TOH Chapter 30: Curse and Cure

525 46 2
                                    


Terrence POV✨

⛑️


"Ano ba talagang nangyari Terrence, at nauwi ang lahat sa ganito?" malungkot na simulang tanong ni Cynthia sa'kin.

Nakaupo kase kaming pabilog ngayon sa pinaghihintayan ng mga girls kanina kasama sina Eon at Ash upang hindi namin marinig ang privacy ng dalawa na sinasabi ni Ash habang kumakain.

Nandito kase ang mga pagkaing nakuha pala ni Ash nang umihi raw siya atsaka na rin ang mga pagkaing nakuha naming tatlong lalaki. Gusto ko ngang sunggaban lahat, kaso naalala kong sad atmosphere pala ang nangyayari ngayon, kaya Terrence wag kang masiba!!!!

Bago ko sinagot ang tanong ni
Cynthia sa'kin, ay tiningnan ko muna ang mga kasama ko ngayon dito.

Sina Ash at Eon na nakatungo pa rin dahil sa negative emotions na nag-ooverpower sa kanilang mga puso. Sina Faith, Cynthia, at Celestina na nakatingin man sa'kin ay bakas pa rin ang kanilang kalungkutan at pagdadalamhati. Patunay nito ang mapupula nilang mga mata at mga natuyong luha sakanilang pisngi.

"Ahmm....actually I don't think kung may dapat ba talagang sisihin sa nangyari," pagsisimula ko na ikinakunot-noo na tingin ng lahat sa'kin, pati kasi si Eon at Ash ay itinaas na ang kanilang mukha nang matapos kong sabihin ang mga binitawan kong kataga.

"Look! Yung kaseng pinuntahan namin, wala talagang kabunga-bunga. Kahit saang puno, wala talaga," defensive kong paliwanag sakanila.
"Syempre nakaramdam kami ng frustration because we don't want to disappoint you guys!" dugtong ko pa.

"Naiintindihan kita Terrence, kayong tatlo actually, dahil it's a part of man's ego and or pride! Pero.....pa-papaano kayo nakaabot sa ganitong kalayong lugar?" curios na tanong ni Faith.

"This is Gary's idea but not his fault! Gusto niyang lumayo kami kahit konti dahil nahihiya daw siyang wala man lang makukuha na kahit isa, at bilang kaibigan naman ay sumunod ako," pagpuputol kong wika.

"Konti? Look where we are?! Dapat pinigilan mo siya Terrence para hindi mangyari to! Letseng pagkalalaki naman yan oh!" histerikal na sigaw ni Eon sabay tayo pagkatapos ay umalis sa aming pwesto at tinungo ang direksyon patungo sa'ming orihinal na kinaroroonan.

Napayuko na lang ako sa aking narinig dahil tila narinig ko ang sigaw ni Papa noong araw na mismong nawala si Abegail.

Ayaw ko mang isipin, ngunit nangingibabaw sa'king isipan na ako ang may kasalanan ng nangyari ngayon. Na ako ang dahilan ng problemang ito. Tama nga kaya ang sinabi ni Papa na walang magiging ligtas pag ako ang kasama?! Ganito na ba ako kainutil tulad ng sinasabi ni Papa?!

"Pa-pasenya na ku-kung hindi ko siya na-napigilan! Pa-patawad sainyo!!" nakatungong wika ko sakanila habang umiiyak.

Ilang saglit, matapos kong bitawan ang mga katagang iyon, ay nakaramdam ako ng mahigpit na yakap mula sa isang tao habang hinihimas ang aking buhok.

"Shhhh! Walang may kasalanan nito Terrence kaya tumahan ka na," sabi nito na ikinataas ng mukha ko. "Nabigla lang si Eon sa sinabi niya, kaya sana wag kang magalit sakaniya, okay?" nakangiting wika ni Ash sa'kin habang direktang nakatingin sa'king mga mata.

Nararamdaman ko siya kay Mama, kung paano niya ako yakapin ng mahigpit tapos ay himasin ang aking buhok bilang pag-aalo sa tuwing pinapagalitan ako ni Papa kung kaya't gumanti rin ako ng yakap. Parang alam na alam niya kung paano niya ako pakakalmahin, pero wala na akong pakialam pa kung paano niya nagawa ang bagay na'yon.

Nang umalis na sa pagkakayakap sa'kin si Ash, ay nginitian ko ito pagkatapos ay inayos ang sarili sa pamamagitan ng pagpunas ng luha at pag-ayos ng damit.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now