TOH Chapter 7: Forgiven and Accomplished

1K 85 1
                                    

Ash Keith's POV✨

🧝

Nang mawalan ako ng malay-tao kanina sa loob ng canteen, nagising na lang ako sa isang napakagandang lugar. Para itong paraisong pinaninirahan ng mga Gods and Goddess.

Napalilibutan ako ng nagluluntiang mga puno, nagagandahang mga bulaklak at nagtataasang mga bundok.

Sa aking pagmamasid ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang napakalaking lawa sa pinakangsentro ng paraisong ito. Punong-puno ito ng malinis at malinaw na tubig. Kitang-kita ko ang mga isdang malayang lumalangoy sa katubigan. Ang ganda nila pagmasdan dahil para silang sumasayaw kasama ng iba pang nabubuhay sa tubig.

Dahil sa pagliliwaliw ko, eh hindi ko sana mapapansin ang isang lalaking nasa tabi ko kung hindi lang ito biglang nagsalita.

"Ang ganda diba?" panimulang tanong nito habang diretsong nakatingin sa lawa.

"Ah.....eh....alin po ba? Iyong isda po ba o iyong lawa?" awkward ko namang tanong rito.

Lumingon ito sa aking direksyon at tinitigan lang ako panandalian pagkatapos ay bumalik muli ang kaniyang tingin sa kawalan.

"Lahat! Maganda ba ang lugar na'to?" tanong nitong muli sakin ng hindi pa rin tumitingin sakin.

"Ah....oo naman po. Hindi ko man alam kung saan ito matatagpuan ngunit masaya ako na nasilayan ko ang napakagandang lugar na'to. Iba man ito sa nakasanayan kong mundo pero mas nanaisin ko pang manirahan rito kaysa sa kasalukuyang tinitirhan ko,"  diretso kong sagot rito.

"Paano mo naman nasasabi yan gayong ngayon mo palang nakita ang lugar na ito. Mapanlinlang ng ating mga mata iho, pinipilit nating maganda ang ating nakikita ngunit ang totoo'y hindi naman pala kaya marami ang nasasaktan," paliwanag nito sakin.

"Ho? Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko rito ng may pagtataka.

Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay ikinumpas niya lang ang kaniyang kanang kamay pakaliwa.

Ang sunod na nangyari ay sobrang nagpanginig sa aking kalamnan.

Ang kaninang mapayapang paraiso na aking hinahangaan, ngayon ay napalitan ng imahe ng isang katatapos lang na digmaan.

Maitim na usok.

Dilim.

Masangsang na amoy.

Dugo.

Kamatayan

Nagkalat ang iba't-ibang parte ng katawan ng tao sa lupa.
Mayroong pugot ang ulo, paa, kamay at hindi makilalang mukha dahil sa matinding pagkakasunog rito.

Putol-putol na rin ang mga puno at kalbo na ang mga bundok.

At ang huli, ang dating malinis na tubig ng lawa ay dumumi na dahil sa pinaghalong dugo at patay na katawan ng mga nasawing tao. Nagsimatayan na rin ang mga isda rito na ngayo'y nakalutang na sa ibabaw ng katubigan.

Ibinaling ko ang aking paningin sa katabi ko at binato ng sunod-sunod na tanong.

"Teka! Anong nangyari?! Nasaan na yung kaninang paraiso?! Bakit nawala. Atsaka bakit andaming patay, joke lang to diba. Tama! Baka panaginip lang lahat ng to," pangungumbinsi ko sarili ko.

"Harapin ang katotohanan. Wag matakot. Isipin ang kapakanan ng iba bago ang sarili. Magpatawad at magpakumbaba," matalinhaga nitong sabi.

Huh? Hindi ko naman makuha ang ibig sabihin ng lalaking to. Ang weird huh.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now