TOH Chapter 19: Challenging 1st Day Class

713 54 2
                                    

Aries Kurt POV✨

🤴


Dapat ko bang maramdaman agad ang bagay na iyon samantalang ilang araw ko pa lang siyang nakikita at nakakasama?!

Napakacorny mang isipin pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng selos kapag si Ice ang kasama niya. Lalo pa't nakita ko sakaniyang isipan dati ang mga tinging ipinataw niya rito. Walang halong pagnanasa kundi pagkagusto o pagmamahal.

Nadagdagan pa ito ng makita ko silang magkapatong sa labas kanina. Nang mga oras na iyon, ay tila pinutol ang aking dila dahil dapat susungitan ko sila pero naging duwag akong harapin ang katotohanang baka nga wala na akong pag-asa pa sakaniya.

Hindi naman talaga ako naniniwala sa love at first sight pero sa love at many sight, pwede pa kase pag araw-araw ko siyang nakikita, feeling ko wala ako sa sarili ko. Feeling ko hindi na ako ang dating ako.

Dito na ako dumiretso sa mesa ng kitchen area para hindi makita ng kasamahan ko kung gaano kahina sa usapang pag-ibig pero mukhang may ideya naman na sila dahil sa nangyari noon.

Ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa upang malihis sa aking isipan ang nakita ko kanina.

Maya-maya lamang ay nakarinig ako ng ingay sa labas. Mukhang pumasok na sila rito sa loob. Akala ko didiretso na agad siya rito pero sampung minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin ito.

Hindi ko mapigilang mainis o magalit. May responsibilidad siyang ipinangako pero hindi niya tutuparin?! Magsama sila ng yelo na yun!

Again, balik ulit ako sa ginagawa ko ngunit dinig ko pa rin ang malalakas na tawa ng mga tao sa  labas. Tss!

Limang minuto pa ang lumipas, ngunit wala talagang dumating. Pinupuno talaga ako ng Keith na yun ah!

Akmang tatayo pa lang ako ay siya namang pagpasok ng isang pigura ng tao. Isang nilalang na kanina ko pa hinihintay. Ngunit bago pa ito lumingon at magkasalubong ang aming mga mata ay ibinalik ko ang aking tingin sa aking ginagawa.

Imbes na galit, singhal, at inis ang ipakita ko sakaniya, napalitan ito ng pag-aalala. Ano bang nangyari at bakit may bakas ng natuyong luha sakaniyang pisngi?
Maputi man siya pero kitang-kita pa rin ito dahil sa kinis ng kaniyang balat. Dinig na dinig ko pa ang tawanan nila kanina tapos ito umiiyak?! Sinong nagpaiyak sakaniya?

Tinanong ko naman siya kung sino ang may gawa nito pero hindi ito sumagot kaya nakaramdam ako ng inis. Nakita ko siyang nakatayo pa rin kaya pinaupo ko na lang siya.

Okay na sana ang lahat pero he added a fuel to the fire. Wtf! Ayaw ba niya akong katabi at talagang pupunta pa siya sa kabilang side.

Bago pa mangyari iyon ay hindi ko sinasadyang masigawan siya ng malakas. Nakita ko pa nga ang pag-atras nito at pagkagulat. At dahil mapride ako, hindi ako nakapagsorry man lang! Arghhhh!

Umupo na lang ito at tinanong kung ano ang gagawin niya. Inabot ko naman ang dalawang bundle ng papers na isosort out niya pagkatapos ay kunyari akong bumalik sa aking ginagawa.

Nakita ko ang pagiging balisa niya na tila may gumugulo sakaniyang isipan. Sinubukan kong muling basahin ang kaniyang isip ngunit katulad pa rin ng nauna ay parang nakuryente ako pagkatapos ay ibinalik ako nito palabas. Arghh! Paano niya kase nagawa yun?!

Ilang saglit lamang ay nagtanong ito na baka hindi daw niya matapos lahat ng iyon. Sinagot ko naman ito pero muli itong sumagot na ikinainit ng ulo ko dahil hindi ko maiwasang maisip si Ice sa sitwasyon iyon. Muli ko na naman siyang napagalitan pero mukhang wrong move na naman ang ginawa ko. Pasimple akong lumingon sakaniya at nakita ko ang kaniyang pagyuko dahil sa aking inasal.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now