SIXTH STRUM: Every Minute I love You

11 3 0
                                    


"As I pick up all the pieces that you have left behind

My heartbeat bleeds your smile and my soul starts to die."

"Tama naman ang Job description ko diba Zion?" panggigil kong salita kay Zion habang kausap ko siya sa phone. Bakit ba naman kasi ako magtataka sa trabaho ko, limang araw na kami dito pero wala akong ginagawa!

 Okay, noong pagdating naming dito inutusan niya ako maggrocery na good for two persons sa loob ng isang linggo! Pagkatapos noon ay wala na siyang inutos sakin. Ang halos ginagawa ko lang para sakanya ay magluto... sabihan siya na kumain na, magluto at sabihan na kumain na siya! Dinaig ko pa ang nakatira sa Alaska dahil kasama ko siya!

 Feeling ko nasa horror house ako dahil sa tahimik ng bahay na nirentahan naming dalawa.

"Pagpasensyahan mo na si Liam, Shane... Please? Konting tiis pa." sagot naman sa akin ni Zion. Napabuntong hininga nalang ako. Tama naman siya, kailangan ko magtiis... Hindi naman pwedeng magbackout ako dahil lang sa wala siyang pinagagawa sa akin.

I turn off the call and sighed. Nasaan nga ba ang amo ko?

Ayun, sa terrace, kaharap ang laptop niya habang may nakasalpak na headphones sa tenga. Limang araw na kami dito, limang araw na rin siyang ganito. Niligid ko ang paningin ko sa bahay, it's a bungalow type pero malawak. Kasya siguro ang isang malaking pamilya. 

It have four rooms, two bathrooms, a dirty kitchen, sala and a good-looking view of the sea sa terrace. Liam occupied three rooms at sa akin naman ay isa. Noong una ay hindi ko maintindihan bakit kailangan niya ng tatlong kwarto pero noong binababa na namin ang mga gamit niya, doon ko nakita na kailangan nga niya ng tatlong kwarto para sa trabaho na gagawin niya.

May dala siyang tatlong gitara at piano, doon ko narealize bakit ang laki ng dala naming sasakyan. Ginawa niyang music room ang unang kwarto. Sa pangalawang kwarto naman ay inilagay niya ang laptop, dslr, video camera at iba pang ginagamit para gumawa ng movie. 

Habang binababa namin ang mga gamit niyang ito ay halos mamangha ako dahil na rin nakikita ko lang ito pag nanonood ako ng mga shooting noon. Sa pangatlong kwarto naman ay inilagay niya ang isang maleta at bag niya na hula ko ay mga damit niya ang laman.

Alas onse medya na pala ng umaga, sakto at luto na ang pagkain namin para sa lunch. Hinain ko ang niluto kong nilagang baka at pritong bangus sa mesa. Mayroon naring nakahiwang mansanas, pitsel ng orange juice at tubig. Pumunta ako sa kinalulugaran niya para ayain na siyang kumain.

"Sir Liam, kain na po." Sa limang araw ko siyang nakasama, napansin ko ang ilang mannerism niya sa pagkain. Noong unang araw ay wala akong nilagay na prutas sa pagkain namin ay lumabas siya at pumunta kay Mang Nitoy, yung katiwala sa lugar na ito at nagtanong kung mayroong mabibilan ng prutas at ganoon din ang ginawa niya sa sumunod na araw kaya noong nakita ko iyon ay bumili na ako ng mga prutas para hindi na siya lumabas pa. 

Pagkarinig niya sa akin ay agad niyang isinara ang laptop at tinanggal ang headphones niya, agad niya itong binitbit at pumunta sa kwarto niya para ilagay ang mga gamit niya. Sobrang maingat siya sa mga gamit, kung saan niya kinuha ay doon niya rin ibabalik, kahit ako na assistant niya ay hindi ko nahahawakan ang mga gamit na iyon unless nalang kung iuutos niya.

Paglabas niya ng kwarto ay tumungo na siya sa komedor at naupo. Liam is an independent man, kaya nga napapaisip ako bakit kailangan pa niya ng assistant kung kaya naman niya lahat?

We are eating silently... Limang araw na rin kaming ganito. Limang araw na rin akong nabuburyo. Gusto ko maligo sa dagat pero hindi ko magawa kasi hindi naman nagagawi roon si Liam. Gusto kong mamasyal pero hindi pwede kasi nasa bahay lang si Liam. Bakit pa kami nagpunta rito kung mamamahay lang siya?

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now