TWELFTH STRUM: Suddenly it's Magic

20 3 298
                                    

CHAPTER 12

"Ang kadilima'y lumiwanag. Sa'yong bawat galaw, ako'y sumasabay, ngunit hanggang kailan, hanggang kailan kita mahihintay."

"I like you, Shane. I really do."

Nakatingin pa rin ako kay Liam. Nakatitig din siya sa akin. Huminto na ang musika, maraming nagbubulungan sa aming paligid, maaaring hindi makapaniwala. Ilang taon siyang hindi nakita ng publiko. Lalo ngayon sa itsura niyang akala mo nagbalik ang kahapon.

Maikli na muli ang kanyang buhok.

Suot ang poloshirt na katulad ng aking suot...

Hindi ako makapaniwala.

Naging kaklase namin siya?

Pero, bakit hindi ko matandaan?

Kailan?

Paano?

"Shane? Bakit natulala ka?" bumalik ako sa aking ulirat noong inalog ako ngayon ng taong nasa harap ko.

"Ano... nga ulit yon?" akala ko ay nagkamali lamang ako ng aking narinig ngunit inulit uli niya.

"I like you, Shane." Binigyan nya ako ng matamis na ngiti. Kahit na narinig ko na ito kanina, hindi pa rin ako makapaniwala.

Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya?

"Say yes! Say yes!" sigaw ng tao sa aming paligid, ang dami na rin kumukha ng video o litrato... Nahihiya na ako dahil tampulan na kami ng pansin.

"I will court you no matter how long. Ang tagal kong hinintay to. I reallt like you My One point Five."

Renz...

Kung nauna ba kitang nakita noon kaysa kay Adi o kay Liam... ikaw kaya ang kadaop ng palad ko?

Tinitigan ko si Renz ngunit... wala akong maramdamang espesyal sa kanya. Tumingin ako sa taong nasa likuran nya, ang lalaking nasa stage... bumilis ang tibok ng aking puso...

Kung maaari lang turuan ang puso.

Hindi ko akalain, sa maikling panahon, minahal ko ang lalaking ito kahit alam kong... mabibigo ako.

Kung natuturuan lang ang puso, sino bang hihindi sa katulad ni Renz?

Tinitigan ko ulit si Renz, tila balisa na siya dahil hanggang ngayon ay di pa rin ako sumasagot sa kanya. Paano ko ba sasabihin sa kanyang... di ko siya kayang pagbigyan ng hindi siya napapahiya o masasaktan ng sobra?

Sasagot na sana ako nang biglang maghiyawan ang mga tao.

Biglang dumilim ang paligid, lumikha ng echo ang mic tanda ng pagkakabukas nito.

"Hello, good evening. I am Liam, thank you for inviting me in our alumni homecoming even I didn't get my diploma here. For those who remember me, yes I am that guy who transferred in this school 13 years ago I think? at nakakatuwa lang kasi kahit two months lang ako nakapag stay dito ay tinanggap niyo pa rin ako. For those didn't remember me, I am Vixon Gutierrez from 4th year Section Andromeda. I know ilang taon din ako nawala, but because of a request i am here, and for paying my respect to this school, let me announce one thing."

Nawala na ang atensyon ng mga tao sa amin. Mukhang kinampihan ako ng langit. Habang busy na sila sa paglapit sa may stage, dali-dali akong huminga ng malalim pagkaraan ay muling tinitigan si Renz.

"Every girl always dream a guy like you..." hindi ko pa natatapos ang aking salita nang natigil ako dahil sa sinenyasan nya akong tumigil.

The Story After Death Do Us PartKde žijí příběhy. Začni objevovat