TOH Chapter 32: Unlinked/Unconnected

535 49 0
                                    


✨Ash Keith's POV✨

🧝

"Hey! Frennyy! Masakit pa ba ulo mo?" tanong sa'kin ni Eon.

"Hindi na masakit Eon. I think, dahil lang ata sa pagod at gutom," nakangiting tugon ko sakaniya.

After kase ng biglaang pagsakit ng aking ulo, ay pinagpahinga muna nila ako ng ilan pang minuto bago magpahinga, atsaka tapos na rin naman akong kumain kaya sinunod ko na lang ang gusto nila para makapagpahinga kaming lahat.

At paara hindi kami maboring habang nagre-regain ng energy ay pinag-usapan na lang namin ang mga naging kaganapan kanina lamang, pati na rin ang planong isiniwalat ni Terrence na ayons sakaniya, ay easiest way to get out in that mess.

"So guys, paano pala ako nagising? Ang alam ko lang kase ay iniyakan niyo akong lahat dahil akala niyo patay na ako," natatawang wika ni Gary.

"Pa-paano mo namang nasabi na iniyakan ka namin?! In your dreams kapre!" pagtataray ni Eon sakaniya na ikinangiti niya lamang.

"Simple, I heard everything! Gusto mo repeat ko pa ang sinabi mo habang umiiyak ka Baby Eon?" nang-aasar na wika naman ni Gary.

Inismiran lang ito ni Eon pagkatapos ay ibinaling ang paningin sa natatawang itsura ni Terrence.

"Akala ko ba he is in death sleep Terrence? Paano niya narinig ang mga sinabi namin?!.......Nakakahiya geez!" nahihiyang tanong ni Eon kay Terrence.

"Hindi ba't sinabi ko Eon na ang side effects ng bulaklak ay inability to speak orally and telepathically at body paralyzing.   Yeah! He was in death sleep earlier but I forgot to say that, active pa rin ang consciousness niya kahit na isinumpa siya," wika ni Terrence sabay kamot sa kaniyang batok.

Ahhh! Kaya pala ganun na lang ang naging reaksyon ni Gary kanina kay Terrence dahil sa sinabi nitong wala na siya as a part of Terrence plan.

"Nasumpa? I thought nalason ako? Iyon ang sinabi mo diba?" tanong ni Gary kay Terrence na sinang-anguyan naman ng lahat.

Hindi muna ito sumagot bagkus ay huminga muna ng malalim bago magsalita.

"Syempre, nataranta na ako nun Pre dahil sa muli kong nakita ang bulaklak na'yon, tapos kapit-kapit mo pa. I was worried sick dahil parehas kayo ng sinapit ng kapatid ko noon and I don't want to experience again the feeling of losing special  someone to me again because of my carelessness kaya umisip agad ako ng plano para hindi magtagal sa'yo ang sumpa," direktang sabi ni Terrence na ikinatahimik naming lahat ng ilang segundo.

I think he is talking about his heavy baggage na bitbit-bitbit pa rin niya hanggang ngayon which is aksidente kong nakita sa kaniyang isipan habang nagkukuwento siya kanina sa'min.

Madali ko na lang nakilala ang mga taong kasama niya sa ala-alang iyon dahil sa pangalang ginagamit ng bawat isa.

Ang tinutukoy kong heavy baggage niya na nakapatong sakaniyang balikat ay ang pananatili niyang pagsisi sakaniyang sarili dahil sa nangyari sa kapatid nito at ang kagustuhan niya itong makita kahit na ayaw ng kaniyang Papa.

"Nukaba Pare! Oks lang yun sa'kin! Tingnan mo, mabilis na gumana ang idea mo at super effective pa! Pero natouch naman ako na special person na pala ako sa'yo Pre huh! Kinikilig naman ako! Yieee!" nakangiti at naka-akbay na wika ni Gary kay Terrence sabay gulo ng buhok nito.

Natawa na lang kaming lahat sa inasta ni Gary kay Terrence. It's a good thing naman para maliko ang usapan kase hindi ko alam kung ready na ba siyang ikwento sa mga kasama ko ang lahat.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now