TOH Chapter 17: Meeting the SSC Members

752 53 5
                                    

✨Aries Kurt POV✨

🤴

Nandito kami ngayong lahat ng SSC members sa ginawa naming tambayan which is the rooftop of Luna Building.

Kung titingnan sa labas, napakaliit ng tent na'to, pero sa oras na pumasok ka rito ay hindi inaasahang tila isa itong penthouse sa laki ng area pero still kita pa rin ang anino namin sa labas para magmukhang tunay na tunay. Paano nangyari? Magic!

Pinagtulungan namin itong itayo para pag kailangan namin ng fresh air, dito namin maiisipang pumunta. We can do anything here; either school related activities or just a bonding moment with the gang.

Tent ito na natatakpan ng mahaba at manipis na puting tela, kaya siguradong makikita mula sa labas ang anino ng kung sinuman o anuman ang nasa loob sa dis-oras ng gabi. Kumpleto na rin ang mga kagamitan rito tulad ng couch, mesa, pillows at isang family size na kama. Mayroon ding mini-kitchen tapos CR para hindi na kailangan pang bumaba.

Kapag masama naman ang panahon ay hindi na namin kailangang mag-alala pa dahil protected ito ng barrier na pinaggawa namin sa isa sa mga senior granted.

Dito naming naisipang gawin ang iniutos ng President dahil sira ang aircon sa SSC Office. Sobrang init pa naman ng panahon ngayon. Sinabayan pa nito ang nakakairitang feeling na nararamdaman ko. Bakit kase palaging wala ang President? Dapat siya kase ang gumagawa nitong mga to hindi kami! Kainis!

"Pres., ito na pala ang final scheduled activities na inaasahang mangyayari sa nakatakdang araw," biglang sabi ni Pietro, ang SSC Secretary sabay abot ng papers na nasa kamay niya. Napalingon naman ako sakanya pagkatapos ay tiningnan ng mabilisan.

"Sige, salamat. Just put it in the table," kalmado kong wika sakanya.

Inilagay niya naman ito sa ibabaw ng mesa ko pero napansin kong hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko.

"May kailangan ka pa?" tanong ko rito na may tonong pagkairita.

Mukhang natakot naman siya sa tinuran ko kaya bigla siyang napayuko.

"Ahmm, napansin ko kase na kanina ka pa nagaasikaso niyang ginagawa mo. Magpahinga ka kaya muna," suhestiyon nito sa mahinang pagkakasabi pero tama lang para sa pandinig ko.

"Alam mo naman siguro kung anong mangyayari pag hindi ko'to natapos within today diba?! Ikaw ba malilintikan?" masungit kong tugon rito.

"Hindi sa naman sa ganun Pres. Nagsusuggest lang po dahil mukhang pagod na po kayo," diretsang sabi nito sakin.

Ano bang pakialam niya sa nararamdaman ko! Kanina pa nag-iinit ang ulo tapos dumagdag pa ang taong to. Hindi ko na napigilan at sumabog na'ko.

"Well! I DON'T NEED YOUR FUCKING SUGGESTION! ALIS!" napasigaw kong turan sakanya.

Nagulat siya sa inasal ko kaya nakita kong napastep backward siya ng isa. Pagkatapos kong sabihin iyon ay ibinalik ko na ang tingin ko sa ginagawa ko.

Napansin kong hindi parin siya umaalis. Sisigawan ko sana siya ulit pero dinaluhan siya ng kung sinuman. Nakilala ko lang ito nang magsalita ito at pakalmahin si Pietro. Tss!

"Pare naman, bakit kailangan sumigaw? Magkakaibigan tayo rito diba?! Nag-aalala lang yung tao eh," sabi nito sakin ng may halong paninita. "Tara na Burn, hayaan mo muna siyang magpalamig ng ulo," dugtong pa nito pero sa katabi naman nito sinabi. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong umalis na silang dalawa sa tabi ko.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now