TOH Chapter 44: Their POV's

577 45 4
                                    

Gary's POV✨

🤵

"Wha-what the f*ck did just happened? A-ako lang ba nakakita 'nun?" rinig kong utal-utal na tanong ni Terrence sa'ming lahat na nakasaksi ng bago lamang sa'ming paningin kung kaya't kahit hindi ko tingnan ang mukha ng aking mga kasama, ay sigurado akong iisa lamang ang expression ng aming mukha.

Gulat.

Gulat na puno ng pagtataka na nakapagbuo ng maraming katanungan sa'ming isipan.

Pe-pero, ano nga bang nangyari, and the million dollar questions of all, WHERE THE HECK IS ASH KEITH!!! AND WHAT IS HAPPENING RIGHT NOW WITH FAITH!!!!

"Ca-calm down guys!! Ahm- ahmm, Ga-gary. May ideya ka ba sa nangyayari ngayon at kung nasaan si Ash? Maybe, baka nangyari na'to nung mga days na kayo pa ang magkakasama?" tanong sa'kin ni Erick na mabilis na nagpatingin sa'kin sakaniya.

Pinipilit niyang maging kalmado,  ngunit ang mga mata nito'y nagsisinungaling. Sa katunaya'y tulad naming natitira rito, ay kinakabahan rin siya kung kaya't hindi ko maiwasang mag-alala sakaniya. Gustong-gusto ko siyang lapitan ngunit hindi pa kami handang malaman ng iba ang katutuklas lang na sitwasyon namin.

"Wa-wala pa naman. Bago lang 'to na nasaksihan ko sakaniya kung kaya't hindi ko alam kung normal lang ba ang nangyari ngayon sakaniya o isa na naman itong pagsubok ng kagubatan," ang nasagot ko na lamang kay Erick.

"Eh, pa...pa..a..no si Fai...th? A..no..ng na..ng..ya..ri sa..kan..ya?  Ti...la na..gi..ng isa..ng man..ik..in i...to sa ti...gas at pag...ka..ka..tu..la..la," dagdag namang pangamba ni Celestina.

Hindi ko na nasagot pa si Celestina dahil tulad kanina'y, hindi ko rin alam ang nangyayari sakaniya.

"I-tatry kong tingnan ang internal condition niya, baka sakaling may makita ako," biglang suhestiyon ni Terrence na ikinatingin namin sakaniya.

Hindi na niya kami hinintay pang sumagot dahil agad itong tumungo sa tapat ng nakatulala habang naka-indian sit na si Faith na kanina lamang ay direktang nakatingin kay Ash.

Wha-?

Direktang nakatingin kay Ash?! May kinalaman ba ito sa pagkawala ni Ash at ang pagkatulala niya. Pe-pero, paano nangyari 'yon, eh mind reading siya di'ba? But still, sa pagkakatanda ko noong nagkwento si Ash sa canteen, that day until now, he's still a mystery kaya there's a possibility na baka may kinalaman siya rito.

Nasa state ako ng pag-iisip nang mahagip ng mga mata ko ang nakakasilaw na liwanag na nilalabas ng buong katawan ni Terrece at nang marinig ko ang malakas na sigaw nitong makikitaan ng matinding pagpipigil ng iniindang sakit.

Lalapitan ko sana ito kaso nga lang, sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay hindi ko maigalaw ang aking buong katawan. Wala na akong ibang nagawa, kundi ang pumikit at hayaang marinig ang sigaw nito.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Mabilis lang naman ang naging kaganapang 'yon kung kaya't agad kung iminulat ang aking mga mata pagkawala na pagkawala ng sigaw ni Terrence.

Napatulala at napatigil kaming lahat sa aming nasaksihan.

A-ano bang nangyayari rito ngayon! Kung kailan malapit ng matapos ang aming pagsubok rito, tsaka naman nagkakaganito ang mga kasama namin.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now