Last Strum: Looking for Neverland

19 3 19
                                    

"Baby, I compare you to a kiss from a rose on the grey

Ooh, the more I get of you, the stranger it feels, yeah

Now that your rose is in bloom

A light hits the gloom on the grey"

"You home wrecker!"

"Bitch!"

"Teacher ka pa man din!"

Nakabalik na ako sa Bulacan at ito ang dinatnan ko. Nandito ako ngayon sa sasakyan ni Brent, dahil paluwas na din daw siya ng Maynila ay isinabay niya na ako. Marahil ay naaawa siya sa sitwasyo ko.

"Bababa ka pa ba?" tanong saa akin ni Brent na ngayon ay nakatingin din sa mga babaeng nasa harap ng bahay namin. Tinanaw ko rin ang gate ng bahay namin na pinupukol ng mga basura at kung ano-ano. Siguradong alam na nila na dito ako nakatira.

Kailangan kong bumaba para makausap si Mama Sally yun nga lang baka pagbaba ko rito ay di na ako makapasok ng buhay dahil sa mga babaeng nakatayo sa harap ng gate namin. Ilang minuto pa ang lumipas, nakita kong bumukas ang gate namin at iniluwa doon ang mama Sally ko.

"Wala dito ang babaeng hinahanap ninyo! Hindi ko anak yon!" sigaw sa kanila ni mama Sally kaya napatingin bigla sa akin si Brent at tinignan ko nalang siya nang makahulugan.

Sinabi ko na sa iyo diba?

Gusto kong ulitin pero mukhang naalala niya naman ang mga sinabi ko kahapon kaya hindi na siya nagtanong.

"Oo! Hindi mo anak! Siguro ay sa tatay niya nagmana ang babaeng yon!" Sigaw ng isa sa Mama Sally ko na naging dahilan ng pagbaba ko sa sasakyan ni Brent na kinabahala naman nito.

"HOY! WALA KANG ALAM KAYA WAG MONG SABIHAN NG MASAMA ANG DADDY KO!" sigaw ko sa kanya pero bago pa ako makalapit sa babaeng nagsalita, samu't saring mga basura ang tumama sa aking mukha kaya bago ko masampal ang babaeng iyon ako muna ang nakuyog ng tao.

Deserve ko ba ito?

Wala namang akong kasalanan. Pero bakit ako ang dapat pumasan nito?

Nararamdaman ko ang ilang kalmot, sabunot sa akin ng mga babaeng nakapalibot sa akin pero hindi ko magawang lumaban. Siguro ay hihintayin ko nalang silang magsawa. Sana nga lang magsawa na sila bago ako pa ako mamatay ngunit unti-unti nakaramdam ako nang pagliwanag ng paligid, nawala unti-unti ang mga sumasabunot sa akin at nakarinig ako ng malalakas na sigawan.

"AH!!!" napatingin ako sa mga babae at nakita ko ang dahilan ng kanilang paghiyaw.

Hiyaw na hindi dala ng kilig dahil nakita nila ang katulad ni Brent kung hindi hiyaw na may dalang takot dahil may hawak na baril ngayon si Brent habang nakatayo at nakaharap sa amin.

"Lulubay kayo o magpapaputok ako dito?" malumanay ngunit may otoridad na sabi nito at parang bula... nawala bigla ang mga babaeng sumabunot sa akin.

Tumakbo si Brent para bagtasin ang pagitan namin at lumuhod na rin siya sa harap ko para tulungan akong makaayos ng upo. Bakas mo sa kanya ang pagalala pero lamang pa rin ang iritasyon dahil na rin siguro sa kanyang nakita kanina.

"Hey! Ikaw ba talaga si Shane? Bakit hindi mo binigwasan yung mga yon! Kayang kaya mong lumaban ah!" bulyaw niya sa akin habang hindi malaman kung saan hahawak dahil nadagdagan na naman ang sugat ko sa katawan.

Magkakapeklat na talaga ako nito. Tsk.

"Ang ingay mo." Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinusan ko ang gilid ng aking labi dahil may nalasahan akong parang kalawang. May dugo. Napuruhan talaga ako.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now