First Strum: Introduction to Heartbreak

37 8 12
                                    


"Oh, sometimes the truth, oh hurts more than lies, oh we're scared of getting hurt. We turn away from the truth." – Sweet lies



"I am breaking up with you. This time it's real, there's no regret. Sorry and thank you for everything. I hope you can have the love that you want."

Nakayuko siya na tila hiyang hiya sa mga sinasabi niya, napakaamo talaga ng mukha niya, may matangos na ilong, malamlam na mga mata na kulay itim, batid mo ang karangyaan sa kanyang postura. Ang taong minahal ko bukod sa paborito kong musikero. Pero bakit bigla nalang kami napunta sa ganitong sitwasyon?

Paulit-ulit nalang, ilang buwan na ba ang lumipas? Halos mag-iisang taon narin pero hindi ko nakuha ang gusto kong sagot. Bakit ang bilis niyang bumitiw sa isang matagal na relasyon. Ilang buwan na ang lumipas pero nandito parin ako, sa lugar kung saan niya ako iniwan... mag-isa.

"Magiging masaya ka ba kung matatapos... tayo?" tanong ko sakanya na ngayon ay iniangat niya ang paningin niya sa akin. Ngumiti siya sa akin ngunit makikita mo na hindi umabot ang kanyang ngiti sa kanyang mga mata.

Huminga siya nang malalim bago niya lakas loob na sinabi sakin ang katagang "oo..." tuluyan nang pumatak ang luha ko. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ako, pero noong nakilala ko siya pinangarap ko rin na maging masaya siya. Ngayon sinasabi niya na masaya siya ng hindi ako ang dahilan, hindi ako martir para humabol sa kanya pero ang hindi ko matanggap ngayon, bakit hindi na ako ang dahilan bakit hindi na siya masaya?

Pinili ko nang tumayo mula sa aking pagkakahiga, nakita ko ang oras sa aking cellphone, alas singko na ng umaga, kailangan ko ng gumayak sa pagpasok sa eskwela, hindi dapat ako mahuli, nakakahiya naman kung mauna ang mga estudyante ko kaysa sa akin. 

I usually eat heavy breakfast because of my work. I am a teacher, and being a teacher means you have the liability to the future of your students. Sa loob ng ilang buwan, namaster ko na ata ang paglabas ko sa bahay ng akala mong wala akong pinagdadaanan, makikita nila akong istrikta pero pag hindi na oras ng klase ay laging nakatawa na akala mo'y walang dinadala.

 I am living independently, I choose to live far away from my mother because she is too conservative. I choose to rent an apartment, but let me rephrase, he rent an apartment para sa akin. Before, when we were an item, he used to sleep here if he didn't have any heavy project. Medyo malayo kasi ang workplace niya at lugar ko kaya pagpumupunta siya sakin ay dito na siya natutulog. Nakakalungkot lang, dahil sa pareho kaming busy sa mga trabaho namin, nauwi kami dito ... sa dulo.

Nakarating ako sa school na pinagtuturuan ko. I scanned my i.d so I can enter the school premises. It's too early para sa mga bata, kaya wala pang tao masyado sa ground. I greet our guard then I immediately go to our faculty room. Dahil maaga pa talaga, ako palang ang tao kaya sa araw-araw na ginawa, ako ang magbubukas ng faculty room, aircon, dispenser at ng humidifier. 

I scan my lessons for today. Habang nagbabasa ako sa cubicle ko, unti-unti ay nagdatingan na ang mga kasama ko. Dahil maingay na sila, I put my earpiece and browse my favorite play list. "Compilation of Liam Vixon's Gutierrez Songs". I am very in love with this guy. I love his voice very much. Dagdag pa na napakarami nyang instrument na alam gamitin. He is also a composer. I am a fan for almost 5 years na, 3 years noong active pa siya at ngayon ay pangalawang taon na mula noong naging hiatus ang status niya. Bigla nalang siyang nawala sa music industry. Literal na MIA siya. Maraming nagsasabi na hindi na siya makatugtog, hindi na siya makakanta, may nagsabi na nag-asawa na siya pero walang naging concrete na news.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now