SEVENTEENTH STRUM: Withering Flower

24 3 19
                                    

"Fantasy, it gets the best of me

When I'm sailing

All caught up in the reverie, every word is a symphony

Won't you believe me?"

Warning: Too much revelation might trigerred your anxiety. (charot)

"Bakit kailangan mong magalit sa akin? Hindi naman ako ang pumatay sa asawa mo!?" sa gigil ko ay nasabi ko na to kay Liam.

Kasalanan ko bang tatay ko ang nakapatay sa asawa mo?

Grabe pala kung ganoon.

"Sha, please... stop. Wag mo ng patulan." Bulong ni Zion sa akin. Lumuhod na si Zion sa gilid ko, patalikod kay Liam. Inakap niya ang kanyang braso sa aking leeg sa takot na masanggi niya ang aking braso na may bubog. Halos hindi na ako makahinga dahil sa pagsabay ng aking iyak at aking nararamdaman.

"Akala mo ba, ikaw lang ang nasaktan? Akala mo ba ikaw lang ang nawalan?! Tangina!" napabulyaw na ako, hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil punong-puno na ako. Ang daddy ko... mabuting tao siya... pero bakit ganito ang nangyayari?

Sa dami ng kanyang mabuting ginawa, kung ano yung nag-iisang masama, yun lang ang naalala nila.

"Inintindi kita noong panahon na nawalan ka..." kahit na gusto kong ituloy-tuloy ang sasabihin ko ay hindi ko magawa dahil sa kinakapos ako nang paghinga.

"nandito ako... kahit masungit ka, inintindi kita. Pero bakit ngayon? Hindi mo ko binigyan ng pagkakataon na mag-explain sa'yo? Sa tingin mo ba lumapit talaga ako sa'yo dahil naguguilty ako sa ginawa ng tatay ko sa asawa mo?" walang sawa ang pag-agos ng luha sa aking mata. Tinititigan ko si Liam ngayon na nakatingin sa kawalan pero noong sinabi ko ang huli kong salita ay tumingin din siya sa akin. Pero ang mga tingin niya ay wala na ang katulad ng dati.

"Yun lang ang nakikita kong dahilan para lumapit ka sa akin." Malamig na titig at sambit niya sa akin na lalong nakapagpaiyak sa akin.

"Wala nga kasi akong alam! Ano ba Liam!" tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Zion. Nagpumilit pa rin ako at dahil doon ay nadiinan ko ang mga bubog sa aking braso at binti. Kahit masakit, wala na akong pakealaman. Gusto ko lang siya malapitan para sabihin ang buong katotohanan.

"Hindi ko na alam kung paano pa maniniwala sa'yo." Parang kulog ang sinabi niya na iyon.

Dahil dito? Nawala ang tiwala mo? Wala nga kasi akong alam!

Napangiti ako ng mapakla... Napailing nalang ako bigla dahil mayroon akong narealize. Isang katotohanan.

"Sabi mo noon, ako ang isa sa taong pinagkakatiwalaan mo... Pero dahil dito..." natawa ako bigla habang umiiyak. Tinitigan ko muna si Zion na ngayon ay makikita mo ang pag-aalala sa akin, pagkaraan ay tinignan ulit siya.

"nalaman ko na hindi mo talaga ako pinagkakatiwalaan." Umiling nalang ako nang umiling habang nakatingin sa kanya.

"Buksan mo ang isip mo, kasi baka magsisi ka bigla... Baka pag nakapag-isip kana nang maayos, wala na ako." Ni hindi ko nga alam kung sino yung nasa sasakyan. Hindi ko alam kung sino ang namatay at na-comatose. Halos ngayon ko lang nalaman pero hindi ko pa rin alam ang detalye. Hinawi ko ang kamay ni Zion, inihawak ko ang aking kamay sa sahig para bumwelo sa aking pagtayo... nagulat naman ako nang may humawak mula sa aking likuran at paglingon ko nakita ko si Adi dito.

Nakita ko kung paano mag-alala ang kanyang mga mata.

Pero umiwas nalang ako ng tingin sa kanya pagkaraan ay tumingin muli kay Liam.

The Story After Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon