TOH Chapter 40: Who's who?

487 46 5
                                    

✨Ash Keith's POV✨

🧝


"Dalawang accuma na lang, at muling makakasama ko na ulit ang plushies ko at ang malambot kong kama!!!! Wahhhhh! I'm so excited," may galak ni wika ni Eon habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.

And again, walang humpay na tawanan at asarang muli ang bumalot sa'ming walo lalong-lalo na kay Faith at Eon. Hindi ko na lang pinansin pa ang pananahimik ni Gary, dahil alam kong iniingatan niya ang kaniyang galaw.

Habang tinitingnan ko silang lahat ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit sa iksi ng oras na nagkakilala kaming lahat, ay hindi ko ineexpect na magkakaroon agad ako ng isang pamilya sa katauhan nila.

"Mas excited ka pa sa kama mo, kesa sa accuma mo ah! Tibay mo bakla!" hirit naman ni Faith dito.

"Tss! Syempre! super duper mover, Uber at isama mo pa ang  Grab sa sobrang excited kong makakuha ng accuma! Like it's once in a lifetime lang kaya no!" pagmamalditang sagot naman ni Eon kay Faith.

"Sus! Yun lang ba talaga ang namiss mo? Hindi mo ba namiss jugjugan niyo ni..ni...ni..ni..." wika ni Faith habang nag-iisip.

"Hoy! Babaitang to, isyu ka talaga! Kung ano-ano binibintang mo sa'kin huh! Inosente po ako!" bulyaw at pagmamakaawa ni Eon na akala mo'y gumaganap sa isang pelikula.

Tawanan ang namutawi sa aming walo dahil sa ginawa ni Eon. Pati ako ay napatawa na rin dahil sa itsura nito, kahit na hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan.

"Wag nga ako bakla! Sino ba kase yun ah.... hmmm! Basta! Yung lalaking kasama mo na nakita namin noong bumaba kami ng hagdan galing opisina ng SSC Office! Masarap ba?" nakangising pang-iinis pa ni Faith kay Eon.

"Tse! Dami mong knows girl! Wala akong alam sa sinasabi mo no?!" paninindigan pa ni Eon na ikinangisi lamang ni Faith.

Sasagot pa lamang muli si Faith nang makarinig kami ng boses sa aming unahan. Lumingon kami rito ay nalaman naming ito'y galing kay Erick.

"Tigil," ma-awtoridad na wika ni Erick sa'ming mga nasa likuran habang nakataas ang isang kamay nito na pantay ng kaniyang mukha ng hindi lumilingon sa'min.

Napatigil kaming lahat sa paglakad, pagkatapos ay nagsimula ng magtanong ang mga kasama ko sa mga nasa unahan namin.

Hindi kase namin makita ang nasa unahan dahil sa nagtatangkarang kalalakihan sa'ming unahan.

"Anong problema? Bakit tayo huminto?" nagtatakang tanong ni Cynthia.

"Oo nga! May pagsubok na ba? Makukuha ko na ba accuma ko?!" excited na tanong naman ni Eon.

"Manahimik ka nga diyan bakla! Kung may pagsubok man, kay Cynthia 'yon nu!" pang-aasar muli ni Faith kay Eon.

"Grabe ka girl huh! Lagi mo na lang akong inaaway! Nakakainis ka na huh!" pagpapa-awa naman ni Eon.

"Hala! Sorry na bakla! What I mean to say is last kang makukuha dahil.....dahil special ka! Oo yun nga, dahil special ka! Diba save the best for the last, kaya sa'yo yun, hehehe!" natatarantang wika naman ni Faith sabay lapit rito at hinawakan sa braso nang makitang lumuluha na si Eon.

"Caught you! Love mo naman pala ako, kailangan talaga awayin pa! Hahaha!" nakangiting nang-aasar ni Eon kay Faith.

Nakita ko namang umirap si Faith kay Eon.

"Maiba tayo, ano bang dahilan at pinatigil mo kami Erick?" pag-iiba ni Eon sabay tingin kay Erick na kasalukuyang nakatingin na din pala sa iringan ng dalawa, pati na rin si Terrence at Gary.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now