REWIND 4: Maling akala

13 3 65
                                    

"This is how the story went

I met someone by accident

It blew me away

Blew me away"

"Li!" bati sa akin ni Zion nang nakapasok siya sa bahay namin. Mag-isa ako ngayon dito, mukhang bukas na uuwi mama ko. Nagtataka talaga ako kung paano nakapupunta si Zion dito madalas.

"Bumili ka ba ng eroplano ata pabalik-balik ka rito? Ganoon mo ba ako kamahal para magsayang ng maraming pera pamasahe?" tanong ko sa kanya.

"Hindi lang naman ikaw pinunta ko rito e." mahina niyang salita pero narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Biniro ko nalang siya ngunit nagulat ako ng hindi man lang siya tumawa o nagreact sa sinabi ko.

"May babae ka rito no?" tumawa ako ng malakas pero wala siyang naging imik. Tinignan ko siya dahil biglang sumeryoso ang itsura niya pagkaraan ay pumunta sa gawi ng kusina ng bahay namin.

Alas onse na ng gabi. Pagkatapos kumalat ang mga papel ko sa labas kanina ay agad ko itong pinulot at umalis agad pagkaraan.

Habang nanonood ng TV at hinihintay na bumalik dito si Zion, narinig ko ang pagkabasag ng isang baso mula sa kusina kaya agad akong napatayo upang tignan kung ano ang nangyari sa pinsan ko.

"Tangina mo! Gago ka talaga kahit kailan! Nasaan ka?" nakita ko kung paano nakapamewang si Zion habang may kausap sa kanyang cellphone.

"Hintayin mo ko diyan! Ako mismo bubugbog sa'yo!" sigaw pa niya pagkaraan ay pinindot ang cellphone at nilagay sa kanyang bulsa. Pagtalikod niya ay nakita niya ako at mukha siyang nagulat kaya ang itsura niyang seryoso ay lumambot muli pagkatapos ay tinignan ang basong nabasag sa paligid.

"Sorry, nadulas sa kamay ko." Oo nalang ako Zion. Halatang nadulas sa kamay mo at bumalibag sa pader namin ang basong hawak mo. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon pagkaraan ay pinulot naman niya ang mga bubog at nilagay sa basurahan.

"Li, can you come with me? Bawal kang iwanan mag-isa. Baka mapatay ako ni tita." Dahil wala naman akong gagawin dito ay pumayag nalang ako sumama sa kanya para rin malibang ako kahit papaano.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya ng pagtango ko kanina ay sinabayan niya ng malalaking hakba na tila ba nagmamadaling pumunta sa pupuntahan naming dalawa.

"May bubugbugin lang ako."

Rinig ko sa kanyang boses ang panggigigil. Imbis na ako ang bantayan ng pinsan ko, mukhang ako dapat ang magbantay sa kanya upang hindi mapano ang kanyang pupuntahan.

Maingay, mausok, magulo.

Bakit dito kami pumunta?

Magpaparty ba si Zion at piniling pumunta sa isang bar sa ganitong oras?

Pero sa bilis ng pagkilos niya at galit na itsura niya ay duda akong pumunta kami dito para magpakasaya.

Malayo na sa akin si Zion, nandon na agad siya sa bar island nang may lapitan siyang isang lalaking nakadukdok doon. Ang akala ko ay iniangat niya ang lalaking iyon para tulungan umalis doon pero nagulat ako nang bitbitin ito ni Zion sa collar ng damit niya pagkaraan ay sinuntok ng tatlo sa mukha bago may umawat sa kaniyang babae.

Teka, parang pamilyar sila?

Binilisan ko ang paglakad ko, ang mga nasa paligid ay nakatingin na sa kanila dahil sumisigaw na ang babaeng sumampal sa kanya.

"Bakit mo siya sinuntok Zion!?" tanong ng babae sa kanya. Pamilyar siya pero hindi ko matandaan kung saan ko na naman siya nakita. Epekto ba ito ng gamot? Nagiging makakalimutin ako sa mukha ng mga tao sa paligid.

The Story After Death Do Us PartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang