TOH Chapter 5: Ayala Sibling

1.1K 84 1
                                    

 
✨Keith Ash POV✨

🧝

Napakalinis at puting-puting silid ang sumalubong sa aking paningin ng imulat ko ang aking mga mata.

Nasaan ako? Bakit ako nandito?

Ibinangon ko ang aking pang-itaas na katawan at pumosisyong nakaupo. Inilibot ko ang aking paningin upang makita kung may iba pang tao rito sa silid. Sa kasamaang-palad ay wala man lang kahit isang nagbantay sa'kin.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil kahit dito pala wala man lang akong naramdamang pagpapahalaga.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. May nakita akong salamin malapit sa may pintuan kaya agad ko itong tinungo. Inayos ko ang aking sarili, baka kase may tuyong laway pa ako, nakakahiya. Habang nag-aayos ako ay hindi ko maiwasang titigan ang aking sarili. Napakaraming tanong ang biglang pumasok sa isip ko.

"Ganito ba talaga kamalas ang buhay ko?"

"Kakayanin ko pa kaya ang mga susunod na araw?"

"Pinagsisihan kaya nina Mama at Papa at pag-alis ko sa puder nila?"

Hindi ko namalayang may tumulo na pang isang maliit na patak ng luha sa aking kanang mata. Pinahid ko ito agad at iwinaglit ang mga katanungang kanina lang ay bumabagabag sa isip ko.

Nang masigurado kong ayos na ang lahat ay napagdesisyunan ko ng lumabas................SANA.


SANA..,dahil akmang hahawakan ko pa lang ang doorknob ay siya naman nitong pagbukas.

Sumalubong sakanya ang isang babaeng nakapang-nurse na damit. Maganda ito kung titingnan pero hindi ko siya type. 
Kahawig nga niya ang isang artistang minsang nakita ko sa pahayagan na binili ni Papa.

Parehas man kami nagkagulatan ngunit mabilis din kaming nakabawi ng reaksyon.

"Oh, iho. Bakit tumayo ka na? Okay na ba ang pakiramdam," mahinahon nitong sabi.

"Ahm.....okay na po ako, nurse?" tanong ko rito.

"Aw...sorry my bad. Just call me Nurse Heal o Ate Heal, dalaga pa naman ako," nakatawa nitong sagot saken.

"Ah hehehe..., Keith Ash naman po," awkward kong sabi habang kumakamot sa batok. "Okay na po ako Nurse Heal, wala na po akong nararamdamang kahit ano," dagdag ko pa.

May sasabihin sana ito sakin nang may lumitaw na isang lalaki sa likod nito.

Mas matangkad ito ng konti sakin. Siguro mga 5'8 ito, 5'5 lang kase ako. Gwapo ito tingnan sa kaniyang.......nurse uniform din?

Ilan ba nurse rito at parang andami. Sobrang ganda naman pala dito kase sure na sure ang health ng bawat estudyante.

Napansin ko rin na may hawig ito sa itsura ni Nurse Heal. Magkapatid kaya ito? o baka magkamukha lang. Pero imposible eh, parang pinagbiyak na bunga.

Sa sobrang titig niya ko rito, isang tinig ang aking narinig.

Sa isip lang........

"Hay naku, may na-love at first sight na naman sa kapatid ko"

"Mukhang may tama rin sakin to huh. Hindi ko naman siya masisisi"

So tama nga akong magkapatid sila pero anong pinagsasabi nila na gusto ko ang lalaking ito? Sa sobrang gulat ko eh, hindi ko namalayang napataas na pala ang tono ng aking pananalita sakanilang dalawa.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now