REWIND 3: Broken Angel

13 3 102
                                    


"There goes my heart beating

'Cause you are the reason

I'm losing my sleep

Please come back now"

"Three months akong tulog..." hindi ba pwedeng habangbuhay nalang ako matulog? Ang sakit e.

Halos apat na buwan ang nasayang ko... Nakatingin ako ngayon sa kalendaryo, pilit inaalala ang ilan sa mga pangyayari bago kami... naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Pagkatapos kong akapin ang urn ni Trisha, wala na kong gana makipag usap sa iba. Ang tanging ginagawa ko nalang ay titigan ito, nagbabaka sakaling panaginip lang ang lahat, pero ilang araw na kong nakatitig, hindi ko na nga alam kung ilan... wala pa rin.

Marami ang nagsasabi na mas gugustuhin daw nila na wala nalang sa tabi nila ang taong mahal nila kaysa daw sumakabilang buhay ito... pero ako... ayoko pareho.

Sinong putanginang gugustuhin na mawala sa kanila ang taong mahal nila?

Trisha, bakit hindi mo nalang ako sinama?

Minsan kong tinignan ang pinaglalagyan ni Trisha, nagulat ako nang makita ko siyang nakangiti sa akin.

Iba pala ang nagagawa ng sobrang pagka-miss sa isang tao.

Alam kong wala na siya, pero sa araw-araw na ginawa mula nang makita ko siyang nakangiti sa akin, pinili ko nalang na laging mabuhay ang imahe niya. Dahil ito nalang ang dahilan ko para gustuhin ko pang gumising mula sa pagkakatulog ko sa gabi.

Gising ang diwa ko, pero patay ang puso ko...

Dumating nalang ang punto ng buhay ko na nagsawa na akong maglabas ng emosyon. Hindi naman pwede na manatili ng matagal dito si Zion para samahan ako dahil siya ay may trabaho at inaasikaso. Hindi ko nga alam kung bumili nalang siya ng eroplano dahil pabalik-balik siya dito at sa Pilipinas.

Napaniwala ko sila na kaya ko na mag-isa, ayoko na kasing dumagdag pa sa kanilang problema... Sa totoo lang, ayaw kong nakikita silang nag-aalala sa akin. Para kasing sa twing nakikita ko ang kanilang mga mata ay laging may mali.

Umuwi na kami sa bahay ng mama ko dito sa Singapore, sa mga unang araw ko rito, wala akong ginawa sa kwarto kung hindi titigan ang lalagyan ng taong mahal ko. Ginusto man nila na kunin ito sa akin pero hindi nila ito magawa, kaya't nagulat nalang ako isang araw nang may kumatok sa amin bahay para kuhain siya.

"Sir." Ngayon ko lang siya nakita ng personal, napalunok ako ng ilang ulit bago ko makita ang nanlilisik niyang mga mata. Sinisisi rin ba niya ako sa pagkamatay ni Trisha?

Nakita ko ang pag-ukom ng kanyang mga kamay... hinintay kong dumapo ito sa akin pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko kung paano ang isang makapangyarihan sa bansa ay nakaluhod sa harap ko at walang sabi ay humagulgol ng todo.

"Ang anak ko..." nakita ko si mama na agad lumapit sa kanya pagkaraan ay pinatayo siya, may pilit siyang binubulong dito pero hindi ko maintindihan. Anong nangyayari?

Pilit pinipigilan ng mama ko ang tatay niya pero lumabas pa rin ang gustong sabihin niya.

"Kung naghintay lang sana kayo! Sana mas matagal pa kayong nagsama!"

Ano bang gusto niyang iparating? Hindi ko siya maintindihan. Ang alam ko lang ay gusto siyang ipakasal sa iba ng tatay niya.

"Kung sumama lang siya sa Amerika noong sinabi ko... Sana buhay pa siya." Ang tanging nakikita ko nalang ngayon ay isang lalaking sa akin sinisisi ang pagkamatay ng anak niya. Kumulo ang dugo sa aking katawan. Hindi ba niya kayang maging masaya ang anak niya?

The Story After Death Do Us Partजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें