TOH Chapter 4: The Transferring

1.2K 94 1
                                    

Keith Ash POV✨

🧝

Hindi ko alam kung anong oras ako nagising mula sa pagkakatulog. Basta naramdaman ko na lang na parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Para bang nakalutang ako o kaya ay hinehele ng kung sinuman. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata upang makita ng malinaw ang paligid.

Madilim ang buong silid kung kaya't nagtungo ako malapit sa may pintuan para iswitch on ang ilaw. Tanging mumunting sinag lang ng buwan ang makikita dahil sa bukas ang bintana. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa tuwing susubukin kong mahawakan ang switch, lumulusot lang ang aking mga kamay sa dingding. Kumurap-kurap ako muli baka kase baka nanaginip lang ako. Ilang try pa ang aking ginawa ngunit wala pa ring pinagbago.

Nilibot ko ang aking paningin. Ayun! Nahagip ng aking mga mata ang bintana, buti na lang hindi nakababa ang kurtina. Agad akong nagtungo dun dahil sapat na ang liwanag na yun para sa aking gagawin. At dahil sa liwanag ng buwan, napagtanto kong nakalutang pala ako. Yes, nakalutang. Wahhhhhhh! Multo na ba talaga ako. Grabe naman tong nangyayari sakin. Kaya pala feeling ko ang gaan-gaan ko not because of my slimness.

Nakita ko sa may bintana ang isang suklay, singsing at lapis. Isa-isa ko itong tinry na hawakan ang tatlo ngunit wala talagang nangyayari. Siguro nga patay na ako. Pero kung patay na ako, hindi ba't dapat nasa heaven na ako, bakit nandito pa rin ako.

Tumalikod na ako bintana kung kaya't ngayo'y nasa harap ko na ang isang gilid ng aking kama. Habang nag-iisip ako sa sitwasyon ko ay nahagip ko ng aking mga mata ang pigura ng isang nilalang na nakahiga sa aking kama.

Kinakabahan man ay walang dalawang pag-iisip na dahan-dahan akong lumapit sa kama ko. Wala naman kase akong kasama sa silid na ito. Atsaka kung meron man sana naman sinabihan ako nung Clemont na yun. Haysst.

Nakalapit na ako sa mismong kama at ang tanging problema na lang ay ang kumot na nakatalukbong sakanya. What a coincidence, parehas pa kami ng way of sleepping. Weird. Di bale na. Pumunta ako sa kabilang side upang makita ang nagmamay-ari ng katawang 'to, pero maling desisyon pala ang gawin ang bagay na'yon.

Nakakagulat, nakakagimbal at nakakatakot. Sino ba naman ang hindi makakaramdam nun, kung  nakikita mo sa harap mo ang buong SARILI MO. Wahhhh! Ano bang nangyayari. Anong kababalaghan ang nangyayari sa buo kong katawan. Una, lumulusot ang mga kamay ko sa dinding. Pangalawa, lumulutang ako tapos eto naman ngayon na narealize kong wala lang ako sa katawan ko. Pero bakit? Paano nangyari Yun? May sakit na ba ako? O baka panaginip lang talaga ang lahat. Argggg! Nababaliw na ako.

Para na akong baliw na nililibot ang buong silid sa pag-iisip kung paano ako makakabalik sa katawan ko. Pag lalapitan ko naman ang katawan ko, parang may barrier na nagpoprotekta rito at ayaw ako palapitin. Hala, ano na gagagwin ko.

Habang nag-iisip ako ng mga posibleng solusyon, isang matingkad na kulay lilang liwanag ang biglang pumasok sa nakabukas kong bintana na nanggagaling sa kung saan man. Nakaksilaw kung kaya't napatakip ako sa aking mata. Tumagal rin ito ng mga ilang segundo bago mawala. Nang mawala na ang ilaw sa bintana ay tsaka naman ako sumilip para tingnan kong ano ang nangyari at saan nanggaling ang liwanag na yun.

Sa kadahilanang curious person ako at nagkataong nakalulutang ako sa ere, wala ng pasekalye akong tumungo sa liwanang without knowing kung ano ang naghihintay sa akin dun. Mula sa taas ay kitang-kita ko ang buong Skylar Academy. Malawak nga talaga ang sakop ng lugar nato. So habang binabagtas ko ang daan, napapansin kong mukhang pamilyar ang aking nadaraanan kase parang nakapunta na ako dito. Kung tama ang hinala ko, ang liwanag na iyon ay galing sa likod ng walls na gustong-gusto kong puntahan.

Narating ko na ang napakataas na gate nito at napansin ko ang isang karatula na nakasabit rito.

'Warning: The Forest of N is dangerously prohibited for all students; either Sol Ordinary or Luna Granted.'

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now