TOH Chapter 41: The Power of Friendship

543 61 4
                                    


✨Ash Keith's POV✨

Habang wala pang nagsasalita sa'king mga kasama ay grinab ko na ang opportunity para makausap siya telepathically.

"Hey Selene! Anong ginagawa mo rito? Bakit nagpapakita ka sakanila?" - Me to Selene's Mind

Nakuha ko naman ang atensyon nito kung kaya't hindi ako nabigo sa sagot na nais kong makuha sakaniya. Napahanga pa nga ako dahil habang sumasagot siya, ay nakangiting nakatingin ito sa'king mga kaibigan.

"Sa ngayo'y ituring mo muna akong tagapangalaga ng accuma Ash, dahil iyon naman talaga ang aking responsibilidad, bukod pa sa pagiging Horsemen. Tsaka ko na lang ipapaliwang sa iyo ang katotohanang ito sa oras na ako'y muling iyong tawagin. Nawa'y mapili ng dalawa mo pang kaibigan ang tamang accuma na nakalaan para sakanila" - Selene to My Mind (happy tone)

Dahil sa narinig ko sakaniya, ay agad kong inalis sa'king isipan na hindi muna siya Horsemen, kundi isang tagapangalaga ng mga accuma na hindi ko man lang alam.

"Nagagalak ako dahil nararamdaman kong dalawa na lamang sa inyo ang wala pang accuma ngunit ikinalulungkot ko naman na tanging ang dalawang iyon lamang ang pwedeng pumasok sa loob upang masigurado na rin ang seguridad ng mga accuma," mahinahong wika ni Serena.

Matapos sabihin ni Serena ang mga katagang iyon, ay napatingin kaming magkakaibigan kay Cynthia at Eon.

"Hala! Paano na'to? Keri ko ba ang pagpili out of three hundred plus na accuma? My God! Bathalang Arcues help me!!" may kabang litanya ni Eon.

"Shhh! Chill ka lang bakla! Just take your time, hindi ka mauubusan ng oras okay?!" paalala ni Faith sakaniya.

"Baby Eon, relax lang okay. Kaya niyo yan ni Cynthia. May tiwala kami sainyo. Stay calm and wag magmadali," paalala naman ni Gary kay Eon.

"Alam kong kinakabahan ka Cynthia, pero we know na makakaya mo'to! We strongly believe in you two, kaya wag kayong panghinaan ng loob," wika naman ni Terrence kay Cynthia.

"Oo nga, matapang at matalino ka Cynthia samantalang ikaw naman Eon at mapamaraan kung kaya't gamitin niyo yun para makuha ang inyong mga accuma," nakangiting wika naman ni Erick sa dalawa.

"Na...way mag...ta..gum..pay ka..yo sa pag...pi...li ng in..yo...ng acc...uma. Ma...ni...wa..la ka..yo sa in..yo...ng sa...ri..li da..hil na..ni..ni...wa..la rin ka..mi sa.. inyo," nakangiting wika naman ni Celestina.

Habang nagbibigay ng pagpapalakas-loob ang aking mga kaibigan ay hindi ko mapigilang mapangiti kung kaya't sa konting kaalaman ko sa pagpili ay gusto kong ishare ito sakanila ngunit kailangan ko ng pagpayag Mula sa nagsabi nito sa'kin.

Muli kong tiningnan si Serena na lumilipad habang nakangiting nakatingin sa'king mga kaibigan, pagkatapos ay kinausap siyang muli telepathically.

"Serene, gusto ko sanang sabihin ang sinabi mo sa'kin noon sa pagpili ng aking accuma ngunit nais kong malaman ang iyong desisyon tungkol rito" - Me

"Walang problema sa akin iyon Ash dahil nakikita ko naman sakanila ang kabutihan sakanilang puso. Masaya ako dahil napunta ka sa mga taong hihilahin ka sa mabuting mundo, kung kaya't pumapayag ako Ash,"  - Selene (happy, agreeing)

Matapos kong marinig ang mga katagang 'yon sa'king isipan ay dali-dali kong pinuntahan ang pwesto ng dalawa. Nakita ko kaseng papasok na ito ng pinto. Baka dahil sa sobrang kaba, ay hindi na nila namalayang hindi pa ako nagbibigay ng pagpapalakas ng loob.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now