TOH Chapter 46: Six Superior Siblings Part 2

743 55 20
                                    

Keith Ash POV✨

🧝

Mula sa sinabi ni Sir Noel, ay hindi ko napigilang makaramdam ng takot. Isama pa ang seryosong titig nitong ipinupukol sa'kin na tunay nga namang nakadaragdag ng kaba ko ngayon.

Kung tunay nga ang winika nito, sa paanong paraan naging masama ang huling Panginoon? Atsaka, nalilito pa rin ako sa sinabi nitong may iisang katawan, ngunit pito ang......... katauhan? Is that even possible? Kase, kung kung ibe-base ito sa siyensya, agham at medisina, ang tanging naiisip ko lang na maihahalintulad dito ay ang disease case na mental behavior ng tao na tinatawag na Multiple Personality Disorder. Pero, 'yon nga ba 'yon o hindi?

"Ano pong ibig niyong sabihin Sir Noel sa huli niyo pong sabihin? Atsaka paanong sa huling supling po nagsimula ang lahat ng kaguluhan?" interesado kong tanong rito.

Bumuntong-hininga muna ito ng malalim bago sumagot, na ikipinagtaka ko naman.

"Tulad ng sabi ko kanina, ang huling supling na'to ang nagbigay-daan sa pitong nakamamatay na kasalanan, na kasalukuyang nararamdaman at nararanasan ng lahat na tao sa mundo. Sa anong dahilan? Sa kadahilanang, naipamana ito ng babaeng nagluwal sakaniya, ang kaniyang ina. Idagdag pa na sa unang iyak nito, ay siya ring pagkalagot ng hininga ng ina ng unang henerasyon ng mga Panginoon," tugon nito na ikinagulo ng isip ko.

Ang huling supling ang nagbigay-daan sa kasamaan, and the reason ay dahil namana niya ito sakaniyang ina? Pero, bakit naiiba ang namana nito, kaysa sa naunang lima and ano 'yong namana nito na related sa kasamaan? Atsaka, ibig ba niyang sabihin sa last part, ay sa pagsilang ng sanggol, ay siya namang ikinamatay ng babae? Argghh! Ang sakit na sa ulo ng maraming katanungan!

"Ahmmm, ano po ba ang naipamana ng Bathala o ng ina nito na nagbunga ng iba't-ibang uri ng kasamaan? Tulad ng sabi niyo po Sir Noel," curios kong tanong sakaniya.

"Ang tanging namana lamang nito sa Bathala ay ang pagpapalit wangis, anuman ang gustuhin nito - mapahayop, bagay, o tao, at dahil dito'y napangalanan siya ng Bathala ng taguring 'Panginoon ng Kasamaan' ngunit ang hindi alam ng Bathala ay nakakuha rin ng kapangyarihan ang bawat katauhan na naninirahan sa katawan ng huling supling. Paano? Dahil sa kasamaang-palad ay naangkin nito mula sakaniyang ina ang lahat ng hinanakit, galit, poot at iba't-ibang uri ng negatibong emosyong naipon niya mula noong abusuhin ang kaniyang pagkababae ng Bathala," tugon nito sa'king tanong.

Ewan ko ba pero hindi ako nasasatisfied sa sagot ito. I'm looking for something na impormasyon. Ano kaya 'yon?!

"Alam kong may mga katanungan ka pa, aking tagapagmana, kaya hayaan mo akong liwanagin ang lahat sa'yo habang may oras pa," sagot nito sa'king isipan na nagpagulat sa'kin.

Nakalimutan kong nakababasa din pala siya ng isip, hehehehe! Pero anong ibig niyang sabihin sa 'habang may oras pa'? May time limit ba ang paglalagi ko rito?

Nawala na ang kulay violet na hugis mata sa'ming harapan, pagkatapos ay bigla namang lumitaw ang isang hindi matukoy na nilalang. Ba-bakit ganito ang itsura nito?!!

"Siya ang bunga ng mga naipong negatibong emosyon na nagdudulot ng kaguluhan sa kasalukuyan. Ang ngalan niya ay Nomed, ang huling supling na may pitong katauhan," pagbibigay-alam ni Sir Noel.

Ang nasa harapan ko kase ngayon ay isang pigura ng tao na may balat na kulay itim. Nababalutan rin ito ng iba't-ibang salita sa katawan at ilang parang kaliskis ng hayop.

Ikinumpas paikot ni Sir Noel ang kaniyang kanang kamay na naging dahilan upang magpalit-anyo ang kaninang nasa harap namin.

Kung kanina'y isang hindi matukoy na nilalang, ngayon naman ay dalawa na itong hindi maitatangging may magandang pangagatawan at nakaaakit na mukha. Isang babaeng sexy na sobrang ikli kong manamit at isang lalaki na half naked at tanging short lang ang suot kung kaya't kapansin-pansin ang pinagyayabang nitong mga abs at ang bagay sa pagitan ng mga hita nito. Jusko! Naalala ko tuloy si Gary! Hahahah!

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now