TOH Chapter 11: First Horsemen Part 2

827 65 2
                                    

Ash Keith POV✨

🧝


"Ayos na ba ang iyong kalagayan tagapag-mana?" nag-aalalang tanong sa akin ni Serena pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata.

Nakahiga na pala ako ngayon sa isang parihabang higaan na nalalatagan ng malalaking dahon na komportable sa katawan.

"Ah, oo ayos lang ako. Ano bang nangyari Serena?" may pagtataka kong tanong kahit na may ideya na ako kahit konti.

"Kanina lang ay nawalan ka ng malay dahil nasobrahan ka sa paggamit ng iyong majicus. Pasensya na pero hindi ko nalabanan ang lakas mo," paglalahad nito sakin.

"Okay lang Serena subalit ako ang dapat na humingi ng kapatawaran sa'yo dahil sa ginawa kong pagpasok sa iyong isipan pero promise, hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko kase kontrolado ang kakayahan ko," paghingi ko ng paumanhin sakanya.

"Wala yun. Masaya nga ako dahil parang gumaan ang pakiramdam ko. Isa itong sikreto ng pagiging horsemen ko, kung paano ako napili ni Bathalang Arceus para maging instrumento ng kapayapaan. Naging kabayaran ko'to dahil sa pagiging makasarili ko," masayang turan nito sakin.

"Pero tanong ko lang, ano bang nangyari noong nasa hardin ka? Doon kase ako biglang hinigop ng malakas na pwersa, hehehe!" mahinahong tanong ko kay Serena.

Totoo naman. Lilingunin ko pa lang ang itsura ng kausap niya sa kalangitan pero hinigop na ako palabas sa ala-ala niya.

"Hanggang doon pala ang nakita mo tagapag-mana. Nagagalak ako dahil alam mo kung gaano ako nagsisisi sa aking ginawa," turan nito sakin.

"Sa hardin na iyon, ibinuhos ko lahat ng hinanakit ko sa aking magulang at sa aking kapatid. Pinagsisihan ko rin doon ang aking ginawang kasalanan sa aking nakababatang kapatid at sa aking kalahi. Saksi ang hardin na iyon kung paano lubos na naapektuhan ang aking estado ng aking emosyonal at mental na aspeto," pagbabalik-tanaw nito sakin.

"Sigurado akong napatawad ka na ng iyong kapatid Serena dahil alam niyang nagsisisi kang lubos sa pagkakakamaling nagawa mo at siguro iyon ang naging dahilan kung bakit ka napasama sa four horsemen. May nakita sa'yo ang Bathala na wala sa iba," nakangiting turan ko sakanya.

Ngumiti siya sa sinabi ko pagkatapos ay itinuloy ang kaniyang pagku-kuwento.

"Nasa kalagitnaan ako ng pag-dadalamhati nang biglang magpakita sa akin ang isang mukha sa kalangitan. Matapang ang kaniyang mukha pero ang mata'y kakikitaan ng kabutihan. Nagpakilala siya sakin bilang Bathalang Arceus. Sinabi niya sa akin na lubos siyang nadisappoint sa aking ginawa. Galit na galit siya sa akin dahil sa ginawa ko, nag-aabang ang isang digmaan sa pamamagitan ng fairies at mga tao. Nagtaka ako nung una sakaniyang sinabi pero ipinaliwanag niya ito. Nakita niyang mangyayari ang digmaan sa hinaharap kung kaya't sobra akong nabahala," malungkot na pagpapatuloy nito sa kuwento.

"Ano ginawa mo pagkatapos? For sure sinabihan mo sila about dun," turan ko naman sakanya.

Natigil siya sa aking tinanong. Hindi ko naman alam kung bakit.

"Sa totoo lang, gustong-gusto kong sabihin sa aking mga kalahi lalo na kay ama't ina pero iyon ang parusang ipinataw sa akin ni Bathalang Arceus," saad nito.

"Parusa? Ano naman parusa?" tanong ko ulit sakanya.

"Ang hindi sabihin sakanila ang nalalapit na digmaan. Ang pagbayaran ko ang kasalanan ko sa paraang ang aking mga kalahi ang kailangang magbuwis ng buhay. Nung una, syempre hindi naman ako makapagreklamo dahil Bathala na ang nagsabi pero ang mga dumating na araw ang sumbok sa aking pasensya at hangarin. Sa bawat araw na dumadaan, lima hanggang sampung mga fairies at dalawa hanggang lima ang namamatay," dugtong pa niya sa kwento.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now