahil alam kong hindi ako ang kanyang nasa isip. Pero ngayon... binanggit niya... ako na ang mahal niya. Mahal niya na ako...

Pinutol na naming ang halik, kapwa kami naghahabol ng hininga. Nakadikit parin ang kanyang noo sa akin. Nakatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Isang magandang tanawin. Ang tagal na ng panahon mula noong maramdaman ko ulit ito. Kung paano may mga dinosaur na naghahabulan sa tiyan ko, kung paano manlamig ang mga kamay ko... at kung paano... maramdaman ko muli na hindi na ako nag-iisa.

Unti-unti, lumalapit na naman ang kanyang labi sa akin... Akma na rin akong pipikit ngunit...

"SHIT!" sabay kaming napasigaw nang may kumalampag sa sasakyan namin!

Tinignan ko kung saan galing iyong kalampag at napatingin din si Liam sa kanyang bintana dahil doon nanggaling iyon.

Isa lang ang gusto kong gawin paglabas dito.

Sasakalin kita Zion.

--

"What's wrong?" tinititigan ko ngayon si Zion na may pagtataka rin sa kanyang mukha. Dahil tinted ang sasakyan namin, alam kong hindi niya kami nakita. Tinignan niya ako pagkaraan ay tinignan din niya ang kanyang pinsan. Tinignan ko rin si Liam at nakita kong mukhang mas natakot si Zion dahil sa malamig at itim na aura na kanyang inilalabas. Badtrip din siya.

"Tara pasok na kayo," aya pa ni Zion na akala mo ay siya ang may ari ng bahay. Narinig ko na naman ang pag smirk ng katabi ko at nakita ko ang pag-iling niya. Ngayon ko palang nakita ang loob ng bahay nila. Hindi ito ang bahay nila ni Trisha. Minabuti raw na habang nagpapagaling si Liam ay dito muna siya upang hindi siya mag-isip ng kung ano-ano mula sa nangyari sa kanya noong mga nakaraan.

Maganda ang bahay, malawak din at makikita mo rito ang karangyaan dahil sa itsura ng mga nasa paligid. Dahil naging malikot ang aking mga mata, hindi ko namalayan na wala na pala akong kasama at pagtingin k okay Liam ay hatak-hatak na niya ang kanyang pinsan papunta sa hindi ko alam.

"Shane! Give me a minute! I'll talk to my cousin first! Feel at home baby!" baby...

Dahil sa sinabi niya ay nagpapapadyak na naman ako rito sa aking kinatatayuan. Grabe, bakit pag siya ang nagsasabi noon kinikilig ako?

Dahil sinabi naman niyang feel at home, agad kong tinungo ang isang estante na gustong-gusto kong tignan mula noong nakita ito ng mga mata ko kanina.

"Ang dami wow," bulong ko nang makita ko ang mga trophy niya noong nanalo siya sa iba't ibang awarding ceremony noon. Sa tabi ng mga trophy, nakita ko rin ang iba't ibang mga larawan sa tabi ng bawat isang trophy. Naalala ko ang mga ito. Ito ang mga litrato noong mismong kinuha niya ang kanyang award.

Napakaganda ng kanyang ngiti. Naalala ko pa noon, sa sobrang pagkahumaling ko sa kanya, kahit hindi ako makapapasok sa mismong awarding hall, nandoon ako kasama ng mga fans sa labaspara abangan siya sa pagpasok niya ng hall at pati ang paglabas. Pag masaya siya, masaya rin kami. Pag may naninira sa kanya, kami ang nagagalit kahit hindi naman niya pinapansin. Naalala ko pa yung isang beses, sa sobrang obsessed nung fan, humarang siya sa daraanan ng van ni Liam. Magpapakamatay daw siya kasi si Liam nagkaroon ng rumored girlfriend bigla, nandoon ako noong panahon na yon. Yung panahon kung paano bumaba si Liam at sinabi doon sa babae na "hindi ninyo ba ko gusto maging masaya?" naalala ko kung paano umiyak yung babae kahit na facemask siya noon para hindi siya makilala ng madla.

The Story After Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon