TOH Chapter 3: N?

1.2K 94 4
                                    

✨Keith Ash POV✨

🧝

"Mabuti na lang wala pa ang headmistress. Maghintay na lang tayo, siguro nagpapahinga o kumain lang yun para alam mo na pasikot-sikot dito" sabi ng lalaking pumosas sakin.

Well, nandito kami ngayon sa headmistress daw. Kainis lang kase talagang namula yung pulsuhan ko nung tinanggal yung posas sakin pagkarating namin dito sa office.

Pagkapasok pa lang namin ng office, isang tipikal na silid lang ang bumungad sakin. Hindi naman siya kaliitan, sakto lang. Sa pinakanggitnang bahagi ay makikita ang isang maliit na mesa na napalilibutan ng apat ng couches. Then sa pinakang front ay ang main desk ng headmistress. Pataas siya actually. Mga 6 steps na mini stairs na pataas, basta ganun. Nakuha naman ng atensyon ko ay ang maliit na aklatan mayroon ito. Ang daming aklat na pwedeng basahin.

Ngayon ay nakaupo na kami sa isa sa mga couches sa center. Hinihintay na lang ang headmistress na matapos sa kung anuman ang kaniyang ginagawa.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang isang magandang babae. Siguro mga 20+ lang ata to. Maputi at makinis ang balat, matangos ang ilong at may mapupulang labi kaso nga lang nakareading glass. Siguro malabo ang mata. Agaw-pansin ang kaniyang blondie na buhok. I love it.

"Oh, Mr. President I'm surprise that you're here," sabi ng headmistress sabay tumingin sakin, mga 3 seconds lang tapos balik ulit sa lalaking ito. "Another rule breaker?" tanong niya.

President pala tong lalaking to kaya pala ang lakas ng loob na posasan ako. Tapos kaharap ko pa ang headmistress. It's enough for the 1st day. Sorry po Lord.

"Goodmorning headmistress. Paano ko po ba to sasabihin" sabay kamot sa batok niya.

"Before that, let's have a seat first Sorry my bad," sabi niya sabay tungo sa main desk niya. Umupo siya siya kaya umupo rin kaming dalawa sa harap niya.

"So, I was saying po, these young lad here is a new student po at the same time a rule breaker. Hindi ko po kase mabigyan ng punishment kase bago pa lang," ani ni Mr. President.

"At ano namang rule ang sinuway niya na dapat niyang malaman na hindi dapat labagin?"

"Bubuksan lang naman niya po sana ang gate ng mahiwagang puno ng oak tree" sabi ni Mr. President

Tumingin sakin ang headmistress at tinitigan ako. Mabilis lang naman. Nakakaconscious lang.

"I'm Calla Athena Ruin, the Headmistress of Skylar Academy by the way. The question is 'Who are you?!" tanong nito habang nakataas ang kilay habang diretsong nakatingin saking mga mata. Kitang-kita ko ang kulay berde nitong mga mata.

Lumingon ako kay Mr. President at ganun din ang reaksyon niya kay headmistress. Nakaguhit sakanilang mga mukha ang pagtataka. Wala na akong choice kaya sumagot na lang ako.

"Hmm, ako nga po pala si Keith Ash Mendez. Sorry po pala dun sa mga rules na nalabag ko. Nag-explore lang po ako kase wala pa po akong kakilala dito eh. Yung kilala ko naman po, iniwan na lang po ako sa silid ko," salaysay ko sakaniya.

"Gusto ko lang itanong, babae ka ba o lalaki?" tanong sakin ng Mr. President.

"Hmm, lalaki ako," sabay yuko na parang nahihiya.

"Lalaki ka?!" gulat na sigaw ni Mr. President. "You look like a girl kase eh."

Napatawa na lang ako sakanyang sinabi. Natigil lamang iyon ng biglang nagtanong na naman ang headmistress sakin. This time, in a serious tone na.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now