Second Strum: How to mend a broken heart?

19 6 0
                                    


"The wounds come back to life, I tried to avoid them but get hurt every time." – Shane

Kahit ipikit ko at idilat ang mga mata ko, naaalala ko parin lahat ng mga pinag-usapan namin ni Andrei sa Singapore. 

Ang bilis ng oras, nandito na naman ako sa eroplano, nakaupo, uuwing malungkot, kahit pa nasa isang tabi ng utak ko na pwedeng mangyari ito. 

Bakit ba kami nauwi sa ganitong sitwasyon? Totoo nga siguro talaga na hindi magtatagal ang relasyon na sobrang layo.

Hindi naman distansya ang naging problema naming dalawa e, kung hindi ang layo ng propesyon namin sa isa't isa. Ano na ba ang next step ko ngayon pagkatapos nito?

 Ang naisip ko lang naman pumuntang Singapore, makipag-usap sa kanya kaso hindi ko naisip ano ang gagawin ko pagkatapos nito. 

Kailangan ko gumawa ng plano, pero ang tanong, kaya ko ba?

Lumapag na sa Clark ang eroplano namin, isa-isa ng bumababa ang mga tao, napahinga ako ng malalim, Shane, this is the reality, you need to face it. Nakasukbit sa akin ang mini bag kong puti, paglabas ko ng eroplano, naramdaman ko ang kakaibang init na singaw ng semento, ahh, nasa Pilipinas na talaga ako. 

Agad kong kinuha sa loob ng bag ko ang phone ko para malaman kung nandito na ba sa airport ang inupahan ko para sumundo sa akin ngayon. Alas nuebe na ng gabi, pero hindi mo makikita sa lugar na ito na mawalan ng tao. 

Pumunta ako sa lugar kung saan kukuhanin ko ang aking maleta, habang naglalakad ako ay tumunog ang aking phone, tumatawag na ang susundo sa akin. 

"Hello, kuya Ben? Nandito na po ko sa airport, nasaan po kayo?" pagtatanong ko sakanya, napansin ko ang shoelace ko na hindi na maayos ang pagkakatali kaya agad akong huminto sa paglalakad para ayusin ito ng sumagot ang kausap ko "Maam, baka hindi kita masundo, wala pa kong isang kilometro mula sa bahay namin ng sumabog yung gulong ko. Pasensya na ma'am baka po pwedeng magtaxi nalang kay..." may bumangga sa likod ko! 

Bagsak ang phone ko sa lapag! 

"Aray naman!" napaupo rin ako sa sahig "pucha."

Napahimas ako sa may kanang pigi ko. Tinignan ko kung sino ang nakabangga sa akin para sana murahin siya kaso naalala ko nasa Pilipinas na pala ako at baka may makakilala sakin dito.

 Tinignan ko ang taong nakabangga sa akin, bigla akong kinabahan, magnanakaw ba to? Gabing gabi na ay naka hoodie jacket siyang itim, nakafacemask na itim at shades na itim. Masungit ko siyang tinignan, "hindi mo ba ako tutulungan?" pagtataray ko pa sakanya, siguro ay nawala rin siya sa sarili niya kaya noong narinig niya ako ay hinatak niya ang braso ko para makatayo. 

Agad siyang yumuko para kuhain ang phone ko, teka? Magnanakaw nga ata to! 

Sisinghalan ko na sana siya nang iabot niya sa akin ang phone ko, pinindot ko ang phone ko, pero teka, bakit ayaw gumana?

 Inulit ko pa ulit hanggang sa makumpirma ko na blackout nga ang phone ko! "Shit shit shit!" 

Hindi ko na napigil ang bibig ko! Bahala na kung may makarinig sakin pero tangina napakamalas ko naman talaga! 

"Is there a problem miss?" woah? Inglesero? Pero wala, badtrip parin ako, at ayoko ng ganitong pakiramdam. Tinignan ko nalang siya ng isang masamang titig at nilagpasan ko nalang yung taong nakabangga sa akin, nagmartsa ako paalis para kuhain ang maleta ko.

 Kabababa ko pa lang sa Pinas kamalasan agad oo, walang susundo sakin, nabangga pa ko tapos sira ang phone ko, paano ako uuwi? tsk, tsk. Lord, isa-isa lang ang bigay sakin ng problema please? Pagod po ko ngayon, Pwede po bang bukas naman? Bigla kong naalala, pucha! May pasok bukas! Wala akong lesson badtrip!

The Story After Death Do Us PartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora