TOH Chapter 20: Golden Feather

689 63 1
                                    

Ash Keith POV✨

🧝

Naging maayos at mapayapa naman ang unang labing-limang minuto naming paglalakad. Hindi ko alam na ganun pala kalayo ang nipa hut na iyon kung lalakarin. Hindi ko naman alintana ang nakaraan kong pagpunta rito noon dahil sobrang focus ako sa bolang liwanag.

Mabuti na lamang at hindi naging boring ang aming paglalakad dahil sa mga bangayan at asaran na nagmumula sa grupo na pinangungunahan nina Eon, Faith, at Gary. Nagsimula lang naman ito nang biglang tumalak si Eon.

"Arghhhhh bakit ganito ang mundo! Nasa hulihan na nga tapos nakakapagod pa maglakad tapos ang panget pa ng katabi ko! Huu triple kill! Ano to sumpa!" sigaw niya habang nakatingin sa itaas na may kasamang kunyariang iyak.

Natigil naman ang lahat sa paglalakad sabay tawa maliban na lamang sa katabi nitong nakatingin sakaniya ng matalim na titig.

"Hoy bakla! Anong panget! Mas maganda pa kaya ako sa'yo noh! Atsaka hindi ba't sabi mo ayaw mo sa unahan kase baka igang-rape ka ng mga hotties! Echosera ka! Lakas ng amats mo girl!" sigaw rin ni Faith kay Eon na ikinatawa ng mga kasama ko. Hindi ko naman kase alam ang sinasabi ni Faith. Gang...gangrape ba yun?

Sasagot pa lang sana si Eon kaso naunahan na agad ito ng mapang-asar na wika ni Gary.

"Baby Eon, matagal naman na akong free ah! Gusto mo pala may kasama tayo sa paglaro ng apoy! I like that wildness of yours," wika ni Gary sabay kindat at ngisi kay Eon.

"In your wildest dreams kapre! Hindi naman kase ata ako mageenjoy diyan dahil it's too small kaya, hahahah!" sagot naman nito kay Gary.

"Oh-ooww!" wika naman ni Terrence na ikinapagtaka ko.

"Naliitan ka pa sa six inches ngunit tulog pa? Baka hindi mo kayanin kapag pinasaludo mo to ng sobrang tirik," nakangising wika naman ni Gary.

Napawow naman si Faith sa narinig. Nanlaki naman ang mga mata ni Cynthia at Celestina at mukhang nag-eenjoy pa ang Erick at Terrence sa kanilang pinapanood.

"Ahhh! Pag usapang ganito, nanghihina ako sa sinasabi ng kapre na'to! Humanda ka sa'kin!" - Eon's Mind

"Hindi naman masarap! Iniwan ka nga ng babae sa dorm mo diba! Hahaha!" maarteng tugon ni Eon sabay tawa.

"Dude, totoo ba yun? Mahina ka pala eh! Dapat tayong boys ang nang-iiwan sa kama eh!" tanong naman ni Terrence kay Gary. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. Mukhang sasabog na ang isang Shaw!

"Umalis kase hindi nakayanan ang haba.....taba....at laki! Ikaw nga ang gusto kong itry next eh! Tingnan natin ang tapang mo Baby Eon!" sabi ni Gary sabay ngisi ulit pero this time may pakagat-labi na siya. Napatawa naman ang dalawang lalaki na ngayo'y nasa tabi niya.

Mukhang 3 vs. 1 ang labanan. Panindigan mo yan Eon, hahahaha!

Nakita ko ang paglunok at paglaki ng mata ni Eon sa sinabi nito.

"Malaki......? Mataba......? Mahaba.......? Arghhh! He's lying!" - Eon's Mind

At yun na nga ang naging hudyat ng kanilang walang hanggang awayan. Okay na rin siguro dahil pambawas boredom dahil minsan ay natatawa rin naman ako sa patutyada ng dalawa. Kahit talaga paglayuin, talagang magsasalubong ang apoy at tubig.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now