TOH Chapter 8: Lock Screen

1.1K 77 2
                                    

✨Ash Keith's POV✨

🧝

"Freeeeeeeennnnyyyyy!!!!!" sigaw ng isang malakas ngunit matinis na boses na may kasamang sunod-sunod na katok na  nagmumula sa labas ng pintuan ng aking silid.

Anubayan. Aga-aga pa eh nambubulabog na agad. Wala man lang bang konsiderasyon ang baklang to!

"ANO BA? HUWAG KA NGA MAMBULABOG. KUNG SINO KA MANG PONCIO PILATONG NASA LABAS, MAKIRAMDAM KA NAMAN! ABA, BAHAY MO, BAHAY MO HUH! MAY NATUTULOG PA GAGO!" rinig kong sigaw mula sa katabing-silid ko.

Mabuti nga sakanya. Akala ko matitinag siya sa sinabi nito pero mukhang na-triggered ito sa sinabi ng lalaki sa kabilang-silid.

"AT KUNG SINO KA MANG SAN PEDRO KA, ABA KANINA PA TUMUTILAOK ANG MANOK MO PO, ANO! ATSAKA WALA KANG PAKI KUNG MAGSISIGAW AKO, THIS IS A DEMOCRATIC COUNTRY NOH! PALIBHASA KASE BATUGAN KA!" ganting sigaw rin nito pagkatapos ay kumatok ulit ng sunod-sunod

Nakakahiya talaga tong baklang to. Wala na akong nagawa kundi ang bumangon habang pupungas-pungas ang mata. Baka kase magkarambulan na ito sa labas. Tinungo ko ang direksyon ng pintuan pagkatapos ay binuksan ko ito na siyang ikinatigil nito sa pagkatok.

Tumambad sa akin ang nakasimangot na pagmumukha ni Eon. Naka-postura ito ngayon. San naman kaya ang punta nito?

"Oh? San ang children's party aber?" nakataas-kilay kong tanong sakanya.

"Anong children's party ang pinagsasabi mo diyan? Nakalimutan mo na ba na i-totour kita. Ikaw kaya ang nag-request sakin. Aba! Don't say na tumatanda ka na ata LOLO," sagot nito pagkatapos ay tumawa ito.

"Alam ko naman at hindi ko nakalimutan pero Eon naman, anong oras pa lang oh? Ang aga pa eh. Please, 10 minutes pa. Inaantok pa ako eh!" pagmamakaawa ko rito.

"No! Hindi pwede! Bawal! Anlayo-layo kaya bakla ng nilakad ko para lang makarating rito sa room. Gora ka na sa CR para makapag-take a bath ka na. Mahal ang oras ko bakla! Faster!" sabi nito habang tinutulak ako sa papuntang CR.

Hindi na ako nakapagreklamo pa dahil sinaraduhan na niya ang pinto ng banyo. Pero bago iyon ay inabutan niya ako ng susuotin ko raw.

Nakapaglinis tuloy ako ng wala sa oras. Pagkatapos maglinis ng katawan ay isinuot ko na ang kulay asul na plain sando shirt at black short na binigay kanina ni Eon. Hindi kaya makitaan ako nito sa sobrang ikli? Well, may tiwala naman ako sa baklang to.

Tinungo ko ang kinalalagyan ng nakasabit na salamin at tiningnan ang aking repleksiyon. Itinali ko ang aking mahabang buhok ngunit nag-iwan ako ng konti sa magkabilang bandang unahan upang ilugay ito. I just find it cute. Hehehe. Habang tinitingnan ko kung may mali pa rin sa mukha ko, biglang pumasok sa isip ko ang isang tinig na narinig ko kagabi. Tsk. Bakit ko ba iniisip yun. Panaginip lang ata siguro yun.

Nang masigurado kong okay na ang lahat tsaka ako lumabas ng pinto.

"Bakla, akala ko nilamon ka ng inidoro sa tagal mo sa loob. Ang sabi ko mag-palit hindi magpaganda," diretsong sabi nito sakin.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Ang gulo mo talaga kausap," nayayamot kong turan rito.

"Baka naman kase ineexpect mo si Papa Aries Kurt sa labas. Ayiiieeee. Bakit? namiss mo na ba ang super tight hug back niya? Huh, huh? Hug me tight Papa Aries Kurt," pang-aasar nito habang niyayakap ang sarili.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now