Ninth Strum: Broken Strings

18 4 8
                                    

"Pansamantalang unan

Sa tuwing ika'y nahihirapan

Pansamantalang panyo

Sa tuwing ika'y nasasaktan"





"Okay ka lang ba talaga Shane?"

Okay nga lang ba talaga ako? Ang daming gumugulo sa isip ko. Bakit? Bakit mo ko tinawag na Sha? Pero hindi naman pala ako ang tinatawag mo. Noong narinig ko ang sinabi mo pagkatapos mo kong halikan? 

Tangina, para akong sinaksak ng ilang ulit. Pinaalala mo sa akin kung gaano ako ka-assumera dahil sa ginawa mo sa loob ng dalawang araw na naging mabait ka sa akin.

Sino ang nakikita mo sa tuwing nakangiti ka sa harapan ko?

Sino ang iniisip mo sa tuwing nagniningning ang mata mo kahit na ito ay nakatingin sa akin?

Sino ang nasa isip mo noong kinantahan mo ko?

Sino ang nasa isip mo... noong hinalikan mo ako?

Bakit parang lahat ng ginawa mo ngayon ay pinagdududahan kong ginawa mo para sa akin at hindi para sa iba?

Bakit ako nasasaktan?

"Shane? Are you okay?" nakaramdam ako nang pag-uga sa aking balikat, nalingon ako ngayon sa katabi ko at nakita ko ang mukha ni Renz na nag-aalala sa akin.

Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Liam kagabi, dali-dali akong pumasok sa aking kwarto upang hindi niya marinig ang tumatakas na hikbi sa aking bibig. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito, samantalang wala naman ako dapat ikalungkot dahil nagtatrabaho lamang ako para sa kanya. Siguro ay nadala lamang ako dahil sa ginawa niya sa akin ng dalawang araw.

Ayokong umasa, dahil sa nangyari palang ay ako lang ang masasaktan. Okay, I admit it. Marupok na kung marupok pero may gusto ako sa kanya. Hindi ko masasabi na ngayon lang ito dahil bago pa man dumating sa buhay ko si Adi ay gusto ko na siya. Siguro ay akala ko noon ay simpleng paghanga lamang dahil siya ay isang artista. Hindi ko naman akalain na makakasama ko siya ngayon.

Hindi ko alam kung swerteng matatawag ang nangyari kinaumagahan.

Walang maalala si Liam.

"Good morning Sha!" bakas kay Liam ang sigla na wala sa kanya kagabi noong nilagnat siya. Naglakad siya patungong kusina para uminom ng tubig. Katulad nang ginagawa niya noong nakaraang mga araw, nagluto ulit siya at inaya niya ulit ako.

Hindi ko alam kung nararamdaman niya ang pagkailang ko sa kanya ngayon. Pero sa tuwing makikita ko siya, nakikita ko ang ngiti niya na nakakapagpahumaling sa akin noon pero hindi ngayon. Alam kong hindi para sa akin ang mga ngiting ito.

Nag-iba ang galaw ni Liam, naging malambing siya at walang bakas ang Liam na nakasama ko noong unang linggo.

May kailangan akong gawin...

Kailangan kong kausapin si Zion.

Alam kong may mali.

May mali sa sitwasyon namin...

May mali sa kanya ngayon.

Paano ko sasabihin kay Liam na kailangan ko munang lumayo sa kanya?

Habang nag-iisip ng paraan para makauwi sa Maynila, tumunog ang cellphone ko... Isang ringtone na pangalawang beses ko palang naririnig mula noong inilagay ko ito.

Reminder: 1 day before Daddy's death anniversary.

Daddy? Hindi mo pa rin ako pinababayaan no? Sinagot mo ang kailangan ko ngayon.

The Story After Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon