Tenth Strum: Snow White

14 4 20
                                    



"Pansamantalang titigil ang aking mundo para sa'yo.

Isusugal ang puso kong lumalangoy sa lungkot para sa'yo.

Susundan kita sa mundo ng duda,

Dahil kailangan, kailangan kita.

Ang kadilima'y lumiwanag.

Sa'yong bawat galaw, ako'y sumasabay.

Ngunit hanggang kailan kita mahihintay."

Masasabi ko bang maswerte pa ako sa sitwasyon ko ngayon?

Ako, iniwan lang para sa iba pero siya, iniwan siya ng di niya inaakala.

Ngayon, iba na ang pananaw ko sa sinabi niya kagabi kay Zion.

"Dahil hindi ka naman iniwan!"

Alin nga ba ang mas gugustuhin mo?

Iniwan ka dahil sumama sa iba o iniwan ka dahil namatay siya?

Sa ilang araw kong nandito sa Batangas, napakarami kong natutunan. Isa na siguro ang tanggapin sa sarili kong hindi na talaga, wala na talaga.

Paano ko ba matutulungan si Liam?

Paano ba tanggapin sa sitwasyon niya na literal na wala na talaga?

Nahiga lang ako pagkatapos naming makausap ang doctor ni Liam, kahit na pagod ako pisikal at emosyonal, hindi nagawang matulog ng katawang lupa ko. Nakita ko nalang ang unti-unting pagliwanag ng paligid, umaga na.

Wala akong ganang tumayo, pero ang utak ko ay patuloy pa rin sa pag-iisip ng mga nangyari kagabi.

Nawala lang ang pag-iisip ko sa mga nangyari noong narinig ko ang dalawang boses ng kasama ko ngayon sa bahay.

"Morning." Bati ng isa na hula ko ay si Liam.

"morning." Isang malamig ngunit malakas na sagot naman ni Zion.

Pagkaraan ng bati nila na iyon ay mga kaluskos nalang na feeling ko ay mula sa kusina ang naririnig ko. Ilang minuto pa ang lumipas at naamoy ko na ang pamilyar na amoy sa akin sa lumipas na ilang araw. Garlic fried rice ni Liam.

Dapat na ba ako lumabas?

Siguro ay dapat na, para makita ko ang sitwasyon ni Liam ngayon. Doon ako magbabase sa kung ano ang dapat kong ipakitungo sa kanya.

Tumayo muna ako para magligpit ng mga gamit sa kama, pagkaraan ay tumingin ako sa salamin para magsuklay at kumuha ng bimpo bago pumunta sa banyo at makapaghilamos.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Zion na nakaupo sa kaninang madaling araw niyang pwesto habang hawak ang cellphone at sa harap nito ay isang tasa habang si Liam ay nagluluto ng almusal.

Una akong binati ni Zion at binigyan ko lamang siya ng tipid na ngiti, nagulat naman ako ng biglang umubo si Liam at noong nakuha niya ang aking pansin ay ngumiti siya ng malapad sa akin.

"Good morning! Hilamos kana? Tapos kain na tayo ng almusal, I am cooking your favorite breakfast now! Adobong maanghang, garlic rice, may kamatis at itlog na maalat." Ngumiti man ako pero alam kong plastic ito. Hindi ako ang may paborito ng pagkain na ito Liam.

Tumalikod na ko sakanya dahil di ko na kayang tagalan ang aking pag ngiti, at nakita ni Zion ang pagbabago sa aking mukha. Sya man ay mukhang di niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa behavior ng pinsan.

The Story After Death Do Us PartWhere stories live. Discover now