TOH Chapter 21: Fearsome Disadvantage

701 59 4
                                    


A/N: Authors and readers, I just want to clear po sa POV ni Celestina na magiging tuwid ang sinasabi ng utak niya pero pag sumasagot siya sa telepath ni Ash katulad noong naunang chapter, putol-putol. Thanks ☺️

✨✨✨✨✨

Ash Keith POV ✨

🧝

"Teka guys! Parang kanina pa tayo pabalik-balik sa daang ito? Look oh! Kanina ko pa nakikita ang big tree na yan!" biglang wika ni Faith sabay turo sa punong tinutukoy niya.

Lahat naman kami ay napatigil sa paglakad pagkatapos ay tiningnan rin ang punong sinasabi niya.

"Ano bang ineexpect mo sa forest bakla? Building! Baka guni-guni mo lang yan kase kanina ka pa nakaka-saw ng tress, like duh!" maarteng tugon naman ni Eon sakaniya.

"Hindi no! I'm sure of it! Ganito na lang pustahan tayo ano bakla!" paghahamong sagot Faith.

"Go for it girl!" palabang sagot ni Eon.

"Pag tama ako, ikaw magiging atm ko for one month pag ikaw naman ang nanalo, anong gusto mo?!" tanong nito kay Eon.

"Mamumulubi pa ata ako sa'yo pero bet ko rin yan girl! Ihanda mo na wallet mo, dahil bubutasin ko yan hahahaha!" pakontrabida nitong sagot.

Natigil naman siya sa pagtawa ng biglang magsalita si Gary sa unahan.

"Baby Eon, ikaw baka gusto mong butasin kita!" mapangakit nitong tanong kay Eon sabay kindat rito na ikinatawa ng lahat maliban sa akin at kay Faith na kanina pa umalis nung time na tumatawa pa si Eon tapos pinuntahan ang punong tinutukoy niya.

Butasin? Kaya ba yun ni Gary?!

"Tse! Bastos!" singhal naman ni Eon kay Gary.

Tumawa lamang si Gary at nakipagapir naman sakaniya si Terrence at Keith. Nagkakasundo talaga ang tatlong to, walang duda!

"Kaya mo siyang butasin Gary? Paano?" bigla kong tanong sakaniya.

Napatingin naman ang lahat sa'kin ng magtanong ako Kay Gary.

"Ah...eh frenny metaphor lang yun! Butasin means...ahmm bugbugin ng sobra! Oo yun nga, right Gary?!" hindi tuwid na sagot ni Eon sabay baling kay Gary na nakatingin lang sa amin. Actually, silang tatlo na boys.

Hindi pa rin siya sinasagot ni Eon kaya kinuha niya ang pansin nito sa pamamagitan ng pagtikhim.

"Ehem Gary! Iyon yun diba?!" may kalakasang tanong nito kay Gary.

"Ahm...oo, yun nga..bu..butasin means sobrang bugbug......sa kama," sagot nito pero hindi ko narinig ang huli nitong sinabi dahil parang bulong lang pero nakita ko ang pagngisi ng dalawang lalaki sa tabi niya. Weird!

"Okay! Akala ko kung ano na. Nakakatakot naman pala magpabutas. Siguradong sasakit katawan ni Eon pag binutasan mo siya Gary! Ang laking-tao kaya ni Gary! Hehehe!" pang-aasar ko kay Eon sabay ngisi.

And again, sobrang tawang-tawa sina Erick at Terrence. Sina Celestina naman at Cynthia ay pinipigilang tumawa ng malakas sa pamamagitan ng pagtabon ng kamay nito sakanilang mukha. Si Eon at Gary naman ay halos mangamatis na sa pula ng pagmumukha. Bakit naman sila namumula? Kay Eon lang naman ako nagjoke ah.

"Ash! Stop ta...lking! Hahahah! I can't take it any...more!" sabi ni Terrence habang tumatawa.

Huh? Ganun ba nakakatawa ang joke ko? Ang babaw naman nila masyado! Hindi ko na lang sila pinansin at hinintay na lang si Faith. Bahala silang tumawa diyan!

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now